-----

Dalawang linggo na ang lumipas. Balik sa normal ang araw ni Kass. Hospital, clinic at bahay. Hindi nya rin sinasagot ang tawag ni Gabriel. Kahit gustong-gusto nya na kamustahin ito pero mas pinili nya na iwasan ito para sa kapatid na si Kaizer.

Ngaung araw ay meron syang medical mission kasama ng tatlong Doctor na katrabaho nya.

"Doc Tim! Okay na po ba lahat ng gamot at mga medical supplies na dadalhin natin?" tanong ko sa kasama ko na Doctor. Ang team ni Doctor Tim kasi ang nakatuka sa mga dadalhin namin ngaung araw. Ang medical mission namin ngaun ay para sa nabahaan noong nakaraang bagyo.

"Okay na po Doc Kass! Kaya lang may problema tayo."

"Ano yon?"

"Wala pa ang mga volunteers natin na mga medical students."

"We will wait for them. Kailangan natin ng mga volunteers don para sa distributions ng mga medicine and foods."

"Okay Doc. I'll just double check the medicine." paalam ni Doc Tim.

Bukod sa libreng gamot ay nang hingi ako ng donation sa mga mayayamang kaibigan ng kapatid ko.Ang naiipon kung pondo ay ibinili namin ng grocery at sako-sakong bigas para sa mga nasalanta ng bagyo.

"Doc Kass! May nag hahanap po sa inyo?" tawag ng nurse sa akin na kakarating lang mula sa labas.

"Andyan na ba ang van at truck na maghahatid sa mga dadalhin natin?" tanong ko sa kanya. Umiling sya at biglang namula ang mga pisngi.

"Si G-aelan daw po. Boyfriend nyo."

"Gaelan?!" Ano ang ginagawa nya rito.

"Na saan sya?" Hindi na sumagot ang nurse sa tanong ko dahil pareho naming nakita si Gaelan naglalakad sa hallway ng hospital papalapit sa aming pwesto.

Nagkasalubong ang kilay ko ng makita sya. Is he alright? Bakit parang ang putla nya. Mabilis akong naglakad palapit sa kanya.

"Gabriel are you okay?!" nag aalalang tanong ko sa kanya. "Hindi na naman ba maganda ang pakiramdam mo-" napasinghap ako ng bigla na lang nya akong yakapin. At ang pagkakayakap nya sa akin ay parang mababali-an na ako ng boto sa sobrang higpit.

"Why are you avoiding me Kassedy Dawn?!" sumbat nya sa akin. Hindi kaagad ako nakasagot. "I miss you Kass." Nagulat ako sa sinabi nya.

"G-abriel I can't breath. ."reklamo ko at marahan ko syang itinulak palayo.

Bumitaw din kaagad sya.

"I--m sorry.."he said.

"Why are you here? May sakit ka na naman ba? I'm sorry but I have a medical mission to attend. Ipapa assist na lang kita sa kasama kung Doc-."

"I'm fine. . I j-ust came here see you. I know you're avoiding me." umiwas ako ng tingin sa kanya. Nagu-guilty kasi ako.

"Sorry! Kaizer got mad at me at g-usto nyang iwasan kita. But, my brother is not that a bad person."pagtatanggol ko kay Kaizer. "Sobrang nag aalala talaga sya kaya kung ano-ano ang lumalabas na matatalim na salita sa bibig nya pag nagagalit."

"You don't have to explain yourself."

Naputol ang usapan namin ng lumapit ulit si Doc Tim.

"Doc Kass! Andito na ang mga volunteers natin. But we need more guy volunteers. Lima lang ang medical students na lalak. I think hindi nila kakayanin ang mag pababa ng mga box of relief goods and medicine."

TBS1Book7:Healing Your Broken Heart.(On-Going) Where stories live. Discover now