sa kanya....chapter 34

Magsimula sa umpisa
                                    

gavin's pov

"ma sige na po kumain na po kayo" sabi ko kay mama habang sinusubuan ko siya ng sopas na pinaluto kaninang umaga kay yaya, sabi kasi sakin ni yaya na simula daw ng nakulong si papa hinde na daw ganong kumakain si mama, lagi na lang daw siyang umiinum at umiiyak, malapit na din akong manilawa na kasalanan ko lahat ng to,

"umalis ka, dun ka na lang sa taong mag papsaya sayo kaya na namin to ng papa mo" malamig na sabi ni mama sakin, pagkatapos bigla niyang hinawi ung kamay ko

"ma naman, andito po ako" sabi ko habang pinipigilan ko na wag maiyak dahil sa sobra akong tinamaan sa sinabi ni mama sakin, pinababayaan ko na ba sila? pero ano bang dapat kong gawin para makatulong ako sa kanila? halos lahat naman ginagawa ko na pero bakit parang napakulang pa din

"umalis ka nalang gavin, hinde ko kailangan ng taong makasarili dito" 

kahit pa anong pakiusap ang ginawa ko kay mama talgang pinaalis lang niya ako sa kwarto niya, parang pinunit ung puso ko sa sakit at para din akong unti unting kinakain ng kunsensya ko, kung pano ko nagagawang mag tiis sa ganitong sitwasyon sa buhay namin, kung pwede ko nman piliin ung magpapatahimik samin, pero pano ko nman igigive up si lawrence? mahal na mahal ko siya at baka hinde ko na nman makaya pag nawala siya sakin

nung naayos ko na lahat ng gawain sa bahay, pinilit ko ung sarili ko na pumasok sa school, kailngan ko na din kasing humabol lalo na napakarami ko ng absent sa school, lalo na ngayon kailngan kong mag aral ng mabuti para patunayan sa lahat na hinde pera nilawrence ung gusto ko, at higit sa lahat kailngan ko to para kay mama at papa

"wow kung alam ko lang na ganito pla sasalubong sakin sa pagpasok ng maaga sana pala dati pa ako pumasok ng maaga" kahit mahirap pinilit kong ngumiti sa harapan ni paul, gustong gusto ng mga kamay ko na akapin siya para sabihin sa knya na nahihirapan na ako, na kailngan ko sila ngayon ni danica, pero  pinipigilan ko kasi baka sisihin lang niya ako sa disisyon na ginawa ko

"minsan alam mo gab, mas masarap ung maging hinde okey, kasi ung mga nag papangap nang okey sila kahit hinde, ayun ung mga tao na sobrang nasasaktan" napahinto ako sa paglalakad ko dahil sa sinabi ni paul, nakalimutan ko na ata na kaibigan ko din si paul at kilala ako, ganito na ba talga kahalata na sobra na akong nasasaktan? ganito ba talaga ung tinatawag nilang pagmamahal? hinde pwedeng okey ka na lang palagi kasi kasama mo nman ung taong mahal mo

"nahihirapan na ako paul" halos pabulong kong sabi kay paul sabay tungo na lang, medjo madaming tao ngayon at ayoko na makita nila akong umiiyak

"pwede mo akong kadate aba!"

kahit hinde pa ako sumasagot kay paul hinatak na niya agad ako papunta sa sasakyan niya, hinde ko din alam sa mga paa ko pero parang napakaxcited niyang sumama kay paul, hinde kagaya ng dati na alam ko sa sarili ko na napipilitan lang ako, kasi ayun ung dapat kong gawin

"paul wag diyannnnnnnnnnnnnn" sigaw ko nung iniwan ako ni paul sa isang bench at tinuturo niya sakin na umakyat daw kami sa puno, unggoy ata si paul at gusto niya sa puno pa kami, eh  ang lakas ng takot ko sa heights, tapos ung puno pa super taas pano naman ako aakyat nun

"hawak ka lang sakin dali, maganda sa taas" napatitig ako sa mga mata ni paul habang inaabot niya ung kamay niya sakin, naisip ko tuloy na sana nasa ganitong sitwasyon kami ni lawrence, na sana nagagawa namin mag saya nang walang papalit na problema

