Kinabahan ako ng pasadahan niya ako ng tingin. At mas lalong kumabog ang puso ko ng tumingin siya kay Xyler pabalik sa akin.

"May gusto ka kay Xyler no?"

Nasamid ako bigla at nanlaki ang mga mata.

"A-Ano? A-Ako? May g-gusto kay--" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Karla.

Paano niya nalaman?

"Huwag ka ng magkaila. Bistado kana." Natatawang sabi niya pa at hindi pa siya nakuntento dahil pinisil pa niya ang pisngi ko.

"P-Pero, bakit, paano mo naman nasabi yan? At hinaan mo naman yang boses mo baka may maniwala." Kabadong sabi ko.

Tumango naman siya at lumapit ng bahagya sa akin.

"Halata naman sa mga mata mong gusto mo si X."

X? As in Xyler?

" Oo nga, siya. X." Irap niyang sabi na parang nabasa na niya nasa isip ko.

"Ang dali mong basahin. Hindi ka pwedeng maging attorney. Talo ka kaagad sa kaso mo. Hindi ka marunong magsinungaling e." Aniya.

"Paano mo nalaman? Hindi ko matandaang may sinabihan ako tungkol sa bagay na yon." Kunot-noo kong sabi sa kanya.

Sumandal siya sa upuan at tumingin sa direksyon ni Xyler.

"Ilang buwan na kitang kaklase sa Gen. Chem. At sa bawat may klase tayo, ilang beses na kitang nahuhuling nakatingin sa kanya." Umakto pa siyang kinikilig. "Ikaw ah, hokage ka rin pala!"

Napalunok ako at alam kong namumula nanaman ang mukha ko sa kahihiyan! Ganoon na ba ko kahalata ngayon?

Ang tagal kong tinago 'to pero ang hindi ko alam, may mata palang nakabantay sakin!

Ano bang meron sa babaeng ito at parang may pakealam siya sa buhay ko?

"Ano namang masama kung may gusto ka sa kanya? Hindi lang naman ikaw ang nagkakagusto don." Aniya.

"H-Hindi naman sa gan'on pero kasi.. hindi ako s-sanay." Hindi makatinging sabi ko sa kanya.

Itinuon ko ang pansin ko sa pagkain. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko ngayon, lalo pa't nasa harapan ko ang taong nakakaalam ng sikreto ko.

"Sus. Normal lang yan sating mga babae. Saka, sino bang hindi magkakagusto sa kanya?" Saad niya at sabay kaming napalingon kay Xyler.

"Kahit siguro tomboy, may tiyansang magkagusto diyan." Naiiling na sabi niya.

Tama siya. Hindi ko nga ma-describe yung itsura ni Xyler kasi baka may mali akong masabi. Hindi ko alam pero sa paningin ko, nasa kanya na talaga lahat. Looks, money, talent, etc.

" Sabagay. Humahanga lang naman ako sa kanya. " Imposible namang magustuhan niya ko no.

Isang malaking kalokohan.

"Bakit hindi mo sa kanya aminin?"

Kaagad akong umiling, "Hindi na kailangan. Mapapahiya lang ako."

"Bakit ka naman mapapahiya? Sasabihin mo lang naman na gusto mo siya ah?" Takang tanong ni Karla.

"Bakit ko pa sasabihin sa kanya? Okay nang sakin nalang." Tipid kong ngiti.

"Pero malay mo--"

"Sige na, mauna na ko." Putol ko sa sasabihin niya at inayos na ang mga gamit ko. Gayon din ang pinagkainan ko.

"Teka, saan ka pupunta? Wala namang klase ah. "

"Sa library." Sagot ko at nginitian siya.  "Mauna na ko."

It's You [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant