C H A P T E R | 01 |

5.5K 162 1
                                    

SUNNY DAYURI (SUNDAY) POV

Nag lalakad ako sa gitna Ng daan ngayon dahil ginabi ako sa pag hahanap Ng trabaho,Pero heto ako at Wala parin di ako natanggap.

Fresh graduate ako at nag hahanap Ng trabaho,para makatulong na sa pamilya pero halos ilang araw na at Wala parin akong nahahanap.

Hating Gabi na nga at Eto at nag lalakad parin ako pano Wala na akong perang pamasahe Kaya nag lakad na Lang ako.
Sobrang layo pa Naman Ng bahay namin kaya.Siguro Naman ay makakauwi ako mamayang alas Singko ng umaga.

Sa pag lalakad ko ay Napa daan ako sa Isang Beer house. Ewan Kung nasan na ako inaantok na ako Kaya di ko na ma Kilala Ang daan na nadadanan ko.
Maraming mga Taong nag hihiyawan sa loob Ng Beer house.

Nakuha kuha nilang mag saya dahil marami silang perang ipang gagastos sa mga luho at gimik nila. Hindi sa naiinis ako pero nasasayangan ako sa mga pera nila na napupunta sa Wala.

Napailing na Lang ako sa iniisip ko kahit Naman siguro pag sabihinan mo sila tatawanan Lang nila ako Kaya Naman ay agad na akong nag lakad Ng mabilis para maka Alis sa tapat Ng beer house.

Di pa ako nakalalayo ay Mukhang mamalasin na Naman ako dahil may nakita akong lalakeng pasuray suray sa gitna Ng daan.
Nakakatakot dahil mag Isa Lang ako pano? Kung Zombie sya at kagatin ako?.

Eh di magiging Zombie din ako tapos kakain din ako Ng  ibang Tao!?. Naku Hindi Yun pwedeng mangyari marami pa akong pangarap sa buhay.
Di pa nga ako nakakakita Ng trabaho eh.

Pero habang palapit ng palapit Ang Lalakeng pa suray suray ay saka ko na pansin na di sya Zombie Tao sya na lasing na lasing. Marahil ay galing sya sa beer house pero bakit? Parang sa ibang lugar Naman sya galing?.

Ng  medyo malapit lapit na sya ay bigla syang na buwal na Lang bigla Kaya nag panic ako pano? Kung patay na to? Baka ako Ang pag bintangan?. Tutulungan ko ba oh? Aalis na Lang ako para makauwi na at mag hahanap uli Ng trabaho bukas?.

Aalis na Sana ako ako. Pero naawa ako dun sa Tao Kaya nilapitan ko Ito at saka pinulsuhan. Buhay pa Naman sya, siguro ay nabuwal Lang dahil sa sobrang kalasingan.
Tinitigan ko sya at pansin Kong mayaman Ito dahil sa gwapo sya at naka Americana pa sya. At saka halata Naman dahil sa Porma pa Lang nya.

Tinayo ko sya Kaya Lang nagulat ako Ng Makita Kong may pasa sya sa mukha na di ko Naman pansin Kanina. Pansin ko ring Wala syang suot na kahit anong mahaling alahas katulad Ng relo siguro ay ninakawan Ito at binugbog Ng mga adik sa kanto.

Napa kamot ako Ng ulo ko Ng Wala sa Oras madala na nga Lang sa hospital.

Pag dating namin sa hospital ay agad syang ginamot Ng mga Doktor di ko Naman sya Kilala pero Salamat na Lang at iniwan pa Ng mga mag nanakaw ang wallet nya Yun nga Lang Wala Ng laman kundi ID nya at Isang papel na may nakasulat na number.

Kaya Naman ay agad ko itong tinawagan baka kamag anak nya to Kaya naka lagay sa wallet nya.
Maya Maya pa at nag ring Ang telepeno Ng Kung Sino mang tinatawagan ko. At ilang sandali ay sinagot nya Ito.

"Hello? Sino to?" Tanong ng isang lalake,siguro ay kapatid nya oh kamag anak nya to.
"Ah...hello Po Matanong ko Po Kung Kilala nyo si  Sherwin Paul Cortez?" Tanong ko dito.
"Teka pano mo nakilala si Shep anong nangyari sa kanya?" Sabi nito.

IM INTO YOU [BXB] CompletedWhere stories live. Discover now