Love 2

21.3K 315 17
                                    

Chapter 2

~*~

NOTE: This is already edited. First Person's Point of View na po ito at sana wag kayong malito. Thank you.

---

April's POV

Kinabukasan, nagising ako dahil sa mainit na pagtama ng araw sa mukha ko. I slowly opened my eyes and stared at the ceiling when suddenly, my dream last night appeared on my thought.

"Ahhhh! Umalis ka sa utak kong piste ka!" Nanggigigil kong tinakpan ng unan ang mukha ko pero ayaw pa ring mawala ang panaginip na 'yun at ang mukha ng lalaking 'yun kaya mabilis akong tumayo galing sa kama at dumeretso sa banyo.

I took off all my clothes and took a bath.
Isang oras din bago ako natapos maligo at dumeretso sa closet na naka-connect sa banyo at nagbihis. I wore a cotton shorts and a velvet spaghetti strap before going out.

It's already 10:46 and I am so hungry as hell so I decided to cook a food that I can handle to cook.

Pagkatapos kong mag saing ng kunting kanin ay nagluto na ako ng hotdog at itlog.
Nakakahiya mang aminin pero prito lang ang kaya kong lutuin. Yeah, isa akong babaeng walang future sa pagluluto. Ang kaya ko lang gawin ay gumawa ng magagandang designs ng mga damit.

"At last,"  I murmured when I finished to cook my food and cooking this is not that easy. Takot ako sa mantika kaya ginawa kong pangharang sa mukha ko ang takit ng kaldero para lang makaluto ng hotdog at itlog.

Sabik na sabik akong kumuha ng kanin,  isang piraso ng hotdog at sunny side up. Ewan lang kung matatawag pa itong sunny side up dahil mukhang naging scrambled egg na.

Susubo na sana ako nang biglang tumunog ang door bell kaya naiwan sa ere ang pagkain.

I groaned in annoyance. Goodness, can't people sense a hungry person like me?!

Ibinaba ko ang kutsarang hawak at mariing napapikit bago tumayo at tinungo ang pintuan. I opened the door at bumungad sa akin ang mukha ng sekretarya kong si Jenebhel.

"Hi, Miss Apr--"

"Shut up, Bhel. Alam mo bang gutom na gutom ako at gusto ko ng kumain pero dumestorbo ka?! Ikaw kaya ang kainin ko?!" I yelled at her and I don't mind doing so. She's already used to it.

Nahihiya siyang tunawa habang hindi makatingin ng deretso sa akin. "S-sorry po, Miss April."

I just rolled my eyes and let her enter.
Pinaghintay ko muna siya sa Living Room
dahil ipagpapatuloy ko pa ang pag kain ko.

After minutes of eating, I washed all the plates I used before going back to the Living Room.

"What brought you here?" Tanong ko sa kanya.

Jenebhel was been my secretary since I started being a Fashion Designer. Kahit nakakainis siya minsan, hindi ko pa rin siya sinesante dahil naiintindihan niya ang ugaling meron ako.

Umayos siya ng upo bago sumagot.  "Tinawagan po ako ni Ms. Enson kagabi. Hindi niya daw kasi kayo ma-contact kaya ako na lang ang tinawagan niya."

Unexpected Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon