Ikaanim: Rommel

557 9 14
                                    

Ikaanim: Rommel

Mabilis na hinithit ni Rommel ang kanyang sigarilyo. Hithit. Buga. Hithit. Buga. May isang linggo narin siyang balisa simula ng mabalitaan niya ang pagpanaw ng kanyang ina – si Aling Seling.

Unti unting bumalik sa kanyang kaisipan ang kahapon. Unti unting tumulo sa kanyang ulo ang butil butil na pawis. Tanging tunog lang ng kanyang lumang elektrikpan ang maririnig sa kanyang madilim, maliit at magulong silid na inuupahan nito sa ilalim ng tulay ng Pasay.

“AHHH!!!”

Sigaw nito habang nakahawak sa kanyang ulo. Isa isang bumalik ang kanyang mga ala-ala.

“Rommel! Tama na! huwag niyong gawin yan sa bata! Maawa kayo!”

“huwag kang mangialam!!” singhal ni Rommel labinlimang taon na nag nakakalipas

“INAY!!MAAWA KAYO!”

“Tumabi ka diyan Julie! Kailangan namin ang bata!”

“Dadaan muna kayo sa bangkay ko!”

Nagising si Rommel sa isang tila mapait na panaginip. Sinindihan muli nito ang nalalabing sigarilyo sa ibabaw ng kanyang lamesa at saka pinindot ang lumang cassette tape sa tabi nito:

“Sunday is gloomy,

My hours are slumberless

Dearest the shadows

I live with are numberless

Little white flowers

Will never awaken you”

Pinatay nito ang casette, inerewind at pinatugtog muli:

“s are slumberless

Dearest the shadows

I live with are numberless

Little white flowers

Will never awaken you”

Paulit ulit niya itong ginawa hanggang sa makatulog siyang muli.

Mataas na ang araw ng magising si Rommel mula sa pagkakatulog. Isang panibagong araw na kailangan niyang magkalakal ng basura upang may ikabuhay. Malayo sa dating maranya niyang buhay.

“Rommel… trabaho na ba kaagad? Halika muna at samahan mo kaming uminom” – yaya ng isang kaibigan nito.

“sige, kukuha lang ako ng basura at dadaan ako riyan mamaya…”

“hihintayin ka namin ah!”

Madaling natapos ang araw ni Rommel matapos niyang makapamulot ng kakaunting mga bote at papel ay ipinagpalit niya ito kay Berto – ang may ari ng junkshop sa kanilang lugar.

“trenta y singko????e kulang pa pambili ng alak to!!” singhal nito

“ABA! DAPAT NAMULOT KA NG MAS MARAME!” – Berto

“Aba’t lokong p*ta to ah! Dinadaya mo ata ako e!”

Isang malakas na suntok ang tinamo ni Rommel sa kanyang mukha, dahilan upang ito’y mapaupo sa lupaan.

“Tan**&*% kang hay*p ka!! Sa susunod, kumuha ka ng mapagbebentahan mo niyan!”

Isang tadyak pa ang ibinigay nito rito na naging dahilan ng pagtakbo palayo ni Rommel.

Palubog na ang araw ng makarating ito sa tambayan ng kaniyang mga katropa.

“pre, antagal mo naman. May dala kanabang panulak diyan??”

SOLO ~completed~Where stories live. Discover now