Napakawalang kwenta kong prinsesa.

Baka nagkamali lang ang propesiya.

Hanggang sa di ko namalayan..

"Mahal na Sandiwa may surpresa ako sayo." nakangiting sambit ni Drake.

Halos manlaki ang mata ko ng makita ang walang malay na si Gabby at Cheena.

"Anong ginawa mo sakanila?" galit na sigaw ko sakanya.

"Nagustuhan mo ba ang aking handog mahal na Sandiwa." nakangising sambit niya.

Sinenyasan niya ang mga kawal na ipasok sa kulungan sina Gabby at Cheena kung nasaan ako.

"Hayop ka talaga Drake magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo at pati ang iyong Ama. Sa oras na makawala ako dito sinisigurado ko sayo. I'll give you a worst nightmare na kahit kailan di mo makakalimutan." di ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob. All I know now is kailangan ko magmukhang matapang sa harap niya at magmukhang di natatakot sakanya. Dahil ayokong maging mahina. "Btw I'm Criszette Unique Montefalco aka Sandiwa Jewel. Yes I am the girl who give you a worst nightmare." nakangising sambit ko.

Agad na nagbago ang itsura ng mukha ni Drake sa inis.

Mamatay ka sa inis.

Di ako magiging si Criszette kung di ako marunong mangbwiset.

"Andami mong sinasabi." inis na sabi niya tsaka umalis.

Agad napadako ako ng tingin sa walang malay na sina Gabby at Cheena.

Nadamay pa sila.

Sa gulong di naman sila kasali.

Napaiyak nalang ako ng palihim dahil ayokong may makarinig ng paghikbi ko.

Hirap na hirap na ko.

Ilang araw na kong nandito sa pesteng kulungan na to.

At nag-aalala na ko sa kalagayan ng mga kasama at kaibigan ko sa Ainabridge.

Maya-maya lang ay nagising na sina Gabby at Cheena.

"Criszette sorry kung wala kaming nagawa para patakasin ka dito." paghingi agad ng patawad ni Gabby.

"Di bale nalang napahamak pa tuloy kayo." nag-aalalang sabi ko sakanila.

"Paano na ngayon yan?" tanong ni Cheena.

"Kailangan natin makaisip ng paraan kung paano matatanggal tong mala-mahika na kadena na inilagay sakin ng mag-amang yun." sarkastikong sabi ko dahil sa inis sa tuwing maalala ko ang pagmumukha ng dalawa.

"Mabuti pa nga kung ganun." usal ni Gabby bilang pagsang-ayon.

"Makakatakas ba tayo once na matanggal yang kadena na yan sayo." biglang tanong ni Cheena.

"Oo Cheena malaki maitutulong nun sa pagtakas natin dahil may kapangyarihan ako sa paglaho. Di ko lang magamit ngayon dahil sa kadenang ito na pumipigil sakin sa paggamit ng kapangyarihan ko." ani ko sakanila. Napatango naman sila bilang pagsang-ayon.

Nag-isip kami ng plano. Maya-maya lang ay nakabuo kami.

"Pwede bang matulog muna tayo inaantok na kasi ako." usal ni Gabby.

Dahil na rin sa pagod ay napagdesisyunan naming matulog.

KINABUKASAN

Bumungad samin kinaumagahan ang mag-ama na nakatayo sa harap ng kulungan at nakangiti samin.

"Talaga namang palaban ka Sandiwa." nakangising sabi ni Israel sakin.

"Inaano na naman kita?" sarkastikong sabi ko sakanya.

"Anak ka nga pala ni Renxo at Jasmine kaya di na ko magtataka kung ikaw mismo ang naghahanap ng kamatayan mo." natatawang sabi niya with pahawak-hawak pa ng tiyan kala mo ay natatawa sa isang palabas.

Hangal!

"Naghahanap nga ba talaga ko ng kamatayan ko. O kayo ang naghahanap nito." nakangiting sambit ko sa kanila.

Tumingin ako kina Cheena at Gabby na pasimpleng inilalabas ang kamay ni Cheena para maabot ang bulsa ng tulog na kawal. Kung saan nakalagay ang susi ng kadena at susi ng kulungan.

"Talaga namang ginagalit mo ako binibini." inis na singhal ni Israel sakin.

"Bakit ganun? Naiinis ako pag ikaw ang tumatawag sakin ng binibini pero pag si Drake ang sarap sa tenga. Magtatay ba talaga kayo." asik ko kay Israel.

Unti-unting naglabasan ang sungay ni Israel sa galit. Agad naman siyang inalalayan ng kanyang anak.

"Wag na wag mong kinukuwestyon ang pagiging ama ng Hari sakin." sabat ni Drake.

Oh nakisali ang buntot.

"Oops. Mukhang napasobra pala ko." sarkastikong sabi ko pa sakanila.

Muli akong pasimpleng tumingin kay Gabby at Cheena at tumingin din sila sakin. It's means nakuha na nila ang susi.

Here we go!

"Nagugutom na kami di mo man lang ba kami pakakain Drake." pagpapacute ni Cheena kay Drake.

"Ganun ba. Sige padadalhan ko nalang kayo dito." sabi ni Drake tsaka inalalayan na ang tatay niyang hugpong palabas ng piitan.

Ng makaalis sila napangiti kami sa isa't isa.

Our plan accomplished.

Unti nalang makakauwi na ko. At makikita kona ang mga magulang ko.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now