Ikalawa: Bernadette

958 12 8
                                    

Ikalawa: Bernadette

7AM

Hayyy..Nakakatamad pumasok ngayon. Kaya lang kung hindi naman ako papasok, wala naman akong gagawin dito sa dorm. Isa pa, bukas sembreak narin, so I guess magtitiis nalang ako.

Bumaba ako sa sa may sala ng dorm, bitbit ang tuwalya at sipilyo habang nakapikit na naglalakad sa corridor. Narinig kong nagbubulungan yung mga nakakasalubong kong mga estudyante. Pagdating ko ng sala, nagkukumpulan sila sa may harap ng tv.

“hoy, ella, ano yan?” tanong ko sa bestfriend at roommate kong si ella.

“panuorin mo yung nasa TV, nakakadiri.” – ella

“hayy naku, ikwento mo nalang yan sakin. Malalate na ako o, buti kapa nakabihis na.”

Nagmamadali akong naligo. Napansin kong tumutulo na ang gripo sa may tubo nito, kinuha ko ang plastic bag na nakasabit sa may pinto at tinali ng mahigpit ang gripo para maiwasan pa ang lalong pagkasira.

Nasa kalagitnaan ako ng pagshashampoo ng buhok ko ng biglang may nadinig akong kalabog mula sa labas ng banyo, sa may likuran. Napatingin ako sa may bintana at medyo nakabukas ito.

“what the fvck!”

Hinawi ko ang shower curtain at tumuntong sa bowl pagkatapos ay sumilip sa bintana. May nakita akong lalaking nakablue na tumatakbo palayo.

“tangi*aaaa!!!!!!”

Syet. Andami talagang manyak sa mundo. Inis na inis ako, pakiramdam ko, sira ang araw ko. buti nalang may shower curtain kaya for sure wala rin siyang nakita

Ako si Bernadette. 19 years old at isang kolehiyala sa Pasay. Nagdodorm ako malapit sa school namin, nasa batangas kasi yung mga magulang ko. Tourism ang kinukuha ko, kaya naman palagi akong posturang postura.

Nagmamadali kaming umalis ni Ella. Naglalakad kami ni Ella ng simulan niyang ikwento yung napanuod niya sa TV.

“Grabe bern, nakakadiri lang yung pinakita kanina sa TV.”

“Ano ba yun?”

“yung babae, pinatay sa apartment niya, ang ganda pa naman nung babae.”

“talaga?ano daw ginawa?” pagchichismis ko. yung mukha kasi ni Ella seryosong seryoso.

“basag yung bungo niya..nakapose siya na parang kakain sa lamesa. Ang nakakadiri dito, yung utak niya nasa may pinggan niya, nakatali yung mga kamay niya, halatang pinahirapan. Tapos nakabestida siyang maganda. Parang ewan yung killer, parang baliw.”

“yuck kadiri. San ba daw yun?”

“sa may libertad daw?”

Wth? Isang sakay lang samin yun ah, at madadaanan pag punta ng school. Grabe. Nakakatakot. Nabanggit din ni Ella na parang serial killing daw yung nangyayari.. okay.. mas naging nakakatakot.

“SAKAY NA O!MALUWAG PA!!”

Sigaw nung barker ng jeep. Sumakay na kami  ni Ella. Mabilis lang na natapos ang araw. Pagdating namin sa dorm e isa isa ng nagsisiuwian yung mga istudyante dahil sembreak na nga bukas. Nagsimula naring magayos ng gamit si Ella.

SOLO ~completed~Where stories live. Discover now