✓Chapter 63 - The Book of Prophecy

22.7K 483 2
                                    

*Winter POV*

Pagkarating namin sa WMA sinabi ng headmaster na maaaring mamamalagi muna sa loob nv Academya ang mga taong naitakas namin mula sa kamay ng dark king at God of Darkness para sa kaligtasan nila.

Agad namang tumulong ang ilan sa mga estudyante at ilang sandali lang ay may nagsidatingan nang mga doctors dahil nga sa nasa kamay pa ng sumpa ang mga healers, ay mga doctor muna ang bahalang magpagaling sakanila.

Pumunta muna ako ng dorm dahil nakaramdam ako ng pagod.

Pagkarating ko ay aga akong sumalampak sa Kama..ilang sandali lang ay may kumakatok sa may terrace ng kwarto ko..

Sino naman kaya ang iistorbo sakin ng ganitong Oras.

Ghaad..it's already 1am..dahil natagalan kami kanina sa paghahanap kung nasaan ang dungeon nila..kung Hindi ko lang narinig ang usapan kanina nung mga bihag na ginawang tagapagsilbi baka ngayon ay nandun parin kami at naghahanap..

Bumangon naman ako dahil kanina pa katok ng katok sa labas ng terrace ko ang kung sino mang ponsio pilatong nilalang na yun.

Bakit diyan pa kasi siya kumakatok eh may pintuan naman yung dorm ko.

Bagot na binuksan ko ang glass door ng terrace tinakpan ko kasi iyon ng kurtina kaya hindi ko makita kung sino at ano ang nasa labas ng terrace ko.

Bumungad sakin ang isang gwapong nilalang na buong buhay ko atang hindi pagsasawaan.

"Staring is rude kitty..you can have me all the time so don't bother" Sabi nito sabay yakap sakin.

And yes it's My Ace, My teddy.

"What are you doing here? Dapat nagpapahinga ka na ngayon" Sabi ko dito.

"I can't sleep kitty..dito nalang ako matutulog sa kwarto mo tabi Tayo" nakangiting sabi nito..

"Eh!!! May kwarto ka naman eh" parang batang sabi ko dito.

"Eh sa gusto kitang katabi matulog eh" Sabi nito.

Gosh parang Bata rin.

"Sige na nga" Sabi ko dito sabay nagpatiunang humiga sa kama.

Gosh I really want to sleep now.

"Go on! Sleep kitty" Sabi ni Ace kaya pumikit na ako.

Naramdaman ko naman ang paglapat ng labi nito sa noo ko at nagsabi ng katagang kailanman hindi ko pagsasawaang marinig.

"I love you Kitty"

Bago ako tuluyang dinala sa dream world ko.

Kinabukasan

Nagising ako dahil sa tama ng sinag ng araw, kaya napamulat ako..

Nasa tabi ko pa pala si Ace na mahimbing na natutulog habang nakayakap ang isang kamay sa beywang ko.

Chansing din ang isang toh.

Pinagmasdan ko naman ang mukha nito..

Kahit kailan hindi ko pagsasawaan ang mukhang to..

Ang gwapo eh! Maihahalintulad na sa sinasabi sa mortal world na Greek god.

Matangos na ilong, mahabang pilik Mata, makapal at itim na itim na kilay, makinis na mukha at mapupulang labi..

Pero mas gwapo ito kung nakamulat nanaintimidate kasi yung pulang mata nito..parang hinihipnotismo ka nito.

Inalis ko yung buhok na tumatabon sa nakapikit nitong Mata..

Napangiti nalang ako..I wonder if I will be able to see him this close after the war.

Hindi ko man alam kung ano ang mangyayari ngunit nararamdaman kong may mangyayaring hindi maganda.

Hinawakan ko ang mukha nito.. ilang sandali lang ay hinawakan nito ang kamay ko..nagising ko yata.

Ngumiti ako ng makitang ang pula nitong Mata pagkamulat.

"Good morning teddy "nakangiti kong bati dito..

Napangiti din ito at kinulong ako sa yakap nito.

"Good morning my baby kitty" Sabi nito at sumubsub pa lalo sa leeg ko.

Gosh naglalambing na naman..

Minsan hindi ko rin maintindihan ang ugali nito..masyadong moody.

Ako ang unang kumalas sa pagkakayakap nito at agad na bumangon.

"Come on teddy, we need to train hard before the eclipse reveal" Sabi ko dito kaya wala na itong nagawa kundi sundin ang sinabi ko.

~Fast Forward~

"Pinapatawag tayo sa office ni headmaster" bungad na sabi saamin ni Vince na nakasalubong lang namin sa hallway.

"Eh bakit daw?" Tanong ko dito.

"Don't know! Maybe something about what the dark god said" Sabi niya..

Napatango nalang ako at ito namang isang kasama namin hindi manlang bumuka yung bibig.

Balik na naman siya sa pagiging expressionless niya..tssk.

Sabay kaming tatlo na naglakad papunta sa headmaster's office..

Pagkarating namin nandun na ang iba kaya pinaupo na kami ni tanda sa vacant pa na seat sa office niya.

"Okay, we will discuss about the dark god said" paunang sabi ni tanda.

Napatingin naman ako kay Vince..

"Told ya!!" Sabi nito at natatawa pa.

Tssk. Nakuha pa niyang tumawa eh seryoso na ng mga tao dito.

"What about that?" Tanong ni Anna kaya napabalik ang atensiyon ko sa pinag uusapan namin.

"Well, the thing is we don't know what's the exact time na mag e-embrace ang araw at buwan..hindi rin natin hawak ang book of secrets or what we call book of prophecy we need to get it to the Haven Acre kingdom" dismayang sabi nito.

That book!

"No need we already have it" Sabi ng isang seryosong tinig.

______________________________________________

Sorry if bitin..

Thanks for reading.

Love lots❤

Ms. Winter Rose

The Long Lost Goddess Princess (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora