Heat on the Beach

56 7 0
                                    



"Kayl!"

"Kayl!"

"Kayl Aguilar!"

Padabog kong tinanggal ang shades ko at napaupo mula sa aking pagkakahiga sa puting buhanginan. Nilingon ko ang kanina pang tumatawag sa akin.

"What?" Irita kong saad sa kaniya.

"Girl, kanina pa kita tinatawag. Baka sumobra na ang pagkaka-tan mo niyan." Saad niya sa akin.

"Hindi pa nga ako nangingitim, look." Turo ko sa aking balat na kitang-kita ko parin ang aking pagkaputi. I want to be tan, kahit onti lang.

"Anyways, kakain na raw sabi nila Yana."

"Hindi pa ako gutom, Ashie." Sambit ko sa kaniya at ibinalik sa aking mga mata ang shades ko.

"Oh c'mon, ikaw nalang ang kulang 'don."

"I'm still not hungry, kung gusto niyo ay tirahan niyo nalang ako ng pagkain."

"Knowing them, hindi sila nagtitira ng pagkain, Kayl."

"Dapat silang magtira, sila na nga isinama sa beach sila pa manguubos ng food."

"C'mon tara na, baka sa huli ay magsisi kang sinama mo kami." I rolled my eyes saka tumayo mula sa buhanginan.

Sabay na kaming tumungo sa aming cottage and at my surprise halos kakalahati nalang ang pagkaing binili ko para saming magkakaibigan.

May bagyo atang dumaan?

"Kayl, tara kain. Mauubos na ito ni Layla mamaya." Pagyayakag sa akin ni Vina.

"What? Ako na naman? Hindi lang ako ang malakas kumain rito, Vina." Pagtataray ni Layla.

"Dapat hindi mo nalang isinama si Layla, Kayl. Ubos lang ang pera mo para sa pagkain niyan." Sambit naman ni Yana, tinaliman naman ng tingin ito ni Layla.

"Whatever you say, Yana. Bakit ba ako ang sinisisi niyo? Andiyan pa si Alma at Bonnie." Iyamot ni Layla.

"Hep hep! Bakit kami napasama diyan? Ikaw ang kanina pa kumakain riyan." Saad naman ni Bonnie.

"Oh God! I heard my beautiful name." Reaksyon naman ni Alma.

"Shut up, Alma. 'Wag mo kaming simulan." Kumuha naman ng soft drinks si Yana.

"What? Wala akong ginagawa, girls." Pagkuha naman ni Alma sa ng isang hiwa ng hilaw na mangga.

"Kahit saan talaga tayo magpunta ay ang ingay niyo." Saad ko sa kanila, umupo naman ako sa isang upuan at kumuha ng isang slice ng pizza.

"Inborn na iyon kay Layla." Sambit ni Bonnie, agad naman binato ni Layla ang hawak niyang plastic cup na walang laman kay Bonnie.

"Ako na naman." Irap niya. Napatawa ng kaunti si Bonnie at kumain ng manok.

"May mali ba doon, Layla? Sa ating anim ikaw ang may pinaka-maingay na bibig sa atin." Usal ni Vina. As usual, si Layla lagi ang trip nila. Masaya kasi siya pagtripan, like mukha lang siyang naiinis pero hindi talaga. Ganiyan kami kamahal ni Layla.

"Pasmado pa minsan." Sabat ni Ashie.

"Anong pasmado, babae? Hindi pasmado ang bibig ko, okay?" Then Layla rolled her eyes to Ashie.

"Don't deny it, alam namin at sanay na kami, duh." Kumento naman ni Yana.

"Yeah yeah whatever. Oh, Kayl! I really like your bikini." Puri sa akin ni Layla.

One Shots Compilations (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon