Prologue

49.6K 610 2
                                    


As I stepped on the door entrance of this restaurant with Dan, feeling ko hindi na magiging maganda ang kalalabasan ng gabi ko.

I was bored. Wala kasi si Amanda, my bestfriend, kasama nito si Jake dela Vega, her husband. Marami na din silang pinagdaanang dalawa bago humantong sa happy ever after idagadag pa ang pakikielam namin ni Dan, Jake's little brother. Well, he's not little. Doktor siya ni Amanda, he's very gorgeous, isama mo pang isa siya sa pinakamagaling na surgeon ng bansa at idagdag mo pa ang pagiging isang dela Vega nito, ang isa sa pinakamayaman sa Pilipinas at pumapantay sa yaman ng mga pinakamayayaman sa ibang bansa.

But I never find him attractive. Sa ugali pa lang niyang domineering? Hindi ko siya kayang tiisin sa loob ng isang lugar. Para kaming aso't-pusa.

Tapos na ang mission ko sa Pilipinas, nabigyan ko na ng katarungan si ate Phyllis ng mamatay si Bill. Pero pakiramdam ko andito na ang pamilya ko. Sa piling nila Amanda, Jake, Tita Marge at Tito Robert, okay-okay isama na din yung mayabang na si Dan. Kahit naman papaano alam kong mabait siya, kay Amanda nga lang.

Adopted daughter ako ng isang Canadian philanthropist couple, and I will forever be thankful na sila ang kumupkop sa amin ni ate Phyllis. They gave us everything we needed. At mahal na mahal ko sila, the least na magagawa ko ay 'wag silang saktan.

Pero mas pinili kong mag stay sa Pilipinas kaysa bumalik sa piling nila. Ewan ko ba! Parang may mga nanghihila sa mga paa ko every time na maisipan kong umuwi ng Canada.

"I think this is not a great idea na isama ka dito." sabi ni Dan habang kumakain. Knowing Dan, ganyan talaga siya pag dating sa akin kaya hindi ko na lang pinapansin pero iba ngayon.

"Maybe because of that girl? The one who played the piano a while ago?" nakita ko naman itong parang nanigas sa pag subo ng pagkain. I grinned evilly. "Who is she, Dan?" I smirked when I saw him get uneasy.

"She's...my ex." he grimaced. Napataas ako ng kilay. Ngayon ko lang nakita si Dan ng ganito. Parang inahing manok na hindi mapaitlog. Halos minu-minuto din ang panakaw na tingin nito sa lamesa nung babae.

"Does Amanda know about her?" Nasa mood tuloy akong lokohin siya.

"Amanda has nothing to do with her, Cassiedy." nag ngangalit ang mga bagang niya sa inis.

"Okay..." I smirked sarcastically. He's so overprotective when it comes to Amanda.

"I'm so gonna regret this, bakit pa kasi ako pumayag na isama ka dito." tahasang sabi ni Dan. Manhid na ako sa mga ganyang linya niya when it comes to me. Parang sweet words na sa pandinig ko iyon kaya kiber.

"I bet to disagree, Dan, I mean...ilibot mo ang mga mata mo, all the guys here will trade places with you makasama lang ako. I'm one of the finest ramp models in the country. You should be proud." I conceited.

Yeah, I'm famous. Ilang beses na ba akong kinuha ng VS para irampa lang ang mga lingerie nila? Five years na din akong nasa ganitong industriya at mahal ko ang trabaho ko. Ito ang nakakapag papasaya sa akin.

"Just shut your mouth Cassie, at kumain ka na lang." may kalakip na warning ang boses ni Dan. Ayos! Napikon ko na naman siya. Siya lang yata ang lalaking may PMS na nakilala ko.

Hinarap ko na ang pagkain ko ng may biglang lumapit sa lamesa naming dalawang lalaki. I have no interest to turned to them while they're talking to Dan.

"Cassiedy, I want you to meet my friends," Dan said habang ako naman inihahanda ko na ang trademark smile ko. I know how to mingle, iyon ang natutunan ko sa pagiging modelo ko. Every fan and every people counts.

Pero ako ang nagulat ng matuon ang paningin ko sa kanya. The perfect set of gray eyes, ang makakapal at palakunot nitong kilay na madalas ko noong tuwirin kapag naiinis na ito, his rugged hair I used to combed when it was not tame, his thin lips that I used to.

Jed!

"This is Dr. Jairus Saavedra and Dr. Marco Lopez mga colleagues ko sila at mga kaibigan since med school pa. Guys, this is Cassiedy Hopkins, my sister-in-laws' bestfriend." naririnig ko ang pagpapakilala sa akin ni Dan, automatic din na tinanggap ko ang pakikipag hand-shake ni Jairus sa akin but Jed didn't offer his hand to me but instead, he keep staring at me. Yumuko ako para hindi niya mapansin ang pagkailang ko sa mga titig niya sa akin.

Ilang taon na ba ang nakalipas mula nung huli kaming mag kita?

Six hell years?

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Ms.Therapeutic*

Medical Batchelor Series 3: A Love to Last Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon