CHAPTER 4: Proposal

29.6K 757 140
                                    

Tatlong araw.
Tatlong araw ko ng iniiwasan si bakla. Tatlong araw na akong gumagawa ng paraan para hindi siya makausap at makaharap.
Ni tawag at text niya ay wala akong sinasagot. Bahala siya sa buhay niya. Bwisit na bakla iyon. Feeling niya siya ang nawalan. Feeling niya siya ang nawasakan ng hymen at nanakit ang pokelya dahil sa laki niya at pagbigla niya saken.

Ni hindi nga ako lumabas sa bahay ng dalawang araw dahil masama ang pakiramdam ko sa pagkawasak ng flower of bataan ko. And take note nilagnat pa ako ah. Kaya nga hindi ako nakapasok sa opisina ko. Tambak na tuloy ang trabaho ko sa ngayon.

I gritted my teeth! At saka naiinis din ako sa sarili ko dahil ibinigay ko sa isang bakla ang bataan flower ko. At sa kanya pa talaga, tapos ganun lang magrereklamo ito? At saka nakalimutan ang gabing pinagsaluhan nila. Nagulo ko ang aking buhok because of frustration.

Tambak ang paper works ko. Daming kailangan ireview. Shuta talaga eh.

Pumasok ang sekretarya ko.
"Ma'am remind ko lang po na may dinner meeting po kayo kay Mr. Montenegro mamayang 7:30." Napakunot ang noo ko.
Napahawak ako sa sentido ko. Kailan pa nagkaappointment ang baklang iyon sa akin?
"Noted." Sabi ko at sinenyasan ko na ito na lumabas. Napahilot ako sa sentido ko. Nakakaaltapresyon naman.

Hindi ko naman kailangan i cancel iyon dahil malaki ang mawawala sa company pag tinanggihan ko iyon.

May usapan kasi kami ni Ally eh. Ako ang kukunin niyang supplier ng furniture sa bagong tayong hotel and resorts nila at kailangan ko iyon.

Dahil malaki din ang kikitahin namin dun. And sabi niya kapag nagustuhan daw niya ang service namin ay ang company ko na ang kukunin niyang supplier which is good dahil nga malaking tulong iyon sa negosyo ko. Maliit palang ang kumpanyang pinapalakad ko and if and only if makuha ko ang deal na to. Magiging kilala na din ang negosyo ko for the reason that Montenegro's Company is one of the most famous company here in the Philippines. Chains of restaurants, hotels and resorts.

Napatalungko ako sa mesa ko. Nakaramdam na di kasi ako ng pagod at pagsakit ng mata ko dahil kanina pa nakatutok ang mata ko sa screen ng laptop ko. Ipinikit ko muna iyon.
Itutulog ko muna. Mga 10 minutes lang naman. Hindi pa naman lumalim ang pag kakaidlip ko noong marinig kong may nagbukas ng pinto.

Napakunot ang noo ko. Kaninang alas singko pa umalis ang sekretarya ko. Kaya sino naman bang poncio pilato ang mang iistorbo sa tulog ko?

Wala na akong pakialam dun. Kailangan ko lang ngayon umidlip dahil masakit ang ulo ko at mata ko.

Napakunot ang noo ko dahil naramdaman kong hinawi nito ang buhok ko na tumatabing sa mukha ko at iniipit iyon sa tenga ko. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.

Napamulat ako ng mata dahil ramdam ko na parang may malapit na mukha sa mukha ko because I can feel his/her breath.

Iminulat ko ang mata ko sakto naman na nasalubong ko ang mata niya. Nanlaki ang mata niya. Isang dangkal nalang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.

"What are you doing?" Tanong ko na siyang dahilan ng pagkurap niya at mabilis na paglayo sa akin.

"Ahm. Ku-kuwan kasi bru-bruha." Napataas ang kilay ko habang tinitignan siya.."Fuck!" Mahinang mura niya at napakamot sa batok niya. "Wag mo nga akong tignan ng ganyan!" Saway niya sa akin ng taas kilay at padabog na umupo sa upuan na nasa harap ng mesa ko.

Wow! Just wow siya pa ang may ganang magalit eh nuh. Iniiwasan ko nga siya tas ngayon nandito siya? Oh come on.

"And mind you Mister-"
"Its Miss." Pagtatama niya sa akin na lukot ang mukha niya. Napahinga ako ng malalim. Pagtiisan mo siya Lia. Ikaw nga pinagtitiisan niya.
Pero kasi eh. Kailangan ko munang magsungit sa ngayon. Tutal lagi naman pala akong masungit.

Her Feminine Lover (COMPLETED)Where stories live. Discover now