Binlock ko nga muna 'tong number niya ngayon sa phone ko. Ayoko muna ng istorbo habang magkasama kami ni Arkhe.

Pagkalabas ng mansion, saglit lang akong naghintay at mayamaya lang, dumating na rin si Ark.

Sinenyasan ko na agad ang isa kong bodyguard na ilabas na ang mga painting materials ko para ilagay sa sasakyan. Takang-taka nga si Arkhe habang pababa ngayon at palapit sa 'kin. Imbis na ako ang tingnan niya, do'n siya nakasunod ng tingin sa bodyguard ko na papunta naman sa car trunk.

"Ano 'yung mga 'yon?" Naka-kunot ang noo niya.

"My stuff. Naisip ko na mag-paint sa hideout mo kasi baka makakuha ako ng inspiration. Okay lang ba?"

"Ah, oo naman." Bumalik siya para buksan ang trunk. Tapos pinuntahan niya ulit ako para alalayan na sa pagsakay.

Bakit parang mas gumwapo yata siya ngayong araw? Partida, he's just wearing a simple shirt. Siguro natural lang talaga na malakas ang appeal niya. At ang bango niya rin talaga. Amoy na amoy siyang lalaki.

Pagkapasok ko rito sa loob ng sasakyan, napansin ko naman agad 'yong mga brown paper bags sa passengers' seat sa likod.

"'Yan ba 'yung mga binili mo sa grocery store?" Tanong ko no'ng makapasok na rin siya sa kabilang pinto.

"Oo. Magluluto tayo mamaya, 'di ba?"

Tumango-tango agad ako sa kanya. Mas lalo akong na-excite. "Oo nga. Nabili mo ba 'yung gusto kong instant noodles?"

He chuckled. "Oo, meron diyan. Na-adik ka na sa instant noodles, ah. Masama 'yan."

"Ngayon pa nga lang ako nag-uumpisang kumain ng gano'n. Hindi naman ako mamamatay agad." Nagkabit na ako ng seatbelt at inayos 'tong bag ko sa lap. "Anong una nating lulutuin mamaya?"

"Burgers. Kumakain ka ba no'n?"

Hindi ko siya sinagot, tiningnan ko lang siya.

Natawa lang naman ulit siya sa 'kin. "Oo nga pala, kumakain ka nga pala ng gano'n." Tapos bigla siyang napatingin sa suot ko habang nagkakabit na siya ng seatbelt. "Ang ganda na naman ng damit mo."

I smiled. "Really?"

"Oo. Kanina ko pa nga dapat pupurihin pagkababa ko ng sasakyan. Yung pormahan mo talaga, para kang palaging pupunta ng meeting e, 'no?"

Natawa na 'ko. Akala ko naman hindi niya napapansin ang mga sinusuot kong dresses. "Too formal ba?"

"Medyo. Pero bagay naman sa 'yo. Ang disente mong tingnan." He turned the car's engine on, pero bago siya nag-umpisang mag-drive, lumingon muna siya sa likod. "Nakakapanibago na walang nakabuntot na mga kotseng itim sa 'tin."

"Oo nga e. Wala akong bodyguards ngayon."

"Anong dinahilan mo sa kanila?"

"Wala naman. Sabi ko lang may importante akong aasikasuhin. Buti nga sumusunod pa sila sa mga utos ko despite what happened days ago. Ang sarap maging malaya."

Natawa siya tapos nag-umpisa nang mag-drive. "E 'di didispatsahin mo na talaga ang mga bodyguards mo niyan?"

"Gusto ko na nga. Kasi alam mo, kapag kasama kita, parang hindi ko na kailangan ng bodyguards. I feel safe when I'm with you."

"Naks. Medyo kinilig ako diyan, ah."

Napangiti na lang ako, tapos tumingin ulit sa mga gamit do'n sa likod. "May dala ka rin bang damit?"

"Meron. Hindi kasi ako sigurado kung may damit pa 'ko ro'n sa hideout. Wala akong susuotin kung sakali. Baka makita mo pa 'tong KPR ko."

"Anong KPR?"

Everything I Want [BOOK 1]Where stories live. Discover now