"I can't. I can't let him go" sabi ko

"Kaya mo pero ayaw mo lang" sabi niya

"Di ko pa siya kayang pakawalan ngayon. Not now. You rejected him. He is in pain right now" sabi ko

"At ikaw hindi? Lia buong buhay mo wala kang ibang ginawa kundi damayan siya sa mga panahong nasasaktan siya. Noong ikaw ang nangangailangan ng tulong tinulungan ka ba niya? Mas inuna niya pa ako kaysa sayo na laging nandyan sa tabi niya. Lagi niyang sinasabi sayo kung gaano niya ako kamahal. Ni minsan ba inisip man lang ba niya ang nararamdaman mo? Kaibigan mo siya diba? Edi dapat alam niya kung kailan ka totoong masaya at kung kailan nagpapanggap ka lang. But he didn't notice it! You know why? Because he's too dumb and selfish to know that you need him and you're already hurting. Sariling nararamdaman niya lang ang inaalala niya. Siya ngayon lang nasaktan dahil sa nireject ko siya. Eh ikaw lia? Buong buhay mo sa tuwing magkasama kayo lagi kang nasasaktan. Di mo ba naisip na baka ito na ang tamang panahon para gumising kana sa katotohanan na kahit kailan di ka niya mamahalin. Lia kahit minsan isipin mo naman ang sarili mo. Ang magagawa mo na lang para sa sarili mo ay mahalin ang sarili mo. Kapag sinunod mo ako ay siguradong magiging masaya ka na ng tuluyan" sabi niya

Napatungo naman ako. Naalala ko na naman ang nakita ko kanina. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ko na naman ang sakit. Kung sana may gamot lang sa sakit ng dibdib na nararamdaman ko edi sana hindi ganito kasakit. Maybe Raven is right. Maybe I should really need to let him go. Napangiti na lang ako ng mapait. Maybe its time for me to let go of him. It's time surrender.

Pumasok ako sa loob ng cr. Para ayusin ang sarili ko. Sapat ng broken hearted na ako emotionally hindi ko na kailangan ipangalandakan yun sa pamamagitan ng pagmumukhang broken hearted.

Mag-aayos na sana ako ng biglang bumukas ang isa sa mga cubicle at nakita ko ang isang babaeng maganda iyon nga lang kinulang sa tela ang damit. Kaunting tuwad nga lang niya ay makikita mo na ang panty niya sa sobrang ikli tas yung blouse niya muntik ng maging crop top. Tsk.

Pamilyar sakin ang mukha niya. Pinilit kong alalahanin kung saan ko siya nakita. Ahh! Tama! Isa siya sa mga babae ngayon ni brent. Yes. May mga babae siya. Ang inisip ko na lang iyon lang ang paraan niya para makalimutan ang sakit na nararamdaman niya. Inintindi ko na lang siya. Wala eh. Mahal ko siya. Hindi ko alam kung martyr ba ako o sadyang tanga lang talaga ako pagdating sa pag-ibig.

"Layuan mo si brent" galit na sabi niya na nagpataas ng todo ng kilay ko

"Wala kang karapatang utusan ako. Isa akong prinsesa. Ako ang nag-uutos and not the other way around" sabi ko saka ngumisi

Yes. I'm kind but it doesn't mean that I can't be a bitch. Saka marami akong natutunan kay raven. Walang makakatalo sa kanya pagdating sa pagiging bitch. Siya kaya ang Queen Bitch.

"Huwag ka ngang masyadong mayabang. Hindi porke prinsesa ka eh matatakot na ako sa iyo. Kahit gaano pa kataas ang posisyon mo hindi parin magbabago na hindi ka mamahalin ni brent kahit kailan. Akala mo ba hindi ko napapansin yang pagnanakaw mo ng tingin sa kanya sa tuwing magkasama kami?" sabi niya

Bigla namang sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Alam ko naman na ang totoo eh. Pero ang sakit pala pag galing sa ibang tao. Napatawa ako ng peke.

"Alam mo hindi ko alam ang pinagsasasabi mo. Pero eto lang ang sasabihin ko sa iyo gagawin ko kung anong gusto ko at hindi mo ko pwedeng diktahan. Saka sino kaba para utusan ako? You're just a whore and I'm a princess. You're words are nothing to me. Mas may halaga pa nga ako sa mundo kaysa sa iyo dahil ako kailangan ako ng mga lahat ng mga mamamayan namin eh ikaw? Mga lalaki lang ang may kailangan sa iyo" sabi ko

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now