"tara na kasi babe!" napaitlag ako nung biglang nag salita si paul, hays siguro nga kailngan ko to ngayon kahit ngayon lang hinde ko muna iisipin si lawrence, ung problema namin aalisin ko muna sa sistema ko, kung ung computer nga kailngan ng refresh tao pa kaya

kahit na nararamdaman ko na nagkakasugat na ako sa kamay pinilit ko pa dinmakaakyat sa pinakataas nung puno, ganito nman ako dati pa pinipilit ko ung mga bagay kahit minsan alam kong hinde ko kaya pinipilit ko pa din

"hahahahahaha grabe ang ganda nga dito paul" sabi ko habang nakatitig ako sa baba na puro bahay at puno, ung mga sasakyan ang liliit pati na din ung tao, pakiramdam ko tuloy nasa ibang mundo ako, para akong diyos na kita ko lahat

"alam mo gab, mahal na mahal kita willing akong makatulong sa kahit na anong paraan" kahit nakangit alam kong nasasaktan ko na nman si paul, bakit kaya ganun pinilit ko nman na tignan si paul sa ibang paraan pero kahit anong gawin ko talgang sa kanya pa din ung puso ko

"paul nman" sabi ko sabay hawak ng kamay ni paul

"oh oh no need wag kang mag paliwanag gusto ko alam mo lang un gab, kasi hinde mo na ako nakakasama madalas baka hinde mo na alam na andito pa ako"

princess pov

simula ng nalaman ko na kinuha na ng pap ani gavin si gavin, alam kong malaki na nman ang problema ng kaibigan ko, mahal ko si lawrence mga bata pa lang kami dahil never ko pang naramdaman sa isang tao na tinangap ako kung sino ako, kay lawrence ko lang un naramdaman, kaya kahit na nagkakagulo sa pamilya namin hindeng hinde kami nag paapekto, kung hinde ng alang sa sakit na to ay sa pagiging makasarili ko na makasama pa si trina na matagal sana hinde n a kami nagpakasal ng peke nuon ni lawrence, sana hinde niya ngayon dinaranas lahat ng sakit.

"makakaya nila yan" napangiti ako nung naramdaman ko ung kamay ni trina sa balikat ko, kung sana lang tangap lang ung ganitong uri ng pagmamahalan dito sa pilipinas, malamang matagal ng kasal sakin si trina, mahal na mahal ko siya at bukod kay lawrence si trina lang ung tao na asa likod ko palagi sa mga panahon na kailngan ko ng kaibigan

"naawa lang ako sakanila, alam mo nman na kasalanan ko" gustong gusto ng katawan at isip ko na magpakatatag para makabawi man lang ako sa kasalanan ko kay gavin at lawrence pero kada tatangkain ko na kausapin si papa, palaging kasal namin ni lawrence ung sinasabi niya, nalaman na din ksi nila na hinde tunay ung kasal namin at gusto nilang ulitin namin un, malaking tulong daw un para sa mga investors, kung ano pa ung iba nilang dahilan wala na akong pakielam nun

"wag kang masyadong mag isip, baka makasama sayo, kita mo nman na umaayos ka na ulit" sabi ni trina habang minamasahe niya ung ulo ko, asa likod ko siya at parehas kaming nakatanaw sa palubog na araw, eto ganito ung buhay na gusto ko para kay gavin at lawrence pero hinde ko alam kung paano ko sila matutulungan lalo na't hinde ko alam kung hanggang kailan ako susubukin ng sakit kong to

-ringgggggg-ringgggggggggggg-

sabay kaming napalingon ni trina nung may biglang nag doorbell, medjo late na din kasi at wala naman kaming inaasahan na bisita,

ako na sana mag bubukas nung pinto pero pinigilan ako ni trina

"mahal andito si lawrence" napakunot ung noo ko sa sinabi ni trina, kung ano ginagawa ni lawrence dito isa lang ung dahilan nun, may problema na nman siya

"o renren napasugod ka?" nakangiti kong sabi kay lawrence, pero nung tinitigan ko ung mga mata ni lawrence nakaramdam ako ng sobrang takot, ayan kasi ung mga mata na nakita ko nung mgapanahon na makikipag break siya kay gavin

------------------------------------------------------------------------------------------------------------pls do vote and comment po,,, hinde na po ako mag aauthors note! salamat na lang po mwah

DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon