Chapter 2 ~ He's a monster

534 27 6
                                    


"You're dating that Zero Cross at ikaw ang nanliligaw deba?"

"Uh-huh." Tango ko habang dinidikit ang malaking poster ni Zero sa dingding ng apartment ko.

"Are you hearing yourself Macah? Like seriously, impossibleng mapasagot mo si Zero!" Napatingin ako sa screen ng laptop ko. Kitang-kita ko na depress na si Tammy. Kanina pa namin 'to pinagtatalunan. Bakit hindi nalang niya tanggapin na pinayagan na ako ni Zero na ligawan siya?

"Why can't you just be happy for me?" Dinampot ko ang isang litrato ni Zero at tinitigan yun.

"Because he's just fooling you! Ginagamit kalang niya at ikaw naman na tanga, nagpapaniwala ka!"

Ngumuso ako habang binibigyan ng glue sa likod ang litrato ni Zero. Weekends ngaun at wala akong matinong maisip na gawin. Kaya ang ginawa ko, nag browse nalang ako ng mga sandamakmak na pictures ni Zero sa facebook at ni-print yun lahat para i-personalize at idikit ang mga yun sa buong paligid ng kwarto ko. Gusto kong punuin ng napaka gwapong mukha ni Zero ang buong bahay nang hindi ko siya masyadong namimiss. Wehehe. Nice idea deba? ﹋o﹋

"Macs! Nakikinig kaba saken? You're just a rebound. Panakip butas kalang niya kay Jhoey-"

Hindi ko na siya hinintay matapos. Sinarado ko na ang laptop ko. I know she's just concern because she's my bestfriend. Zero is just using me? I am just a rebound? Hell, I don't really care. He can use me as long as he wants. Hindi ako magrereklamo. Kung ang pag gamit niya saken ay para naman sa ikakabuti ng puso niya, go ahead and used me. I am willing to do anything for him. Masaya na ako na nagsisimula na niya akong mapansin ngaun. I know there's still a big barrier between us pero who cares? Kahit na kumontra pa ang lahat dahil masyadong matayog si Zero kumpara sa pangit na tulad ko, wala na akong pakelam. Ang kailangan kong isipin ngaun ay kung paano ko siya tutulungan na makalimutan si Jhoey.

Humalukipkip ako at ngumiti habang pinagmamasdan ko ang kwarto kong halos mapuno na ng mukha ni Zero. Oh my god, I am so fuckin obsessed! Hindi ko alam kung safe parin ba ang mga pinag-gagagawa ko sa buhay ko. Pero masaya naman ako ye. Hehehe.

Lumabas ako ng apartment na naka simpleng cropped tshirt lang saka faded shorts. Tinatali ko ang buhok ko habang iniisip ang lahat ng pictures ni Zero na kailangan ko pang ipa-print. Nawalan na kase ng ink ang printer ko kaya sa isang photo shop sa may mall ang punta ko ngaun. God, I am so fuckin obsessed! Hindi na healthy tong mga pinag gagawa ko. Pero kase adik na talaga ako kay Zero. Parang sa bawat araw na lumipas, mas lumalala yung pagmamahal ko sakanya. Korni ko talaga. Hehe. Pero totoo no! Naloloka na talaga ako sakanya.

Inayos ko ang salamin ko ng makita ang itsura ko sa may malaking mirror sa mall. Well, I am not really so ugly today. Tinatamad kase akong mag fish braid at ang init kung poporma pa ako at magpapakapangit. Hoy, kasawa din ang palaging magsuot ng paldang hanggang talampakan ang haba saka yung blouse na hanggang leeg ang butones. Kala mo palagi akong sasamba sa outfit ko. -_-/// Sana lang wala akong makasalubong na taga CA ngaun.

Tinulak ko ang pinto sa isang PhotoShop habang panay ang review ko sa cellphone ko kung ano pa ang mga ipapaprint kong pictures ni Zero.

Bumaling ako sa may maliit na front desk at padiretso na ako doon ng halos magulantang ako nang maaninag ang tatlong lalake'ng panay ang tingin sa mga printed pictures na hindi ko alam kung ano. Nanginig ang paa ko at gusto ko nalang umurong at kumaripas ng takbo palabas pero huli na ang lahat. Imbes na tumakas na ako nang hindi nila ako mapansin, tumunganga pa ako doon dahil nabighani nanaman ako sa angking kakisigan at kagwapuhan niya. Sino paba? Edi si Zero. Tamad na nakahalukipkip. Ni head to foot ko siya. Naka camouflage na sando siya at shorts na above the knee. Humikab siya saka binaligtad ang sumbrero niyang suot habang walang gana niyang pinapanood si Shiki at Zekki na panay ang tawa sa mga pictures nilang tinitignan. Nalaglag ang panga ko ng matitigan ang isang napaka cute na bata na bitbit ni Zekki.

Dating Zero CrossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon