7

1 0 0
                                    

Chapter 7: New closefriend

Monday.

Omggggg Monday naaaaa! Maglelesson na kamiiiii!

Pagkapasok ko sa classroom ay wala parin si baklang Josh. Trip ko lang s'yang tawagin na bakla. Trip ko lang bakit ba!? Bigla naman akong nalungkot, walang baklang Josh, walang kausap. Hayst. Si Ella mukhang kasabay na naman 'yong other friends n'ya.

Hanggang sa nag lesson sa math. Pinilipit kong gisingin ang inaantok kong diwa. Kaso ayaw talaga. Nagulat na lang ako dahil tinawag ni math teacher ang pangalan ko. Owwww anong gagawin koooo? Ayoko namang mapahiya kapag mali or wala akong masagot.

"Hayup" bulong ko at tumayo. Help meeee! Napa lingon pa ako sa kung saan-saan at napa tingin sa arm chair ng katabi ko sa kaliwa. Naka sulat doon 'yong sagot. Paano ko nalaman? Naka sulat kase sa tabi ng sagot ay 'ito yung sagot' kaya agad kong sinagot 'yon kay Ms. Math teacher. At umupo na ako.

"Teyngkyu" sabi ko kay Red at nginitian. Hushush! Kung 'di dahil sa kanya baka napahiya na ako. Kaya... Teyngkkksss talagaaaaaaa.

At ayun hanggang sa nag lunch na. 'Yong mga kaklase ko, tuwang-tuwa at masaya or tumatawa habang papalabas ng classroom. Ako? Naka upo parin. Alam ko naman na wala akong kasabay. Bigla tuloy akong nalungkot at the same time naaalala si Rina, 'yong friendship namin. Ganyang-ganyan kami kapag tuwing break time. Feeling ko tuloy hindi ako belong dito. Dalawa pa nga lang close ko dito sa school eh. Tapos hindi ko pa sure kung close ko 'yong dalawa.

Hanggang sa ako na lang yung nasa classroom. At panira pa dahil naalala ko 'yong mga nakakatakot na kinukwento ni Josh sa akin. Hayup naman! Bigla tuloy akong natakot. Tapos pangatlong row pa 'yong pwesto ko. Feeling ko tuloy may naka upo sa likod ko. Huhuhu help meeeee uliiiitttt!!!

Huminga na lang ako ng malalim at nilakasan ko ang loob ko. Dito na lang ako kakain. Nagugutom narin ako eh. Kaso... Uuuggghhhh kinakabahan parin ako. Naiimagine ko tuloy na lahat ng multo ay naka tingin sa akin, tapos habang kumakain ako ay may kakalabit, may hahawak sa paa ko, tapos ipapakita nila sa akin 'yong mukha nila, like... Myghad! Creepy ugly face!!!

"Wala kang kasama?"

"Oo potang ina!" Sa pagiging paranoid ko ay nagulat ako napa mura pa. Buti at si Shin lang 'yon. Naiisip ko tuloy kung teacher ang nagtanong sa akin ay baka na prefect na ako dahil sa pagmumura ko. Remember? Catholic school?

"What a— never mind. Ba't dito ka kakain? Tsaka wala kang kasama? Eh diba lagi mong kasama si Ella?" At nilapitan pa ako.

"Nasa other friends n'ya, and Josh—"

"Sabay ka sa'min" what!?

"Are you serious? We're not even close—" urgh! Bakit ba ayaw n'ya akong patapusin!?

"We are" myghad!? Kelan pa? Nagpa kwento lang naman ako noong Friday eh. Fc ba 'to? Uh, never mind. 'Wag ka na maarte, Zei. Atlis may kasabay ka.

"B-but—" shh pabebe muna ako.

"Let's go! Gusto mo ba talagang mag isa para makakita ka ng ghost—" at hindi ko rin pinatapos ang sasabihin n'ya. Kanina ka pa eh!

