Chapter 2

2.6K 123 2
                                    

"OH, HELLO there," bati ni Shanina sa batang babaeng nakasilip sa siwang ng mga kawayan.

Linggo noon at katulad ng nakagawian, naroon ang mga pamangkin niya. Kalaro niya sa garden si Noah at ang kapatid nitong si Krystal at ang isa pa niyang pamangkin na si Mikaella, habang ang mommy at mga hipag niya ay busy sa pagluluto sa loob.

Ang daddy at mga kuya niya ay tiyak na nasa game room, naglalaro na naman marahil ng billiards ang mga kuya niya habang pinagtatalunan ang current events at ang mga batas na apektado sa mga iyon. Hindi na talaga maihihiwalay sa ama at mga kuya niya ang pagiging abogado ng mga ito.

Siya ang laging naaatasang magbantay sa mga pamangkin. At wala namang kaso sa kanya iyon. Natural na mahilig sa bata si Shanina. Nagsisipa-bola sila sa malawak na bakuran nang kuhitin siya ni Mika at ituro ang batang babae na nakatingin sa kanila.

"Hello!" Nakangiting sagot ng bata.

Nakapink na blouse ito with matching shorts na may mukha ni Hello Kitty. Ang kulot na buhok ay nakapuyod sa magkabilang gilid ng ulo. Ang malalantik na pilik-mata ng bata ang unang nakakuha ng atensyon ni Shanina. The little girl is pretty. Aside from her eyes, she have cute little pointed nose and thin lips. Her cheeks naturally rosy.

"You're so cute. What's your name?"

"My name it Chetty Ann A..... A..... Avalet," anito, halatang proud sa pagkakasabi ng pangalan.

Napangiti si Shanina. Alam niyang hindi iyon ang tamang pronounciation ng pangalan ng bata, "And how old are you, Sweetie?"

"I am two."

Muling napatawa si Shanina dahil kahit two ang sinabi nito, kung pagbabatayan ang nakataas na daliri ay three na ang bata.

"Tita Shan, hindi s'ya maalam magbilang?" tanong ni Mikaella, anak ng pangalawang kuya niya, si Kuya Arvin. Four years old na ito, nursery na kaya maalam na ng basic arithmetic.

"Baby pa s'ya, Mika. Hindi pa s'ya nag-aaral kaya hindi pa s'ya maalam magbilang."

"Bakit po si Krystal, noong three s'ya, maalam na s'ya magbilang?" ani Noah, anak ng panganay na kapatid niya, si Kuya Samuel. Seven years old na ito, habang si Krystal naman ay kalilimang taon pa lang. "Baka hindi s'ya tinuturuan ng mommy n'ya."

"What you tay?" nakakunot-noong tanong ng bata. Naglipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa mga pamangkin niya.

Napakunot-noo rin si Shanina pero dagli niyang naalala na nasabi ng mommy niya na galing Canada raw ang nakatira sa kabila.

"Where are you from, Sweetie?"

"Va-couver," bibong sagot nito.

Vancouver. Tama siya. Kaya siguro hindi nito maunawaan ang pinag-uusapan nila kanina.

"Where's your mom and dad?" ani Noah.

"Daddy, intide," anito, itinuro ang bahay.

"Chelsy! Chelsy Ann!" anang baritonong boses na umagaw sa atensyon nila. Ang batang kausap niya ay nanatili naman sa harapan nila, lumingon lang ito sa lalaking tumatawag dito.

"Daddy!" sagot ng bata sa lalaking lumabas sa pintuan. Ang lalaking nagpuputol ng sanga at mga dahon kahapon.

"Chelsy, what did I tell you about going out of the house?" Salubong ang kilay nito habang naglalakad palapit sa bata.

Pero naman! Kung ganito ang itsura ng galit, araw-araw itong gagalitin ni Shanina! Kahit nakakunot ang noo at salubong ang kilay, makaagaw pansin pa rin ang lalaki. Those fiercing eyes, pointed nose, and thin lips!

Nakagat ni Shanina ang ibabang labi.

He is the ruggedly handsome, man version of the cute toddler in front of her.

"Torry, Daddy.."

Nakaramdam ng panghihinayang si Shanina. Minsan na nga lang siya magkainteres sa lalaki, sa hindi pa pwede. Napailing siya. Bakit hindi nasabi ng mommy niya iyon kahapon? Excited ipakilala sa kanya si Joseph, e, may pamilya na pala ang lalaki.

"Daddy, can I make new fwends?" Inilagay ng bata ang dalawang kamay sa likod, pinagsalikop iyon at tiningala ang ama.

Napangiti si Shanina. "Adorbs..." Chelsy really is adorable. Pagtatakhan niya kung mahihindian ni Joseph ang anak kung ganoon ang paraan ng pagkakasabi nito.

Napatingin ang lalaki sa kanila, wari'y noon lang napansin na sa kabila ng mga puno ng kawayan ay may ibang tao.

"Hi," bati niya sa lalaki. "I am Shanina Ritual, your friendly neighbor. My mommy said that you just moved here. Welcome to the neighboorhood. I saw your kid looking at us. We are playing. If you will let her, I could look after her. I think it would be beneficial to your daughter if she will meet other kids near her age. She can adapt and settle much faster in her new surrounding if she have other kids to play with."

"Filipino ako, pwede kang magtagalog," ani Joseph, nawala na ang pagkakakunot ng noo pero seryoso pa rin.

"Ah, okay," natawa si Shanina, "Akala ko katulad ka ng ibang pinoy na doon ipinanganak kaya hindi maalam ng native language."

Hinigit ng batang babae ang laylayan ng t-shirt ng ama nito. Nilingon naman ng lalaki ang anak, "Pleet, Daddy. Pleet."

"I have things to do inside, Chelsy," malumanay na sagot ng lalaki. His feautures suddenly becomes softer.

"But I wanna pay, Daddy," anang bata, napuno ng luha ang mga mata, lumingon sa kanila, bago muling lumingon sa ama.

"Look, ah, Joseph, right?" ani Shanina, "Alam ko ang pangalan mo kasi nasabi na ni Mommy sa akin. Si Mommy Lourdes, brown eyes, smooth, rosy skin, pointed nose, straight hair, the same pretty but a little bit older version of me?" nakangiting sabi ni Shanina.

Umangat ang sulok ng mga labi ni Joseph. For the first time since he looked at her, his passive eyes show emotion. Amusement. And that brought a tingling sensation in Shanina's stomach.

"Anyway, I can assure you, I will look after her. Kawawa naman ang bata. Hindi naman kami aalis dito. Pwede mo pa rin siyang silipin from time to time. I know hindi mo pa ako kilala talaga. But I can assure you, mabuti akong tao."

"Kilala kita."

"Oh?" Napakunot-noo siya.

My Not So Ideal Man (For Publishing @Bookware)Where stories live. Discover now