[1] PTOE

289 5 1
                                        

[1] Periodic Table of Elements

***

Tahimik na nakaupo ako sa aking upuan nang lumapit sa akin si Kalvin. Nakita ko ang hawak n'yang gtech ballpen.

" Sa'yo ba 'to?" Tanong n'ya sa akin. Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil minsan n'ya lang naman akong kausapin. 

" Tinatanong kita,sa'yo ba 'to?" Nabalik ako sa reyalidad nang muli s'yang magsalita. Nagmamadaling binuksan ko ang pencil case ko para icheck kung naroon ang gtech ko pero wala.

" A-ah,oo,ano,uhm...sa­­­ 'kin 'yan. Hehe." Agad naman n'yang ibinigay sa akin ang hawak n'yang gtech ballpen. 

" Sa susunod kasi,ingatan mo yung gamit mo. Ayoko pa naman sa mga burara. Tsk," Umalis na s'ya sa harapan ko at bumalik na si kinauupuan n'ya.

Ang sungit din talaga ni Kalvin. Pasalamat s'ya,crush ko s'ya. Matagal ko na nga s'yang gusto kaso nahihiya lang akong umamin. Hays.

Napatingin kaming lahat sa pintuan nang sumilip ang aming science teacher. Tinawag n'ya ang class president namin na si Kalvin. Lumabas na si Kalvin at kinausap si ma'am. Maya-maya lang ay pumasok ng muli si Kalvin at may ini-announce.

" Hindi raw papasok si ma'am ngayon sa klase dahil raw may meeting ang teachers." Matapos 'yung sabihin ni Kalvin ay nagsigawan kami dahil sa saya.

" TAHIMIK!Patapusin n'yo muna ako!" Natahimik naman kami dahil sa lakas ng sigaw n'ya. Ang sungit talaga ni crush. Kiss kita d'yan eh. Hmp!

" May recitation ngayon!Ngayon na mismo. Tutal pinakabisado naman ni ma'am ang periodic table of elements,tungkol doon ang itatanong ko. Ako kasi ang inatasan ni ma'am tungkol dito dahil ako ang president. Sasabihin n'yo lang ang mabubuong word sa sasabihin kong mga elements. Example,
Chromium. Uranium. Sulfur. Hydrogen. Pottasium. Iodine. Tantalum. The answer is,CRUSH KITA. " Nagulat ako nang pagkatapos sabihin ni Kalvin ang mga huling salita ay tumingin s'ya sa akin at ngumisi na s'yang ikinainit ng pisnge ko.

" AGUILLER, STAND UP!" Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Kalvin. Shit naman lord,bakit naman 'A' pa ako?Huhu. Sabi ko na nga ba alphabetical 'to eh.

" Classmates, pag nasagot ni Grace ang itatanong ko,hindi n'yo na kailangang magrecite pa. Basta 'wag kayong magsusumbong kay ma'am." Nag-ingay naman ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Kalvin. 

" The best president ka talaga Kalvin!"

" Galingan mo Grace!"

" Ang bait ni pres!Woooh!"

Kainis!Ang unfair naman!Baka umasa sa akin mga classmates ko!

Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Tiningnan ko si Kalvin na nakahawak ngayon sa chin n'ya at tila iniisip kung anong ipapasagot sa akin. Huhu!Hindi pa naman ako matalino gaya n'ya! Kaya ko nga s'ya naging crush dahil matalino s'ya lalong-lalo na sa math and science. Kaloka naman kasi eh!

" Grace, Lanthanum.Hydrogen.A­­­mericium.Pottasium­.­I­odine. Tantalum." Pagkasabi nun ni Kalvin ay inisip ko kaagad ang sagot. Narinig ko pa ang pagcheer sa akin ng mga classmates ko.

Lanthanum(La).Hydrogen(H).Americium(Am­)­.­Pottasium(K).Iod­in­e(­I). Tantalum(Ta).

" Alam ko na,LAHAM KITA!" Proud na sabi ko sa kan'ya. Napansin ko rin na napaubo si Kalvin at tila kinakabahan. Nagtaka pa ako nang tuksuhin kami ng mga kaklase namin.

" Kalvin,tama ba 'yung sagot?" Mabilis naman s'yang tumango kaya nakahinga ako ng maluwag.

" 'Y-yan lang ba ang sasabihin mo?W-wala ka bang sasabihin sa akin?" Nagtaka naman ako sa sinabi n'ya.

" Huh?Ano bang dapat kong sabihin sayo?" Nakita ko na napaface palm s'ya pati na ang iba naming kaklase. Narinig ko naman ang malakas na sigaw ng treasurer namin.

" Ano ba 'yan Grace!Ang manhid mo!" Napaisip naman ako sa sinabi n'ya. Ako?Manhid?Hala grabe naman.

Ano bang dapat kong sabihin?Wala naman ng dapat sabihin,ah. Tsaka sa totoo lang,nagtataka ako sa isinagot ko. May word bang LAHAM? Weird.

" Slow!Sayang confession ko puta." Narinig kong sabi ni Kalvin. Isa pa 'tong weird. Tsk.

Bahala na nga. Ang mahalaga hindi na magrerecite ang mga classmates ko. Makakapag-uno na kami!Yey!

***

Periodic Table of Elements [Short Story]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon