Chapter 75 : Paralyzed

142 10 0
                                    

Caleb's POV

Napabuntong hininga ako habang nagbabasa ng dyaryo. Napapapikit na ang mata ko ngunit tuloy pa din ang pagbabasa ko.

"Caleb! May naiintindihan ka ba diyan sa binabasa mo?!" naiiritang tanong saakin ni Alex at napapahawak sa noo "Isang taon ka ng ganyan ah?!"

"Isang taon na din akong umaasa na sana mahanap nila ang katawan ng batang iyon!"

Inis kong binaba ang hawak kong dyaryo at ininom ang baso ko na may alam sa harapan ko. Damn it! Nakakapanghinayang! Hindi ko alam kung patay na ang bata na iyon o nagtatago lang.

Napabuntong hininga si Alex "Wala pa ding nakakaalam kung buhay pa ba ang batang iyon, Caleb."

"Sa Mage Kingdom? May balita ba?"

Umiling si Alex "Wala.." nilagok ko ang buong laman ng baso at bigla na lang siyang napaupo sa sahig "And they already found the body of the participants but the energy and power inside them are already gone. It looks like that kid survived.."

Hindi ako nakapagsalita. May malakas na bumukas ng pintuan. Sabay kaming napalingon ni Alex sa pintuan at nakita namin si Kroxel na may kasamang babae.

"Mmm.." pang-aakit ng babae kay Kroxel na mahinang tumatawa "Saan tayo pupunta?"

"Of course! In the bedroom.."

Muntik na akong masuka sa pinaggagawa nito. I already got banned in Mage Kingdom. I'm also banned from entering Landia Kingdom. Kumalat na ang balita tungkol sa pagtatraydor ko sa Mage Kingdom.

"Caleb? Alex? Do you want to join us?" nakangising tanong saami ni Kroxel ngunit sabay kaming umiling.

"No thanks.." mukhang pilit na ngumiti si Alex kay Kroxel na para makisakay.

"Enjoy.." kunwari din akong ngumiti.

Humalakhak si Kroxel at pumasok sa kanyang kwarto kasama ang kanyang babae. Pang sampung babae na niya iyon. Parang wala kaming problema dito!

"Pfft.. his face is getting annoying and annoying everyday.." naiiritang bulong saakin ni Alex at bahagyang umigting ang panga "Umaasa lang naman siya sa mga tauhan niya.."

Ganito ang mga ginagawa namin araw-araw sa loob ng isang taon na iyon. Puro walang kwenta! Lalong nagiging tamad sila kapag walang nakakuha ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Chris!

Inis akong lumabas ng palasyo ng Dark Kingdom upang sumakay sa kabayo ko. Hahanap ako ng impormasyon sa Xie Kingdom!



















"I'm sorry Mr. Devereaux.. we cannot do anything about it. You're banned from entering Xie Kingdom.."

"Bakit?!?!"

Natahimik ako nang lumabas ang isang babaeng diretsong nakatingin saakin. Malakas ang aura niya habang tinitingnan ako na parang makakapatay siya ng tao.

"You're Shadow's father?" walang emosyong tanong niya saakin.

Tumango ako "Sino ka?"

"I'm the Princess Of Xie Kingdom.." napaamang ang bibig ko nang bigla niyang sinuri ang buong katawan ko "Kung ganoon.. bibigyan kita ng pagkakataon umalis sa harapan ko. Ama ka pala ng aking kasintahan.."

The Fallen Kingdom: The New EraUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum