WONDER GM

772 3 2
                                    

Pagmulat ng mga mata sa umaga

Ang mga GM mo’y may hatid na saya,

Dahil sa tingin ko ako’y iyong naaalala

Kahit di man lang para sa akin talaga.

Isang mensahe mula sayo ang ‘di ko inaasahan

Sa simula nito’y nakalagay aking pangalan

Kahit pa kinakabahan, unti-unti kong ineskrol down.

Binasa ko hanggang sa huli at natameme ako ng matindi.

Niyayaya mo akong manuod ng sine,

Kaya mabilis akong gumayak, kinikilig ang binibini.

Alas nuebe ang sabi mong oras

Pero 8:30 na at traffic pa, ang malas.

Tinext kitang malilate ako ng dating

Natuwa ako sa reply mong “okay lang sa’kin.”

Dumating ako eksaktong 9:47

Nakita kitang nakasandal sa pader ng 7/11.

Mabilis akong lumapit sa iyong harapan,

Lalakeng malungkot ang mukha, aking nadatnan.

“Akala ko’y hindi ka na darating…”

Mga kataga mong umanod ng lahat ng pangambang bumalot sa akin.

Ngumiti ako’t sa iyo’y nag-sorry

Binalak kong hawakan ka kahit sandali,

Pero laking gulat ko ng aking marinig

Alarm ng phone kong 6:00 am naka-set.

Talaga nga namang panira ng moment

Konting-konti nalang sana, gusto ko pang pumikit.

Ang mga oras na ‘yon ay tila isang pantaserye

Dahil ang mga GM mo ay sa panaghinip ko lang nangyari.

Poems from the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon