“Ang arte naman!!! Amin na panyo mo!!!” Humanda ka saakin Argel kapag natapos na ang camping na ‘to! Humanda ka!!!

But as of now… I don’t want to die!!!

Someone please! Someone please help me!!!

“Hoy Argel!!!”

Napalingon kami sa isang sigaw mula ulit sa likod. At nakita namin si Raffy na humakbang mula sa dilim.

“Argel…”

“Ra… Raffy. Diba sabi ko magtago ka?” Parang slow-mo pa ang nangyari. Dahan-dahang lumabas si Raffy at nasa likod na pala niya si… “Waine?”

“Bitawan mo si Sunmi ngayon din.”

Nagkatinginan naman kami ni Argel. “Ah excuse me lang ha, sa panyo ako nakahawak hindi kay Sunmi!”

“Ganun na din yun! Bitawan mo ang panyo ni Sunmi.”

Ako lang ba or this scene is kind of like from typical action movie. Exaggerated naman masyado ang eksenang ‘to! Akala mo may mga dalang baril ang bida at hostage ng isa't isa ang mga taong mahalaga sa kanila...

“Argel!!! Wag mo siyang pakinggan!!! Kunin mo na yung panyo!!!” Oh isa pa sa mga lumilinya as OA actress itong si Raffy.

“Sige Argel, subukan mong patayin si Sunmi… uunahin kong patayin si Raffy!” At ipinakita ni Waine na hawak na rin niya ang panyo na ayaw pang i-surrender ni Raffy.

“Waine!!!”

“Hoy ano namang moments yan! Kulang na lang isigaw niyo na 'SUMUKO NA KAYO!' Dalian niyo na nga!”

“Samahan niyo na lang kami dito ni Shee!!!” Sigaw ng mga talunan!

“SHATAP!!!” At nagkatinginan ulit sina Waine at Argel.

“Kapag pinatay mo ang girlfriend ko, magkakamatayan din tayo Waine!” Ang landi nitong dalawang ‘to! Daig pa talaga mga action stars eh!

“Kaya pakawalan mo si Sunmi, Argel! Kundi, hindi ako magdadalawang-isip kay Raffy.” Napakagat-labi na lang ako sa salitan ng maaanghang na hamunan ng dalawang tukmol. “Usapang lalaki at magkaibigan ‘to ha!”

Napatingin saakin si Argel. Napabuntong-hininga lang siya pero naramdaman ko nang dahan-dahan na niyang binitawan ang mahigpit na pagkakahawak sa panyo ko. Ganun din si Waine kay Raffy.

That’s our cue para sabay na kaming maglakad ni Raffy pabalik sa mga partners namin.

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon