Chapter 2

8 1 0
                                    

LEIA---

Maaga akong nagising dahil may pasok ako ngayon, mabilis akong naligo at nagbihis, nagsuot ako ng white polo-blouse na long sleeves and black mini skirt then nagsuot ako ng pink doll shoes, sinuklay ko ang basa kong buhok, hindi na ako nag abala pang patuyuin yon, nag pulbos lang ako at nag lipstick, pagkatapos ay kinuha ko na ang pink prada bag ko at dalawang libro atsaka na ako lumabas ng kwarto, hindi ko na kaylangang mag uniform dahil sa school namin walang uniform ang college, mga grades school and highschool lang ang may uniform

"Good morning!" masigla kong bati kay Juri

"Hey, good morning" nakangiti niyang bati sa akin habang naglalagay ng palaman sa tinapay, mabilis akong naglakad palapit sa kaniya, kinuha ang isang tinapay na may palaman na at kumagat don

"Nasan pala si gurang?" tanong ko

"Gurang? who's that?" naguguluhan niyang tanong

"You're handsome but idiot brother" sagot ko atsaka umirap sa hangin dahil naalala ko nanaman ang ugali ng kuya niya

"Oh my kuya, lumipat na siya dun sa sarili niyang bahay" sagot niya sa tanong ko atsaka kumagat sa pinalamanan niyang tinapay

"Ganun? akala ko ba bakasyon lang siya dito?" nagtatakang tanong ko

"He decided to stay here for good, hindi nga ko nga alam kung bakit biglang nagbago yun isip niya eh"

Hindi na ako nagsalita ulit, nakakapanghinayang naman, lumipat na siya ng bahay, hindi ko na tuloy siya makikita dito sa bahay namin ni Juri

Mabilis na natapos ang isang araw sa school, hanep nakakastress talaga pag college, stressed ang beauty ko sa maghapong pasok ko sa school kaya naman naisipan kong agad nang umuwi, pag dating ko ay as usual wala pa si Juri, 5pm palang at 7pm pa ang labas niya kaya naman magluluto na ako para sa hapunan namin

At kung minamalas nga naman ako, ubos na pala yung stock namin ng foods dito, hindi pa kami nakakapag grocery. I decided na mag luto nalang ng corn beef, kinuha ko ang wallet ko at lumabas ng bahay, nilakad ko nalang hanggang sa labas ng subdivision, saktong sa labas naman ng subdivision ay isang mini grocery na, mabilis akong kumuha ng isang in-can na cornbeef at kumuha na din ng patatas na ihahalo para mas masarap, agad ko nang binayaran iyon at naglakad pabaluk ng bahay

Pero bago pa ako makapasok ay napansin ko ang isang pulang lamborghini na nakapark sa labas ng katabing bahay namin, agad naman akong napalingon sa isang lalaking matangkad na blonde ang buhok na galing sa loob ng katabing bahay namin, siguro ay napansin din niya ako kaya naman napalingon siya sa akin, agad naman nanlaki ang mata ko nang magtama ang mata namin

'That blue seductive eyes of him...'

Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla niya akong nginitian

"Hey Vaseline, what's up?" todo ngiti niyang bati sa akin at naglakad palapit sa akin

"I... I thought lumipat ka na ng bahay"

"Why? did you miss me?" tanong niya atsaka pa kumindat

'I can't breathe properly'

"H-ha! Ang k-kapal mo ah? H-hindi.. hindi kita namiss noh!?" taas kilay kong sabi

"Don't worry, I just live beside your house, you can visit me anytime" sabi niya atsaka tumingin sa wrist watch niya, "I have to go, see you around Vaseline" sabi niya atsaka tatlong hakbang na umatras at kinindatan pa ako bago tumalikod

Pinanood ko pa siya hanggang sa makalayo ang sasakyan niya at mawala sa paningin ko, napahawak pa ang kaliwang kamay ko sa gate ng bahay habang ang kanang kamay ko ay nakahawak sa dibdib kong naninikip dahil sa mabilis na tibok ng puso ko

'Dahil lang to sa malayo kong nilakad, oo tama dahil lang don, wala nang iba...'

Until I Die...Where stories live. Discover now