Part 8

86 32 5
                                    



PANAY ANG buntong-hininga ni Ken habang pinagmamasdan niya si Marie na mahimbing na natutulog. Parang nginangatngat ng konsensiya ang dibdib niya sa sinapit ng dalaga. May bandage ito sa ulo at sa paa nito.

Natapilok ang dalaga at nabagok ang ulo nito ng dahil lang naman sa kanya. Of course wala namang may kasalanan sa nangyari dahil aksidente iyon pero sinisisi niya ang sarili. Pinilit niya si Marie na samahan siyang hanapin si Dianne kaya kasalanan niya kung bakit ito naaaksidente.

He maybe a jerk sometimes pero hindi maatim ng konsensiya niya na may nasasaktan o napapahamak nang dahil sa kanya. Kaya ganoon na lang ang taranta niya nang nagdaang gabi ng makita niyang nabagok ang ulo ni Marie sa malaking bato. Hindi na nga siya makapag-isip ng tuwid ng makita niyang maraming dugo ang umaagos mula sa ulo ng dalaga. Kung hindi pa bumusina ang sasakyan na sumaklolo sa kanila ay baka hindi pa siya mahimasamasan at bumalik sa katinuan.

He was really horrified, 'buti na lang at normal ang findings ng doktor kay Marie at walang masamang epekto kay Marie ang pagkabagok ng ulo nito. Mild concussion lang ang natamo nito kaya nawalan ito ng malay. Kaya may umagos na dugo sa ulo nito dahil nagkaroon ito ng sugat sa taas ng noo nito dulot ng pagkabagok nito pero maliit na hiwa lang at hindi malalim ang naging sugat. Hindi na kailangan ng stitches. Thank God.

Napangisi siya, matigas nga siguro ang ulo ni Marie kaya hindi kahit bato ay hindi umubra sa tigas ng ulo ng dalaga.

Now, that Marie is recovering ay sisiguraduhin niya sa sariling babawi siya sa dalaga. Personal niyang aalagaan ang dalaga hanggang sa gumaling ang sugat nito sa ulo at sa paa nito. Marie almost lose her life because of him. It's the least thing he can do. Ipapaubaya niya na sa Private investigator ang paghahanap kay Dianne sa San Rafael.

Napapitlag si Ken ng biglang magsalita si Marie habang tulog ito. The girl is sleeptalking. At tungkol sa pagkain ang sinasabi ni Marie kaya hindi niya napigilan ang sariling mapangiti. Kahit sa panaginip ay sobrang takaw pa rin nito.

He was really amaze nang makita niya kung gaano ito katakaw ng kumain ito sa fast food chain. She could eat up three double cheeseburgers with large fries and finish it up with chicken and extra rice after. Pati nga siya na hindi kumakain sa fast food ay natakam na rin at nagutom habang pinapanuod itong kumain kaya napahinuhod na rin siya nitong sumalo rito. The girl is really something.

Marie stopped sleeptalking. Naging mahimbing na ulit ang tulog nito kaya umisod siya palapit sa dalaga. Tiningnan niya ang mga sugat ni Marie na may bandage. Mula sa paa hanggang sa ulo nito. Napabuntong-hininga siya. Siguradong masakit ang mga iyon at makirot 'pag nagising na ito. Well, nandoon naman siya. He would be her personal nurse. He can be a living morphine. Sana nga lang ay hindi ito magreklamo at tanggihan siyang alagaan ito.

Hindi niya na rin napigilan ang sariling suyurin ng tingin ang buong mukha ng dalaga. Marie is beautiful, there's no doubt about it. Hindi niya nga akalain na ito na ang Marie Deguzman na kilala niya noong college. Ibang-iba kasi ang hitsura nito noon. Hindi naman sa pangit ito noon pero hindi lang siguro masyadong na-appreciate dahil marami itong taghiyawat at maitim ito noon. Well, puberty hits ika nga. Sa pagdaan ng panahon ay lalong na-develope ang facial assets nito. Sa malapitan ay makikitang hugis-puso ang mukha ni Marie. Makakapal ang kilay nito na bumagay sa mahahabang pilik-mata ng dalaga. At ang ilong nito ay hindi naman masyadong matangos pero tama lang ang tangos niyon. And then her red and soft lips, he cant help but wonder how many have tasted those sweet soft lips of her? How would it taste if he'd kiss her?

Bigla niya namang ipinilig ang ulo dahil nabigla siya sa pinag-iisip. What was he thinking, why would he want to kiss, Marie?

Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang unti-unti nang iminumulat ni Marie ang mga mata nito. Thank God Marie's awake. He was relieved. Kung hindi pa ito nagising ay baka nahalikan niya na ang dalaga.

RENDEZVOUS Trilogy Book 1 (COMPLETED) (MarieandKen) Where stories live. Discover now