"I'm sorry Rose, kahit anong gawin ko siya parin e"
Halos huminto ang mundo ko ng sabihin nya ang mga salitang iyon, sh*t ang sakit gusto kong mag wala sa harap nya gusto kong isumbat lahat ng pagmamahal ko sakanya, bakit ngayon pa? Ngayong hulog na hulog na ako sakanya sh*t nagpalipas lang ba siya ng oras sakin habang iniwan siya ng mahal niya
*paaaakkkkk! *
Isang malakas na pagdapo ng aking palad sa kanyang pisngi ang natanggap niya at bago pa tuluyang manlabo ang aking paningin sanhi ng walang tigil na pagtulo ng aking mga luha ay tumalikod na ako sakanya at walang salitang naglakad palayo mula sa kinaroroonan nya.
Sh*ttt! Ang sakit sakit isiping hindi niya ako kayang mahalin gaya ng pagmamahal ko sakanya, parang nadurog ang buong pagkatao ko sa mga sandaling iyon, kung kaylan akala ko mahal na niya ako, kung kaylan binigay ko na lahat lahat sakanya saka niya sasabihing siya parin pala p*taaaa! Sana naman inagahan niyang sinabi para naman hindi ganito kasakit.
ESTÁS LEYENDO
Maybe You're Mine
Novela JuvenilWhen you try to force the love, it fades away. They'll eventually leave your heart torn to shreds . -Rose Marie Melendez
