Chapter 5: Jill's Birthday

33.9K 545 246
                                    

Finals week came. Hindi kami masyado nagkita-kita ng mga boys and I asked Zander na wag muna kami masyado lumabas. In fairness to my boyfriend, he respected my space kaya the whole week ng finals nagkikita lang kami pag sinusundo niya ko sa umaga at pag ihahatid na niya ko pauwi. He knows how important this is to me dahil may minemaintain akong grade. Nagleave din muna ako sa coffee shop para matutukan ko yung finals.

I’m pretty confident that I did well. Sana tama nga ako. Malalaman namin yung result a week from now pa during clearance day. Excited ako sa sembreak dahil sa wakas, dalawang linggo din ‘to na hindi ako required gumising ng sobrang aga at uuwi ako na walang homework na gagawin.

5pm sa bahay ni Paolo…

Paolo: (umupo sa sofa) Finally! Makakapetiks na tayo.

Caloy: (umupo sa tabi ni Paolo sa sofa) Tomooooo Papa P. SEMBREAK NAAAAA!!!

Rocky: (nakatayo, kinuha remote control ng TV) Ano? May plano ba tayo?

Caloy: Kayo? San niyo ba trip?

Paolo: Z? Suggestion?

Zander: (susundan sana si Jill at Mitch papunta ng kitchen para kumuha ng pagkain pero napahinto dahil kinausap ni Paolo) Ha? Kahit saan. But I have to ask Jill first kung pwede siya.

Rocky: Game kami ni Mitch. Two weeks ago pa namin napag-usapan and I already asked her parents about it. We’re good to go.

Paolo: 3 days in Baguio. Game? Sagot ko na accommodation. Dun tayo sa rest house ng tito ko.

Jill: (dumating sa sala na may dalang mga chichirya kasunod si Mitch na may dalang tray na may mga baso at bote ng softrinks) Pao pinakialaman na namin mga pagkain niyo ah.

Paolo: Sige lang. (tumayo , tinulungan si Mitch na dalhin yung tray)

Zander: (lumapit kay Jill) Yam, Baguio daw. 3 days. Sama tayo?

Jill: (nilagyan ng softdrinks yung isang baso, binigay kay Zander at sabay sila umupo sa sofa) Nagleave ako ng one week sa coffee shop diba? Hindi ako pwede. Sumama ka nalang sakanila. Okay lang naman.

Zander: (uminom sa basong inabot sakanya ni Jill) Hindi naman pwede yun. Alangan namang maiwan ka mag-isa dito.

Jill: (sinubuan ng chips si Zander) 4 days lang naman yun. Hindi naman ganun katagal.

Zander: Isang araw nga lang kita di makita di na ko mapakali, tatlong araw pa kaya?

Caloy: Ang tamis!!! (binatukan ni Zander) ARAY!! Ng softdrinks!!! Ang tamis ng softdrinks!!! (hinimas yung ulo niya) Makabatok naman!!

Project ZWhere stories live. Discover now