Ever felt that feeling na gusto mong ipaglaban at ipagsigawan pero alam mo sa sarili mo na kapag ginawa mo yun, maraming masasaktan, may mga masisira, at malaki ang maging pagbabago kaya mas pinili mo na lang na itago.
Gaya nga ng sabi nila, "there are things that better left unsaid."
Enrollment nang una kitang makita. Hair disheveled, skin so pale, sweating, and stuttering too much. You looked liked a total idiot that time, I'll be honest. 'Di kita type pero I became interested dahil nasulyapan ko copy of grades mo nun. Your appearance may be resembled of an idiot but you're grades are far from that word. I'm amused by you.
Kaya naman nang turn ko na magbayad sa cashier, tinanong ko kung anong schedule mo since alam nila account ng lahat ng estdyante at pinabago ang akin para same tayo ng sched kahit pa alam kong mahihiwalay ako sa mga kaibigan ko. Hindi ako yun. Hindi ko gawain yun pero siguro dahil first time kong maging interesado sa isang tao ay ginawa ko na.
At nagpapasalamat ako because I did that.
First day of class, you were late. Sinadya kong i-save ang upuang katabi ko. Hinintay talaga kita. Nang pumasok nga ang prof at nagsimulang magpakilala ay nataranta ako kasi baka last minute kang nagpapalit ng sched ng 'di ko alam. Napanatag lang ako ng makita ko ang mukha mong parang tumakbo na naman ng marathon sa may pintuan.
Mabuti't hindi naman masungit ang prof at pinapasok ka kaagad at pinaupo. Hindi katulad noong iba na namamahiya na, e first day palang naman. Dapat nga wala munang klase sa isang buong week since nag-aayos pa ng sched mga prof. Ganun kasi ang sabi ng kuya ko kapag college.
Kakaupo mo palang, nagdismiss na ang prof kaya natawa ako ng mahina. Namumula kang lumingon sa akin at masungit na nagtanong.
"Ano?!"
Nagpipigil ng ngiti akong sinagot ka, "Nothing."
Sinamaan mo muna ako ng tingin bago ka nagrelax sa upuan mo at pumikit sabay buntong hininga. Tinitigan kita at noon ko lang natitigan ng mabuti ang mukha mo. Kapag tumayo, you look like you can take down 10 gangs by hand dahil matangkad ka at broad ang shoulders mo. You don't look like fragile but your face is. Kung titigan, cute ka, sige. I admit that one.
Tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto. Narinig ko naman ang nag-ingay ka sa likod ko at nang lumingon ako ay nakita kong nakatayo ka na. Mukha kang natataranta.
"What?" tanong ko sayo.
"S-saan ka pupunta?"
"Uh, next class?"
"Hindi dito room natin?"
"Maybe you should check your schedule and room next time. Masanay ka na. Hindi na tayo high school na iisa lang room at sasabihan pa tayo ng adviser if ever sa iba ang room ng ibang subject."
"Oo o hindi lang naman sagot e." You whispered while walking near me then stopped just infront of me.
"Lisa nga pala," pagpapakilala mo at naglahad ng kamay.
"Justin," tinanggap ko ang kamay mo at noon ko lang nalaman, totoo pala talaga ang sinasabi nilang sparks.
That time, I knew I'm in deep shit.
Buong araw na yun, sa akin ka lang nakabuntot at tumatabi. Ako lang rin kinakausap mo. Not that marunong kang makipag-usap sa iba. Napakamahiyain mo kasi!
One week after, nakilala mo ang mga magulang ko. Nakilala ko naman ang mga magulang mo the day after. Legal na tayo!
Yeah, legal friends. Yay.
