★ I'm a landmine filming my own fake death: Going on a feel... field trip

Start from the beginning
                                    

For some reason, solo rin namin 'yung pool, ewan ko lang kung may dumating na monster na kumain sa lahat ng ibang tao sa pool bago kami dumating or whatever. Paki-anticipate na lang kung malaman ko mang may classmate kaming aswang – malalaman ninyo because I'll have to write a Wattpad romance story about it.

---

Pagkatapos naming mag-swimming, nag-dinner na. Dahil tunay na Pilipino kami, mayroong videoke sa sulok ng room. Pero hindi pa namin 'yun pwede pagtuunan ng pansin dahil naglelecture sa harap 'yung prof ko tungkol sa histo. Oks naman, kaso 'di ako sure kung pinagtuunan din ng pansin 'yun. Nagkunwaring debutante ang isa kong funny na kaklase at may nakakatawang picture siya kasama ang "guests" sa bawat table. Hindi ko nga lang siya nasabihang tanggalin lahat ng gulay sa catering.

Pagkakain, nag-swimming ulit 'yung ibang blockmates ko. Tinamad na ako kaya nanatili na lang kami ng kaibigan ko sa loob ng room at naligo (pero hindi sabay). Pagkaligo ko, nanood na lang ako ng MTV kaso nakakabanas 'yung mga kanta, which can all be summarized with the lyrics "GURL I LIKE YO ASS, GRIND IT AGAINST ME YOU SEXY BITCH" kaya sinara ko rin 'yung TV.

*beat*

*beat*

*beat*

*beat*

Biglang nagsipasok 'yung iba kong blockmates sa room namin nang may dalang lampaso ('di ko rin alam bakit); nagsisigawan sila dahil mayroon daw nangyaring anes doon sa kabilang cottage. 

Apparently, naganap na ang annual drunkscapade. Inimbitahan kaming pumunta roon sa tinitirhan noong boys that night para i-re-enact ang Project X.

Umpisahan na ang mga pasabog!

---

Wala naman talagang pasabog.

Nalaman kong nawalan nanaman ako ng pagkakataong makuha 'yung putang inang Century Club badge sa Sporcle-like tangina, I swear I played a game-pagkatapos ng 80 grueling days, but I digress.

Nag-aantay ako ng suntukan... o halikan... o halikan HABANG nagsusuntukan... kaso, wala. Sa bandang kaliwa noong room, mayroong naglalaro ng Spin the Bottle at nagdidilaan ng earlobes. Sa kanan may sharing tungkol sa love life. Sa gitna, naroon si Unprettier at dalawa sa kanyang blockmates. And then... at midnight I was already spewing shit about wanting to die; or rather, ceasing to exist. Kung songer *ehem* singer lang ako, baka isinisigaw ko na 'yung line sa Bohemian Rhapsody at the top of my lungs: "I sometimes wish I'd never been born at all." And they didn't even have to get me drunk.

Nakatanggap pa ako ng consolation mula sa isa kong kaklase. "Ganyan din nararamdaman ko, pero..." kailangan pa rin kamo nating humanap ng silver lining sa buhay, sabi niya. He's the type of person na kaasaran mo lagi. (But not in a bad way. Ewan, may mabuti bang asar?) I think most, if not all of us tend to evoke this kind of aura, so it hits pretty hard when one of us actually opens up. Sometimes it makes me feel like crying. Hindi ko rin alam kung bakit ko naisipang magdrama noon – there's this something about sleep deprivation giving you shit similar to having alcohol in your system but that's just the gist of it, at wala na akong maalalang iba. Baka may drugs 'yung dinner kong spaghetti.

Bumalik na kami sa kwarto namin bandang alas dos ng umaga. Natulog na 'yung iba. I was left babysitting happy drunks until 3:30 in the morning and I found myself... not hating the moment.

---

Umaga.

Wala na akong masasabing matino since I was feeling nauseous that morning at wala naman talagang ibang dapat-i-mention. Ano, tingin niyo, kwekwentuhan ko kayo ng M6abA6aY nAYughFf65%^$^%^ 5D^%d^% d^#65#^%E6 5*@^(#&U#HGASD76D____ (sqrt(cos(x))*cos(75x)+sqrt(abs(x))-.7)*(4-x*x)^.2, sqrt(9-x^2), -sqrt(9-x^2) from -4.5 to 4.5, -xLFCVGS2BKNAU2QKLJ5JUSQ2SKVJUQ

*muffled fangirl screams*

(Please stand by. Author just experienced a BSoD.)

---

Masarap ulit 'yung lunch namin, sinigang! Hindi ko talaga makakalimutan kung gaano kasarap 'yung ipinapakain sa amin dito. Hindi naman sobra-sobra tulad noong sa retreat namin last year [A/N: Naroon sa kabila kong journal 'yun; the chapter titled "Wattpad Killed the Hardbound Star"] kung saan nagmistula kaming Hansel and Gretel na galing sa Catholic school. Sa totoo lang, nabitin pa ako sa pagkain this time around. But that's just my stomach speaking.

Pagkaalis namin sa resort, balik na kami sa pag-immerse sa aming mga sarili sa history... and stuff. Inakyat namin 'yung landmass na may rebulto somewhere at napagod ako nang lubos dahil wala akong mga maskuladong alagad na bubuhat sa akin, tapos may pinuntahan kaming simbahan na puno ng mga batang sumali sa Halloween costume contest. Pagdating ng dapit-hapon, bumili kami ng pasalubong at nadapuan ako ng tipaklong.

Gabi na noong nagsimula kaming bumiyahe pauwi. Nag-stopover kami sa KFC at muntik na maiwan ng bus kaming magkakaibigan, dahil andaming tao sa KFC (at hindi kami artista kaya walang pake ang mga waiter sa amin). Hilaw pa 'yung gitna ng chicken patty sa Zinger ko kaso bahala na, baka bagong food trend din ang Medium Rare chicken... katulad ng sunog kong sandwich sa 7-eleven kahapon.

The end.

--x--

Ito ang anim na aral na aking natutunan mula sa intellectually stimulating na lakbay-aral:

[1] Masarap ang pancit habhab, kaso nilagay ko lahat ng gulay sa habhab ng blockmate ko dahil mortal na kaaway ako ng mga gulay.

[2] Pwede palang i-unlearn ang paglangoy. It took me four years.

[3] Sanay na yata 'yung may-ari ng resort sa taon-taong paghasik ng lagim ng mga nasa course namin.

[4] The gluteus maximus is the topic du jour, at least for singers. Hindi naman malaki pwet ko kaya 'di ako aware.

[5] Huwag titikman ang scented bubbles.

[6] Lambanog gives you wings!

Nasaan kamo 'yung "aral" sa "lakbay-aral?" Pwede kong ilabas 'yung lecture kong nakasulat gamit ang nakakasuyang font (I call it "naglelecture ako habang jumijiling ang bus sa baku-bakong kalsada"), but I'm not here to lecture you about academics. For fuck's sake, this is Wattpad. Kung mayroon man diyang naghahanap ng "sugo para sa intellectuals" sa website na 'to, you'd have better luck looking for a nun in a restobar. 

With that said, pizawt. Nalulunod na ako sa tambak-tambak na gawain and I can't get back up! Wait, freshie nga lang pala ako.

x Unprettier

---

*Answer: Some people do study in a lakbay-aral, apparently. Oh God, ako lang yata 'yung sumama lang sa field trip para mag-enjoy and nothing else. I'm gonna have to read the hieroglyphs I call "my notes" now...

HippopotomonstrosesquipedaliophobiaWhere stories live. Discover now