Chapter 1

5K 132 8
                                    

"Yummy!" ani Shanina habang sinisilip ang lalaking nakatayo sa ladder at nagpuputol ng sanga ng puno sa katabing-bahay.

"Oh, my gosh! My golly!" Nakasandong abuhin at cotton shorts ang lalaki at sa tuwing itataas nito ang itak at bahagyang nagsu-swing ang katawan ay mahapit iyon sa pang-upo ng lalaki. Maging ang mga muscles nito sa braso at likod ay nagiging define din. Napalapit si Shanina sa mga fountain bamboo na nagsisilbing bakod sa kabilang bakuran. Sumilip siya sa mga siwang noon para makita nang mabuti ang hindi pamilyar na lalaki.

Kanina pa siya naroon. Magtitrim sana siya ng mga humahabang sanga at dahon ng box plant sa garden pero naagaw ng lalaki ang atensyon niya. Kaya lang ay nasa kabilang bahagi ito ng bakuran at hindi ito nalingon sa gawi niya, hindi tuloy niya mabistahan ang mukha nito.

Alam niyang anim na buwan nang walang tao sa kabilang bahay dahil nagmigrate na sa ibang bansa ang dati nilang kapitbahay. Kilala niya ang katiwala na laging pumupunta sa kabilang bahay buwan-buwan, at sigurado siyang hindi si Tatang Gimo ang lalaki. Kilala rin niya ang anak ni Tatang at sigurado rin siya na sa patpating katawan ni Tonyo, kahit maglagi ito sa Gym nang isang taon, imposibleng ma-achive nito ang katawang sinisilip niya ngayon.

"Hoy!"

"Ay! Kabayong malaki, tumalon!" sigaw ni Shanina, napahawak siya sa dibdib bago nilingon ang taong nanggulat sa kanya na hindi magkamaway sa pagtawa, "Mommy naman!"

"Ano kasing sinisilip mo diyan, bata ka?" Natatawang tanong nito. "Para kang nanunubok ng kung ano. Nakatulala ka at seryosong-seryoso."

"Shhhh! Mommy! 'Wag kang maingay!" Hinigit ni Shanina ang Mommy Lourdes niya palayo, pero nilingon pa rin ang lalaki sa siwang ng mga kawayan bago tuluyang tumalikod.

"Ano nga ba kasi iyon?" anang ina niya na tiningnan din ang sinisilip niya. "Ahhhhh, kaya naman pala," anito bago tuluyang nagpaakay sa kanya palayo.

"May bagong boy yata sina Tita Elvie. At Mommy, in fairness sa boy, maganda ang katawan," ipinatong ni Shanina ang garden pruner na hawak sa bakanteng bangko, hinubad ang gloves at ipinatong din sa tabi noon. Nanghihinayang nga siya at hindi man lang lumingon ang lalaki, di sanay nabistahan din niya ang mukha nito kung gwapo ba.

"Sino? Yung nagpuputol ng puno?"

Tumango si Shanina, nakaupo sa garden set, nakaharap sa kabilang bahay, nakatanaw pa rin sa lalaking busy sa ginagawa.

"Hindi boy iyan. Pamangkin ni Elvie 'yan. Galing Canada. Kadarating lang kahapon."

"Kahapon lang at updated na kaagad kayo?" Natatawang kumento ni Shanina. Kaya naman pala halatang hindi bilad sa araw ang balat. May finesse din kumilos ang lalaki. Hindi mo sasabihing lalamya-lamya, pero alam mong kalkulado ang kilos nito, hindi barubal at haros na animo'y tambay sa kanto.

"Syempre, bagong kapitbahay, marapat lang na kilalanin," anang ina niya na bakas pa ang pagmamalaki sa boses.

Napatawa si Shanina. Hindi na niya dapat pagtakhan kung bakit marami na kaagad alam ang ina niya. Mommy Lourdes is a people's person. Her personality is so bright and sunny that people naturally gravitate towards her. Laging nakangiti ang ina niya. Masayahin at mabiro. Doon niya nakuha ang ugali. She is also chatty and easy to be with.

"Nasa Canada raw ang ama niya, pati ang ibang mga kapatid. May trabaho siya, pero sa bahay lang, sa internet daw."

Napailing si Shanina, "Inalam n'yo na rin po sana kung single, may sakit, wala bang bisyo, magkano ang sweldo, ano ang mga ari-arian," may pagka-sarcastic na biro niya sa ina.

Malapit siya sa ina at ama, solong babae at bunso pa kaya naman mas na-spoil siya ng mga magulang, maging ng dalawang kuya niya.

"Interesado ka, anak? Ipakikilala kita."

"Hindi po! Mommy naman! Sarcastic po yung pagkakasabi ko, hindi excited."

"Sus! Bakit kanina, parang tutulo na ang laway mo?" biro nito. Ganoon sila mag-usap, walang ilangan at walang filter basta sa kalokohan. Pero alam pa rin naman ni Shanina kung kailan dapat magpreno at magseryoso.

