28. | Celestia's

646 40 37
                                    

_

Andito ako ngayon sa mcdonald kakain lang, alangan naman tumambling diba? walang pasok ngayon kaya yung iba may kanya kanya paparty party. 

"Good afternoon! Ma'am may I take your order"

"Isang bf fries po ate." Sabi ko at tinignan naman niya ako ng seryoso na para bang may problema sa akin, anong problema nito?

"Ah bff fries po?"

Palihim naman ako na napairap 

"Bf fries lang ate, walang forever."

"Pati ba naman dito insan bitter ka parin tsk tsk tsk miss hayaan mo nalang po siya, bff fries at dalawang crispy chicken sandwich" Napalingon naman ako at tinignan ko naman ng masama yung pinsan ko na si Hyungjun jusko po pati ba naman dito makikita niya pa ako mapapatay ko talaga itong pinsan ko.

"Sir dine in or take out?" Tapos kumindat naman yung babae na parang nilalandi yung pinsan ko aba letse ito ah. Baby pa pinsan ko. "Dine in nalang miss" tapos ngumiti pa pinsan ko, palihim ko naman siya kinukurot sa likod at hinila ko agad si Hyungjun palayo sa babaeng kumindat sa kanya jusko po.

"Hoy insan alam mo naman na nilalandi ka na ngumingiti ka pa dyan" sabi ko sa kanya at inirapan ko naman agad siya "Bakit? Malay mo naman mag bigay siya ng discount sa atin edi konti lang babayaran natin"

"Ewan ko sayo insan bakit ka ba kasi andito" hindi ko na siya pinahintay pa magsalita dahil una alam ko naman ang isasagot lang niya 'gwapo naman' at pangalawa uunahin ko muna maghanap ng upuan dahil baka mawalan na kami ng uupuan dahil maraming tao dito.

Pero ang malas ko lang dahil wala na ako mahanap na mauupuan....

"HYUNGJUN! Hey! dito nalang kayo" Hindi ko alam kung nasaan ang galing na boses na yun pero pamilyar talaga "Insan tara" agad naman ako hinila ni insan kung saan yun natawag sa kanya kanina, hindi naman ako natingin sa kanila kasi nga hinihintay ko nalang yung order nakatingin ako doon eh.

"Mingyu oh! Daisy hi" Nung narinig ko yung mga pangalan nila agad naman ako napatingin para masigurado ko kung sino talaga yun at ptngina lang 

si Mingyu at Daisy......ayun magkatabi okay naman....


"Hello Hyungjun and omg hello Celestia umupo kayo dito dali" ngumiti nalang ako sa kanya kahit ang plastik niya at nagtama ang tingin namin ni Mingyu pero agad naman ako umiwas ng tingin, umupo naman kaming dalawa ni Hyungjun, at nagkukwentuhan lang sila ayoko kasi magsalita ngayon, tinatanong nila ako pero ang sagot ko nalang ngiti at tango lang.

Nakita ko naman na nagsusubuan na ng french fries si Mingyu at Daisy 

Kunwari tahimik, kunwari wala lang, kunwari hindi nasasaktan.

Ganun naman lagi diba? ayos ba?

Lagi nalang siguro ako magkukunwari para kunwari hindi nalang ako nasasaktan : ) 

_

有名な。| Kim MingyuOn viuen les histories. Descobreix ara