💕 NOBODY'S BETTER 35 💕

Start from the beginning
                                        

Ilang minuto ang nagdaan at nagsikainan muna ang bawat tao bago dumako sa mga 18th candles, roses, gifts, bills at the like. Kumain lang saglit si Keisha at agad na siyang bumaba sa stage upang hanapin ang mga kaibigan niya at upang makita rin si Kelso.

"Besseu, bakit ka nandito? Kumain ka na ba?" tanong ni Diana ng dumako si Keisha sa pwesto nilang magkakaibigan. "Asan si Kelso?" tanong nito para magsitinginan ang kanyang kaibigan sa isa't-isa. "Umalis siya kanina, kasama ni Ceejay. May gagawin daw muna sila." si Cela naman ang sumagot sa tanong ni Keisha.

"Saan daw sila pupunta?"

"Di namin alam." sagot ulit nito. Napabuntong hininga na lang ang dalaga bago bumalik sa pwesto nito sa stage.

"Ano sabi niyo kay Keisha?" tanong ni Momo kay Diana at Cela. Wala kasi siya kanina ng pumunta si Keisha sa table nila kaya 'di niya alam ang nangyari.

"Hinahanap niya si Kelso." sagot ni ate Resse.

"Ano sabi niyo?"

"Ang sinabi lang namin ay umalis siya kasama si Ceejay pero 'di namin sinabi ang dahilan." sagot ulit ni ate Resse.

"Itong Kelso talagang 'to!" inis na bulong ni Momo. Nagpatuloy na silang kumain habang nagdarasal na babalik na si Kelso ulit dito.

"Uy! Matagal pa ba 'yan? Gutom na ko, 'di pa ko kumain." naiinis na wika ni Ceejay kay Kelso. Binigyan naman siya ni Kelso ng huwag-ka-ngang-magulo- look.  Nandito sila sa may backstage at nag eensayo si Kelso para sa magaganap mamaya. Sobrang kaba na kasi siya kaya 'di niya alam kung makakaperform ba siya ng maayos mamaya o hindi. Gutom na rin siya katulad ni Ceejay pero wala siyang magawa kundi sundin 'yong nerbyos niya kaysa gutom. Mas gugustuhin niya daw kasing mas maging perpekto ang magiging performance niya kahit na gutom na siya.

"Alam mo Kelso, praning ka lang eh! Ok naman na 'yang performance mo pinapakaba mo lang sarili mo. Bahala ka dyan, balik na ko don. Gutom na ko eh!" napabuntong hininga na lang siya ng bumalik na nga ng tuluyan sa loob si Ceejay. Gutom na talaga 'yon at wala na rin siyang magawa kundi bumalik na din. Gutom na din siya eh.

Pagkatapos ang thirty minutes ay nag umpisa na ang part two ng celebration. Tinawag na si Keisha sa gitna ng mga table maging ang 18th candles niya. Tumayo si Keisha kasabay ng pagtugtug ng mahinahong tugtug ng orchaestra.

Ibinigay na ang 18th candles kay Keisha maging ang 18th message na galing sa kanila. Medyo mangiyak ngiyak na ngayon si Keisha dahil sa mga mensahe nila. Mas lalo na doon sa mga mensahe na ibinigay sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan.

Ngayon naman, ang 18th gifts na ang sumunod. Binigyan si Keisha ng mga iba't ibang regalo katulad na lang ng pampaganda, teddy bears, portrait pictures niya at kung ano ano pa. Sobrang saya ni Keisha nang binigyan siya ng lightstick at concert ticket for two ng favorite niyang kpop boy group. Hindi na alam ni Keisha ang nararamdaman. Sobrang overwhelmed na niya sa mga natanggap at wala na siyang hahanapin pa.

Sumunod sa listahan ng mga 18th ay ang 18th blue bills. Binigyan lang naman siya ng 18th envelope na may lamang 18th blue bills. Labing walong tag iisang libo ang natanggap niya at sobrang saya niya. May mga natanggap na nga siyang materyal na mga regalo, may natanggap pa siyang pera.

Ang huli ay ang 18th roses. Sobrang kinakabahan na si Keisha kasi finally, masasayaw na siya ni Kelso. Sobrang kilig na siya kakaisip nito, pano pa kaya kapag nangyari na.

Unang nagsayaw sa kanya ay ang papa niya. Habang sinasayaw siya nito binubulungan siya ng papa niya na sobrang ganda ng anak niya. Naluha naman si Keisha dahil dito. Pangalawang nagsayaw sa kanya ay ang lolo niya. Katulad ng ginawa ng papa niya, binulungan siya nito na sobrang ganda niya at huwag daw muna niyang ibigay ang lahat kay Kelso. Iyon din naman ang plano nito, kaya tumango lang siya sa lolo niya. Sumunod na sinayaw siya ng kanyang kapatid. Pagkatapos ay sila Ceejay, ang ilan sa mga kaklase niya katulad nila Ren, Kelvin at Kuya Mac. Sinayaw din siya ni Oppa Baekhyun at Oppa Chanyeol niya kaya sobrang pula niya. Sinayaw ba naman siya ng krass niyang oppa na si Oppa Baekhyun.

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now