"Halika na!" At agad akong tumayo at kinuha ang bag. Nagtaka ako kase kumunot ang noo n'ya. Problema nito?

"What!? Halikan na!?" Aba'y gago!

"Fu— i mean, let's go, duh?" Hinila ko s'ya at s'ya naman itong nagpapabigat. Naramdaman kong nagba vibrate si stomach. Huhu nagugutom na ako!

"Gutom na ako! Maglakad ka nga!" Reklamo ko.

"Naglalakad naman ako ah?" Pa-inosente n'yang sagot.

Bumuntong hininga ako. "'Wag kang magpa bigat! Nagpapahila pa eh"

"Sino ba kase naghila?" Hindi ako naka sagot ng dahilan.

"H-ha? Sabi ko nagugutom na ako" pag iiba ko. At iniwan ko. Naramdaman ko namang naka sunod s'ya sa akin eh.

"Magkasama si transferee girl at Shin? Close ba sila?" Dinig kong tanong ng babae sa kasama n'ya.

"Kung nandito lang si Clara baka awayin n'ya si transferee girl" agad naman akong na tats dahil sa tono ng pagkaka salita ay concerned sa akin 'yong nagsabi. "Sayang at wala si Clara, tsk tsk. Mukhang iiyak talaga 'to si transferee girl" ay hayop ka.

Pinantayan ko ng lakad si Shin dahil may itatanong lang ako.

"Si... Sino si Clara, Shin?" I ask.

"'Yong nasa second section, bakit?"

"Narinig ko lang, sa kanila" at tinignan ko 'yong mga babae na nag uusap tungkol sa akin o kay Shin o soon sa Clara. Ewan ko din. Sinundan ni Shin ng tingin 'yong tinignan ko.

"Don't mind them"

"A-ano bang itsura nung Clara?" Curious kong tanong.

"Hmm... Basta. Makikita mo din 'yon" tch. Nag antay pa ako ng sasabihin n'ya. 'Di rin naman pala ide-describe. Nanahimik na lang ako at sumunod kay Shin. Aba malay ko ba kung saan sila naka pwesto.

At sa wakas ay nakarating na kami sa pwesto nila. Medyo awkward din dahil nga sa hindi na ako nag ingay. Wala na akong ma-topic eh. So tahimik muna ako. Mabait at approachable naman pala si Sage at Kei. Sa unang tingin kase parang ang sungit nila tapos parang snnober pa. At si Sage na akala kong hindi ngumingiti o tumatawa, same as Kei, ay hagalpak pa ng hagalpak ng tawa dahil sa pinagti-trip-an si Shin. Si Shin naman ay naka poker face lang, minsan ay tumatawa din pero maya-maya ay nagiging seryoso dahil nga sa pinagti-trip-an s'ya nila Kei at Sage. Si Red naman ay kumakain lang at parang may sariling mundo.

"HAHAHA! ANG EPIC NGA NOON NG MUKHA NI SHIN EH! NOONG NADULAS S'YA SA HAGDAN SA MALL!!!" Ang lakas ng bunganga ni Sage. Talkative pala 'to. Kala ko dati, kakaunti lang ang mga sinasabi n'ya. Okay, mukhang binabawi ko na 'yong naiisip ko dati.

"HAHAHAHAHA! Ano nangyare?" Natatawa ko ding tanong.

"Ano pa ba? Edi ayun pinagtawanan namin, tapos 'yong iba feeling close, nakikitawa din!" Sagot ni Kei.

Medyo napa saya ako ng apat— dalawa lang pala dahil ang seryoso ng dalawa, lalo na 'yong is a d'yan. Pakain-kain lang. Ayaw makitawa. At ayun nga, nawala ang pagiging ma-drama ko dahil sa apat— dalawa— sige na nga! Sa apat na! Tutal magbabarkada naman sila, edi isama ko na 'yong dalawa d'yan.

To Love YouWhere stories live. Discover now