lumakad papasok ng pinto si Steve .
ngayon lang may nakapasok na lalaki sa kwarto ko 0_0
napakamot ulo ako
"ahm pasensya ka na ha.. ngayon ko lang kasi nabasa mga texts mo, hindi ko din naman inexpect na-----"
bigla nya kong yinakap.
ng mahigpit.
yung yakap na tulad ng dati.. mahigpit, makahulugan at masarap sa pakiramdam.
niyakap ko din sya pabalik.
pero tinanggal ko din agad.
"ahhh Stevee... sa sala ka na lang muna maghintay kasi-"
"Mika?"
natahimik ako.
tinawag nya pangalan ko ng malambing at malambot na boses.
hindi ko tuloy mapigilang tumingin sa kanya.
"I want you to be in my life forever." Steve
napanganga ako. nagppropose ba sya?? 0_0
"HAHAHA! ano eh bata pa tayo Steve.. wag muna yan no. Ano ka ba haha" ako
tumawa din sya
"Hmm hindi naman ganon iniisip ko, ayoko lang kita mawala." Steve
mas humigpit ang yakap nya.
At kinissan nya ko sa noo.
Hehe ganda ko
"Mika.. sorry sa lahat." umiiyak sya.
ako naman napabuntong hininga lang.
at nakatingin sa kanya.
"Gusto ko na bumalik tayo sa dati. Yung tayo lang lagi magkasama.. pero this time may label na tayo." hinawakan nya ang dalawa kong kamay at tumitig sakin.
"Actually, malaki talaga pagasa ko na magiging okay din ulit tayo. Hindi ko alam kung bakit." niyakap nya ulit ako.
Hinayaan ko lang sya magsalita.
Pero ako, medyo lumuwag na yung pakiramdam ko. Siguro kasi malinaw na sakin lahat.. pero nandun padin yung takot nung nakaraan. Natatakot padin ako.
"Steve..? N-natatakot pa rin ako. "umiyak ako. Para kong nagsusumbong sa kanya. Tutal sya naman may gawa nito. Niyakap nya lang ako ng mahigpit.
"Let me show you na seryoso akong ikaw na yung babaeng gusto kong pakasalan.. Mika.. mahal na mahal kita. Ipapakita ko sayo, papatunayan ko. Hindi na kita sasaktan ulit. Pangako, at kung maulit man ulit yun. Tapusin mo na ko." sagot nya.
Halos matagal din kami nagyakapan, ewan ko pero iba pakiramdam ko ngayon.
Parang hindi pa satisfied yung puso ko
Mikan, its been three years after you cried all the time. Maybe this time pwede ka ng sumaya muli, sa kanya ulit. =)
Dear Mr. Ewan,
Naligo ako ng may ngiti sa labi ko. Kinikilig ako hahaha.
kilig na may halong kirot parin, naniniwala naman ako sa mga sinabi ni Steve lalo na it took 3 years bago ko malaman ang sagot, kung bakit. Ang tanga ko kasi masyado ako nag mukmok ng hindi ko man inisip kung totoo ba lahat ng nakita ko at ano yung reason. Siguro kasi nadala na ko ng galit at emosyon ko. Kaya ang nasa isip ko lang nun ay damhin ang hinanakit at magpakalulong sa lungkot. Pero ngayon.. pwede naman siguro na subukan ko ulit sa kanya?
YOU ARE READING
Dear Mr. Ewan
Teen FictionIkaw yung halos laman ng buong diary ko. Ikaw yung pinagdasal ko na sana nga e mahanap ko na. Ikaw na gumawa ng masaya at malungkot kong alaala. Ang bumuo at kumumpleto sa kulang na ako. Kung ikaw na nga si Mr. Ewan.. ngayon pa lang I love you...
Chapter 9 (Comeback)
Start from the beginning