✓Chapter 46 - Jasper & Justin

22.9K 557 3
                                    

Ang gwapo ng kambal.
Ctto.

*Winter POV*

"Manahimik ka nga Shaniya di ka na talaga nagbago" naiinis na turan ni Lenore.

"Ewan ko sayo" masungit na sabi naman ni Shaniya..

Okay parang may LQ ang dalawang dragon na toh.

"Are you guys having an LQ" nagtatakang tanong ko sakanila.

"No!!!" Sabay nilang Sabi.

Napakibit balikat nalang ako sa tinuran ng dawala..

"Okay so Lenore bumalik ka na" Sabi ko sakanila..inaantok na kasi ako gusto ko na ulit matulog..

"Pano naman ako prinsesa?" Naiiyak na sambit ni Shaniya.

"Maghanap ka nalang daw ng ibang master" nang-aasar na Sabi ni Lenore Kay Shaniya bago nawala na parang bula at bumalik sa pagiging tattoo..nako tong dalawang to..

Tumingin naman ng naluluha si Shaniya sakin.

"Okay, gawin mo na ang gusto mong gawin ng makatulog na ako" Sabi ko with matching hikab pa.

"Okay okay" excited na Sabi nito.

" I Shaniya the legendary Earth Dragon promise to be loyal, honest and protect princess at all cost even if it takes my life this dragon do solemnly swear" mabilis na sabi nito sabay naglaho at naging tattoo sa wrist ko..

Tiningnan ko naman ang dalawang tattoo..

Yung blue nasa east side tas yung brown nasa west side..hmm strange parang may kulang..

Bakit higit pa sa isa ang guardian ko?

Babalik na sana ako sa tent namin ng may marinig na naman akong kaluskus..gosh baka so Shaniya na naman yan..

"Shaniya pwede bang wag ngayon inaantok na talaga ako" antok na Sabi ko..ngunit walang may sumagot.

Lumabas ako ng shield na ginawa ni kuya Ezekiel..mas malakas na kaluskus na ang naririnig ko..

Naglakad pa ako para malaman kung anong kaluskus yun ng may maaninag akong lumuliwanag..huh? Ano yun??

Sinundan ko ang nagliliwanag na yun only to find out na may isang baby white wolf ang naroon at may tama ng isang palaso..

Nagtago muna ako sa isang puno ng maramdaman kong may mga taong nais patayin ang baby wolf na yun..

Nakita kong naghihingalo na ang baby wolf gosh naiiyak ako sa baby wolf na yun..

Nagliwanag pa lalo ang baby wolf..

Anong gagawin ko? Biglang tumingin sakin ang baby wolf na parang humihingi ng tulong at parang alam din niya na nandito ako..

Bigla akong lumabas sa pinagtataguan ko at sinugod ang mga stranger na nais patayin ang baby wolf.

I use my physical attack to those stranger...sipa, suntok lang ang ginagawa ko..

"Sino kayo? Anong kailangan niyo sa wolf na yan?" Seryosong sabi ko sakanila habang nakikipaglaban pa sabay tingin ng masama sakanila..

Dalawa lang sila..kaso magaling din makipaglaban..

"Dadalhin namin yan sa pinuno namin para mabigyan kami ng pabuya" Sabi ng isa saakin..

"Bakit kailangan niyo pa itong patayin kung madadala naman ninyo Ito ng maayos sa pinuno niyo?" Galit na, na Sabi ko.

"Kailangan namin ng pera para sa Lola naming may sakit" Sabi nung Isa..huminto kami sa pakikipag-away ng malaman ko ang rason kung bakit nila ito ginagawa.

"Hindi niyo kailangang kumitil ng buhay mapa tao man Ito o hayop o kahit anong nilalang dito sa mundong ito..simpleng pagsisikap lang ay magagawa niyong paggalingin ang Lola niyo ng hindi binabagabag ng konsensiya, sa tingin niyo pag nalaman ito ng Lola niyo at Ito pa ang gamitin niyo para mapagaling siya matutuwa ba siya? Hindi!! dahil buhay ang inagaw niyo para mabuhay din siya, I'm telling you she'll not be happy on what your doing right now" seryosong sabi ko sakanila..sabay naman silang napayuko..

"Patawad, Ito lang Kasi ang tangging paraan para mapagaling ang Lola namin, itong nilalang na toh ang may mas malaking pera ang dala..dahil narin sa wala nang mga healers sa angkan ng buong Haven Acre..sa doctor nalang ang lahat umaasa" Sabi nung Isa.

"Anong pangalan ng pinuno niyo? At saang angkan kayo nabibilang?" Seryosong sabi ko sakanila.

"Si Lord Lucas po galing po kami sa angkan ng mga panday, ako po si Justin siya naman si Jasper magkambal po kami" Sabi ni Justin..naremember ko tuloy yung kambal si Kiara at Kiana.

Napatango nalang ako sa sinabi nila..

Ang mga angkan ng panday ay isang matapat na angkan sa diamond kingdom..ang kakayahan nila ay gumawa ng sandata gamit ang kapangyarihan nila..

Kinuha ko ang baby wolf na naghihingalo..

Pinagaling ko ito gamit ang healing ability ko na ikinagulat ng dalawa..

"Sundan niyo ko!! Samahan niyo kami bukas sa inyong angkan ng malunasan ko ang Lola ninyo" Sabi ko sakanila sabay lakad habang karga ang baby wolf na natutulog sa bisig ko..naramdaman ko namang sumunod ang dalawa sakin..

Pagkarating ko sa tent namin nakita kong gising silang lahat..

Nung makita ako ni Ace agad naman itong yumakap sakin..tumingin naman siya sakin..

"Where have you been? I'm so f*cking worried" nag-aalalang sabi nito sabay yakap ulit sakin..

______________________________________________

Hello guys I'm back again..

Sorry if may mga wrong grammars, typos, and spellings. Tao lang po ako nagkakamali..so understand nalang..

And please support my upcoming story thank you.

Don't forget to comment, vote and follow..

Nagmamahal,

E L I Z A B E T H    D.

The Long Lost Goddess Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now