W.N,W.F

22 3 1
                                    

ANDITO na ko sa SM Cabanatuan. Maaga akong nagising para dito! Hindi ko alam pero yung katawan ko na mismo ang kusang kumilos kahit na ang totoo tinatamad pa ako. Siguro dahil excited na kong makita ulit siya :)

Kinakabahan nga ako e! Nako, kapag nalaman ni Mommy na nagpunta ako ng SM ng ako lang mag-isa tiyak lagot ako!

To: Jack Dawson beybe♡
Andito na ko :)

Asan na kaya siya? Excited din kaya siyang makita ulit ako?

From: Jack Dawson beybe♡
Wait, malapit na. San kaba?

Waaaah!! Ghad! Kinakabahan ako ng bongga!

To: Jack Dawson beybe♡
Sa 1st floor lang para kita mo agad :)

Palingon-lingon ako sa paligid baka sakaling makita ko na siya.

From: Jack Dawson beybe♡
Andito na din ako. Anong suot mo?

Napatingin tuloy ako sa suot kong damit.

To: Jack Dawson beybe♡
Black and white na t-shirt, naka-jeans and white rubber shoes. Kaw?

Ayoko kasi ng dress kapag pupunta ng Mall dahil ayoko lang!

From: Jack Dawson beybe♡
SERYOSO? AKO DIN NAKA- BLACK AND WHITE NA T-SHIRT

Capslock talaga??

To: Jack Dawson beybe♡
Kailangang naka-CAPSLOCK?!

Nakooo excited lang 'tong makita ako e!

From: Jack Dawson beybe♡
Sorry.. nakikita na kita ;)

Weh? Tiningnan ko tuloy yung paligid ko bigla. Maraming may hawak na cellphone pero hindi ko naman makita si Gelo.. pero may isang lalaking naka-tingin sa akin at naka-ngiti.

Luh? Feeling close si koya! Inirapan ko nga! Hahaha. Wala e, loyal ako kay Gelo beybe.

To: Jack Dawson beybe♡
Nasan ka ba? Naiinip na ko..

Umupo muna ko. Gosh! Asan na ba kasi talaga siya? Kung nakikipag-taguan siya aba! Wala akong balak makipag-laro.

From: Jack Dawson beybe♡
Ang sama.. ;(

Luh? Anong ginawa ko dito?

To: Jack Dawson beybe♡
Bakit?! Magpakita ka na Gelo! Di na ko natutuwa!

Nagugutom na ko ih!!

From: Jack Dawson beybe♡
Bat mo ko inirapan? ;(

What?! Hindi ko pa nga siya nakikita!

To: Jack Dawson beybe
Lol! Hindi pa nga kita nakikita!

Totoo naman! Asan na ba kasi yun?! Pag ako nainip ng tuluyan.. aalis na talaga ko dito!

From: Jack Dawson beybe♡
Heto na nga.. lalapit na sayo..

Ays salamat naman! Akala ko titingnan niya nalang ako sa malayo e!

Jack Dawson beybe♡ Calling...

Kailangan pang tumawag??

"Hoy Gelo! Anuna? Gutom na ko, maawa ka naman!"

"Sorry na.. galit ka na naman.."

"Paki-bilisan naman kasi, hindi ako kumain ng breakfast para lang dito---- "

"Tingin ka sa likod mo.."

Tumingin ako sa likod ko pero wala naman siya! At yung lalaking nginitian ako kanina yun yung nasa likod ko! Ano siya?! Stalker?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wrong Number, Wrong FeelingsWhere stories live. Discover now