Bakit mo iniwan?

23 2 1
                                    

Malakas ang buhos ng ulan at sa kamalas- malasang pangyayari  wala akong dalang payong, syempre nabasa ako ng ulan. At sh!t lowbat na ang cellphone ko.

Tumambay muna ako sa isang shed sa labas ng campus namin at dali-daling tinawagan ang nanay ko.

"Ma, stranded ako dito sa school, naiwan ko payong ko jan sa bahay-"

"Naku ka namang bata ka! bakit mo kasi iniwan? Alam mo namang tag- ulan ngayon!" tss.

"Ma naman eh,mamaya nyo nalang po ako pagalitan, sunduin nyo nalang po ako dito sa harap ng school"

"Wala pa ako sa bahay. Nasa school rin ako madami akong kailangang tapusin at nagtu-tutor ako ngayon,hindi ko pwedeng iwan ang tutee ko"haay.

Ng matapos ang tawag ay napasimangot nalang ako. Ang hirap naman ng ganito. Isang private school teacher ang nanay ko at sumasideline sya ng pag tu-tutor sa mga bata. Kahit na maliit ang sweldo sa private kumapara sa public ay di magawang iwan ng nanay ko ang school na yun dahil napamahal na daw sya sa mga katrabaho nya dun.

Anyways...hindi ko alam pero agad akong nagtipa ng numero sa aking cellphone at tinawagan ang isang taong makakatulong sakin.

Nakakadalawang ring palang ay agad syang sumagot sa tawag ko.

"Yo, Jillian"

"Ang bilis sumagot ah, cool!
nga pala asan ka ngayon?"

"Nasa bahay"

"busy ka?"

"sa pagkain? Oo, hahahahah-"

"k.bye-"

''ito naman di na mabiro. hindi ako busy, bakit yayayain mo ko magdate? maulan kay-"

"tigilan mo ko Ashong ah! kailangan ko ng sundo ngayon. Lowbat na ang cellphone ko."

"Yak! kadiri! Sabi ng Ash! hindi ashon- eww.. di ko masabi!"

"tama na yang kaartehan mo, basta sunduin mo ko dito sa harap ng campus natin, nilalamig na ako"

"eh? nabasa ka? asan ang payong mo?"

"iniwan ko" tss.daming tanong.

"bakit mo iniwan? aissh..sige hintayin mo ko jan"

"salam-"

Toot~toot~

tssh. binabaan ako? G^go

*tilup tilup*

And yeah 1% nalang ang battery life ng phone ko.

naghintay lang ako habang nakatayo at bitbit ang bag ko na halos walang laman. ayoko ng mabigat.
Makaraan ang humigit kumulang 7 minuto ay natanawan ko na si Ashong.

"ambilis mo Ashong ah!" bungad ko sa kanya. Swerte ko talaga dito.

"tantanan mo ng ako nyang kaka- ash-bleeeeeh, kadiri. Ash sabi eh!" ngumisi nalang ako. Ang bading.

"tsshh...tara na nga" at agad nyang iniabot sakin ang isang color blue na payong.

"anlaki naman nito" kasya ang tatlong tao eh.

"para di ka na mabasa" sabi nya sabay abot ng jacket. cool.

"para saan yan?"

"try mo kainin baka hindi ka lamigin." sagot nya *insert sarcastic tone*

di ko nalang sya pinansin at agad nalang kinuha ang jacket.

"woah, ganda ng jacket ah.mabango pa. di ko na 'to ibabalik ah"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bakit mo iniwan?Where stories live. Discover now