5

0 0 0
                                    

Chapter 5: I miss him

"Ay may boyfriend ka na pala!?" Agaw atensyon na tanong ni Josh. 'Ngina ang ingay!

"Oo ang ingay mo!"

"Gwapo?"

"Malamang!"

"Hi coor?" Napa tingin kami ni Josh sa nag salita. Niana?

"Hmm?" Seryosong tanong ng katabi ko. Nakinig lang ako sa kanila, dahil bilang isang chismosa, gawain ko 'yan eh.

"Wala lang, gusto lang kitang batiin. So, kamusta na? Ngayon na lang tayo nag usap mula noong—" naputol 'yong sasabihin ni Niana dahil biglang sumingit si Shin.

"Tara cr tayo!" At hinampas pa si Red. Umalis 'yong dalawa para mag cr daw. Bumagsak ang balikat ni Niana at napa irap na lang habang pumunta pabalik sa upuan n'ya. Narinig ko naman na tumatawa ng mahina si Josh kaya siniko ko.

"Marinig ka!"

"Hahaha, haharot pa kase, 'yan tuloy!" Bulong n'ya.

At dahil pwede pang mag cellphone dahil Wednesday pa lang, nag chat ako kay Hanz. Miss ko na rin s'ya eh. Minsan na lang din kami mag usap kahit mag chat man lang simula noong napunta ako sa Bulacan.

Kagabi ay nag chat ako pero hindi pa n'ya nasi-seen. Nag bi-video call din ako pero hindi sinasagot. China-chat ko din si Rina kung kamusta na si Hanz o s'ya. Okay lang naman daw s'ya pero si Hanz ewan n'ya lang daw. Minsan lang din daw sila mag kita.
Baka busy lang s'ya?

Me:
Hanz? Are you busy?

Me:
Oh i think you are, eh bukas kaya? I miss you naaaaaaaaaa.

1:06 pm

Me:
Kelan ka ba mag oonline? Para naman maka chat na kitaaaaa.

Me:
Putragis na 'yan!

3:09 pm

Me:
Plssss mag online ka naaaaa :<<<

2:30 pm

Me:
Oh, you're not online, again. Nagpa load pa naman ako because akala ko makaka chat na kita :(

"Oh ba't parang lumungkot ka?"

"N-nothing"

Zei, he's just busy okay? Don't worry, Hanz loves you, so much. Leche ka Zei! Ang drama mo!

Hanggang sa mag uuwian na ay praning pa rin ako.

"Wednesday cleaners, mag linis na kayo" sabi ng adviser namin. Naka upo pa rin ako kahit na alam kong maglilinis pa ako.

"Wednesday cleaners daw. Wednesday ka diba?" Oo alam ko!

"Oo ba't?" Matamlay kong sagot.

"Linis ka na, bago ka pa isumbong ng mga kaklase natin na hindi naglilinis, assistant coor ka pa naman" masinsin na sabi ni Red.

To Love YouWhere stories live. Discover now