"Mommy! Curious lang po talaga ako!" aniya, muling nilingon ang lalaki na nakalipat na sa kabilang puno. Iyon naman ang binabawasan nito ng mga sanga.

"Basta, ipapakilala kita." Mukhang excited na excited pa ito. "Sa tinagal-tagal, mukhang may nakakuha rin ng atensyon ng anak ko!"

Napatawa si Shanina. Napasama pa yata ang pagbibiro niya at ang pagkahuli ng ina niya sa pag-oobserba niya sa lalaki.

Vocal ito na dapat na siyang mag-asawa. Hindi na raw siya bumabata. Ang dalawang kuya niya ay parehas nang may pamilya. Siya na lang ang naroon sa bahay nila. Madalas siyang biruin ng ina na gusto na raw ulit nitong masolo ang daddy niya kaya humanap na raw siya ng mapapangasawa at nang makalayas na siya sa bahay nila.

At hindi lang yata talaga biro iyon dahil naroong i-blind date siya nito sa anak ng mga kumare at kalaro nito sa mahjong. Pero anong gagawin niya, e, sa talagang walang makapukaw ng interes niya.

"Good morning, my ladies," anang Daddy Pete niya. Lumapit ito sa kanila, hinalikan ang mommy niya sa pisngi, siya ay hinalikan din nito sa noo. "Agang-aga ay mukhang may pinagdidiskusyunan kayong mag-ina."

Kasunod ng ama niya si Ate Tess, ang ever reliable na kasambahay nila. Bitbit nito ang breakfast tray at ipinatong iyon sa lamesa. Nakagawian na nila na tuwing weekend at walang pasok ay doon sabay-sabay na nag-aagahan sa garden. Sabado ngayon. Walang pasok sa school, wala ring lakad ang daddy n'ya at mamayang hapon pa ang "session" ng mommy niya sa mahjong. Kaya ngayon umaga, susulitin muna niyang kasabay kumain ng dalawang pinakamahalagang tao sa buhay niya nang hindi nagmamadali sa oras.

Bukas ay tiyak na mas masaya dahil naroon ang pamilya ng dalawang kuya niya. Sunday is family day sa bahay nila. Kahit anong busy ay isinisingit iyon ng pamilya nila. Gusto ng mga magulang niya na malapit dito ang mga apo at maging malapit ang loob ng mga bata sa bawat isa.

Shanina smiled. Maaari ngang single siya, pero hindi siya malungkot. She have a perfect family life. At gusto niyang kung may idadagdag siya sa masayang pamilyang ito, yung walang angst sa buhay, yung katulad niyang madaling kausap, masayahin at walang kung ano-anong baggage na dala.

Masama bang maging mapili pagdating doon?

Palagay naman niya ay hindi. Entitled siya roon. She knows herself. She knows what she brings to the table. She is just making sure that the person who will sit across her, deserves to dine with of her.

"Naku, Daddy! Ang anak mo, mukhang interesado kay Joseph. Nakita kong nanunubok kanina. Seryosong-seryoso sa pagsilip!" anang ina niya habang ipinagtitimpla ng kape ang asawa.

Ang dyaryong inuumpisahan nang buklatin ng ama ay muli nitong naibaba, "Siya nga?" seryosong tanong nito.

"No, Dad! Masyado lang pong exaggerated si Mommy," aniya, pero hindi naman napigilan ang sariling sulyapan ang lalaki sa kabilang bahay, na Joseph pala ang pangalan.

"Hayaan mo ang anak mong makatagpo ng lalaking nararapat sa kanya, Lourdes. Wag mo siyang madaliin," anang ama niya na muling itinaas ang dyaryo at itinuloy ang pagbabasa.

"Hu! Ayaw mo pa lang talagang pag-asawahin iyang bunso mo. Baka tumandang dalaga iyan, sige ka."

Napatawa na lang si Shanina. Wala sa konsentrasyong dumampot ng toasted bread sa lamesa, nakatingin pa rin sa lalaki sa kabilang bahay na ngayon ay nakatagilid. Kita niya ang profile nito. Straight noseline, strong jaw, thick eyebrows. May kalayuan pa ito at profile pa lang ang nakikita niya, pero kaakit-akit na. Paano na lang kapag nakaharap at nasa malapitan ang lalaki?

Sinusundan niya nang tingin ang pag-angat at pagbaba ng itak na hawak nito, ang bahagyang pag-swing ng katawan at pagpupunas nito ng pawis sa noo.

"Hhmm, yummy talaga," ani Shanina, kinuha ang fresh orange juice at ininom bago muling itinutok ang atensyon sa lalaki sa kabila.

"Alin ang yummy? Yung nasa kabilang bahay? Ay naku, Shanina. Lalo na kapag nakaharap at nakausap mo siya. Baka makalimutan mong dalagang Pilipina ka," ani Ate Tess.

"Ganon?!" nakataas ang kilay na tanong ni Shanina, nakatingin pa rin sa lalaki sa kabila.

"Anak, hindi ka pa interesado n'yan, ha," nanunudyong sabi ng mommy niya.

My Not So Ideal Man (For Publishing @Bookware)Where stories live. Discover now