Chapter 75 : Paralyzed

Start from the beginning
                                    

'Huh?'

"Shadow? You? Kailan pa?" naguguluhang tanong ko.

May kasintahan na si Shadow? Isa pa siyang prinsesa.

"Long story po.." bahagya pa siyang ngumiti "Gusto ko pong ipaalam sa inyo na may sama po ng loob ang anak niyo sa inyo.. kung pwede po sana ay gumawa ka ng paraan upang magbati uli kayo ng anak niyo.." napayuko siya "Seeing him happy makes me happy at kapag malungkot siya ay nasasaktan ako.."

Bahagyang natigilan ako sa narinig ko "A-Ah.. ganon ba? N-Nasaan ba s-siya?"

"May inasikaso siya sa Mage Kingdom.." binigay niya saakin ang isang mahabang scroll "I'm sorry to say this because the Kingdoms that are listed in the scroll are the Kingdoms you're banned from entering.. pinabibigay po ito ng isang official.."

Napapikit ako sa inis. Halos lahat ng mga Kingdom dito ay ang mga kingdom kung saan ako palaging bumibisita. Mukhang lahat nga ng kingdom ay nakalista dito.

"Mag-ingat po sa pag-uwi.."

Pilit siyang ngumiti at tinalikuran ako..

'Ugh..'

Miya's POV

Hindi ko maiwasan maging tulala buong klase. Buti na lang nandito si Ate Ashley pati si Phoenix na laging pinipitik ang noo ko kapag hindi ako nakikinig sa klase.

"Miya.." nakangusong bulong saakin ni Ate Ashley "I heard hindi ka daw kumain kanina?"

"I-I don't have an appetite to eat.." pabulong kong sagot sa kanya.

Lima na lang kami dito este napalipat ako sa section na 'to. Hindi na nag-aaral si Kuya Shadow sa School. He stopped and married the Princess of Xie Kingdom. Sigurado naman na maganda ang buhay niya doon.

'Knock! Knock!'

Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan at nakita namin ang isang babaeng mukhang may mataas na posisyon sa gobyerno.

"What is it?" taas-kilay na tanong ni Professor Vaux na naging Adviser namin simula noong namatay si Unknown.

"Mr. Vaux! We already found some hints about the whereabout of Chris Edwards!"

Nanlaki ang mata ko "Where?"

"This clue has a huge impact in our private investigation.." nakangiti niyang sabi at inilahad ang picture ng lugar na tinutukoy niya. May ipinakita din siya saakin na mapa "Pagpasok namin sa lokasyon na yan ay may nakita kaming malaking pangalan sa taas at mukhang iyon ang pangalan ng lugar. Kosmios Empire."

Napanguso ako "Paano niyo nasabi na nandiyan ang kapatid ko?"

Natahimik ng ilang mga minuto ang babae "I think he created his own Empire.. by the use of the tools that he obtained a year ago.."

Napaisip tuloy ako. Kaya niya makagawa ng sarili niyang empire ng isang taon? Tsk! Siyempre. Nakuha na niya ang tools eh!

"Puntahan natin.." seryosong sabi ko pero umiling ang babae.

The Fallen Kingdom: The New EraWhere stories live. Discover now