She's Insane

45 1 0
                                        

Erin Delafuente has always been an outcast. Students would pick on her every single day until she had enough of it.

"Walang nanay! Walang nanay! Palibhasa pokpok nanay mo, binebenta katawan niya kaya malamang isa ka sa mga anak ng nambabayad sakanya! Pwe!"

"Anong sabi mo?" Tiim bagang sambit ni Erin habang nakatitig sa babaeng nanunukso sakanya. Natawa naman ang babae at inulit pa ang sinabi niya, "Sabi ko, pokpok nanay mo! P-O-K-P-O-K! Pok-a-ah!" Di na naituloy ng babae ang sasabihin nya nang padarag siyang hinawakan ni Erin sa kwelyo.

"Wala kang alam." Hinahon, pero nanginginig niyang sambit, unti unting lumabas ang mga estudyante at kinuhaan sila ng litrato.

"Wooooo! Pokpok raw nanay ni Erin guys! E bat parang di halata kasi diba pag bayarin kang babae marami kang pera? E halos manlata na tong babaeng to dahil di kumakain eh." Sabi ng isang lalaki. Ngunit hindi ito pinansin ni Erin at tinitigan ng masama yung babaeng hawak hawak nya.

"B-bitawan mo ko, you weirdo!" Bakas ang takot sa pananalita ng babae, nagpapanggap lang na matapang.

"Bawiin mo ang sinabi mo."

"H-hindi! Pokpok nanay mo at dapat malaman ng lahat yun!" Hinigpitan ni Erin ang pagkakahawak nya sa kwelyo ng babae. "B-bitawan mo ko sab-A-ah! Di ako m-makahinga!" Ngunit tanging ngiti lang ang isinagot sakanya ni Erin.

"Sabi ko bawiin mo, hindi ba?" Unti unting humakbang si Erin papunta sa railing, hawak hawak nya parin ang kwelyo ng babae.

"U-uy Erin! Nagbibiro lang yan si Claire! Claire, tigilan mo na!" Di nya pinansin ang komento ng estudyante. Sa halip, lumapit sya sa tenga ng babae at bumulong, "Sabihin mo kay mama, miss ko na siya." Nanlaki ang mata ng babae ngunit huli na ang lahat.

BLAG!

Ang mga estudyanteng kaninang nasa ika-anim na palapag ng eskwelahan ay agad agad bumaba matapos masaksihan ang pangyayari.

"Y-you! You're insane! Go to hell!" Rinig ni Erin ang sinabi ng isa sa mga estudyante habang humahangos pababa ng hagdanan ngunit di nya ito pinansin. Tumitig si Erin sa ngayong duguang katawan ng babae.

"Di mo pala makikita si mama. Nasa langit siya at paniguradong sa impyerno ka mapupunta." Bulong niya.

Claire Arciaga Maranan
Time of Death: 4:08 PM

She's InsaneStories to obsess over. Discover now