"Wala. Ito yung resignation letter ni Aine." inabot ko na sa kaniya yung resignation na inabot sa akin kahapon, ni Aine.

"Hindi ko tatanggapin 'yan." sabi ni Francis. Nakita ko naman si Olivia na mukhang nagulat din, sa sinabi ni Francis. Napangiwi naman ako. Ano ang karapatan niya na bawalan si Aine?  "Alam naman niya ang rules. Saka pumirma siya sa kontrata, pwera na lang kung tatanggapin ko 'yan." dahil sa inis nalamukos na lang yung envelope na may laman na resignation letter.

"Hindi mo 'yon magagawa." bulong ko.

"Hahahahaha. Akala ko pa naman matalino ka Estes. Base kasi sa kwento ni Lolo, magaling ka daw. Ano ba yan? Simpleng rules lang ng kompanya hindi mo alam?" nasapak ko na siya sa galit. Napasigaw naman si Olivia dahil sa ginawa ko. Kaagad naman niyang dinaluhan ang kaniyang Kuya. Bagay silang magsama! Tinalikuran ko na sila at umalis.

Aine

"Nabo-bored na ako dito sa bahay." banggit ni Kyla habang hinahalo ang tinimpla niyang kape. Nandito kami sa kusina at nagmumuni-muni.

"E, ano naman ang gusto mong gawin, Twin Sister?" tanong ko. Uminom ako ng kape na tinimpla ko.

"Hmmmmm..." tumingala pa talaga siya sa kisame. Mukhang nag-iisip nga siya. "Bili tayo ng 3 in 1 na kape." tumawa naman siya ng mala Sakuragi na tawa. Kulang na lang sabihin niya ang pamatay na linya noong anime na yun. 'Ako ang Henyong si Sakuragi.' *evil laugh*

"Ano naman ang gagawin natin sa 3 in 1 na kape?" tanong ko.

"Paghiwalayin natin ang kape, asukal, at gatas, doon. Wahahahaha. Di ba, ang galing ng naisip ko?"

"Waaaahhh!!! Twin Sister, tama ka. Ang galing ng naisip mo!! Sige, try natin." syempre, first time maka isip ni Twin Sister ng pambihirang bagay. Support ninyo kami ha?

"Wahahahaha. Talaga Henyo ako."

"Huy! May nagbabasa na bata, sa story na 'to. Bawal magsinungaling." suway kaniya. Nalaglag naman siya sa upuan niya ng banggitin ko yun.

"Aray naman! Hayaan mo na minsan-minsan lang naman."

"Kaso wala namang 3 in 1 na kape dito." sabi ko.

"Ako bahala, my Twin Sister. Wahahahaha. Bernadette!!!!!" hindi ko naman kilala kung sino ang tinawag niya na yun. Lumitaw naman sa kusina, yung isa sa mga katulong dito sa bahay. Aba! Kilala niya, ha? Close ba sila?

"Bakit, Kakay?" naasar na sabi noong katulong.

"Anong sinabi mo?!" naasar naman itong kasama ko. Hala! War yata ito.

"Hehehe. Ang sabi ko po, bakit po kamahalan." yumuko pa talaga ang katulong. Tagapaglingkod lang ang peg? Joson Dynasty ba ito?

"Yan! Bilan mo kami ng 3 in 1 na kape." pumalakpak naman ako, kasi parang makapagyarihan na tao si Twin Sister kung magsalita. "Patikim palan 'yan." bulong naman niya sa akin.

"May kape naman po diyan." natataka na sabi noong Bernadette.

"Uma angal ka na?!" kinuha naman na mabilis ni Twin Sister yung kutsilyo dito sa may kusina.

"Yay! Bibili na po." mabilis pa sa alas kwatro na lumayas yung katulong. Nilapag naman ni Twin Sister yung kutsilyo na hawak niya, at nagpagpag pa ang kamay. Wow! Bongga!

"Ang galing ko di ba?" mayabang niya tanong.

"Oo. Kamukha mo nga si Fredie at si Chakadal kanina noong hawak mo yung kutsilyo. Pwede ka na sa horror, Twin Sister. Pak na Pak, ka dun!" masaya kong sabi.

"Aray ko naman, Twin Sister. Pinapasama mo naman ang loob ko. Huhuhuhu. Hindi na kita bati." ngumawa naman siya. Naku po! "Gandahan mo naman ang sabi. Huhuhuhu."

"Ang pangit mong umiyak." sabi ko. Tumahan naman siya.

"Yown!! Kaya mahal na mahal kita, Twin Sister." Yan ang tatak, Kyla. Sabihin mo ng pangit siya, 'wag lang iba.

Yinakap naman niya ako ng sobrang higpit. Hay! Kahit ganito 'to. Mahal ko ito. Kami na lang kaya mag tambal. Ano sa tingin ninyo? Kyla and Aine, The Sabog Tambalan. Siguro dadami ang mga sabog sa Pilipinas. Hahahahaha. Marami ng matutukhang. Wahahahahahaha.

Narinig ko naman na nagring yung cellphone ko na nakalapag sa table. Unregistered number ang nakalagay. Sino naman kaya ito? Waahhhhhhh!! Baka si Kuya Willie na 'yan. May nag text kasi sa akin kanina na nanalo daw ako ng, 500,000. Yayaman na ako! Yes!

Sinagot ko na ang tawag. Sa una hindi nagsalita yung nasa kabilang linya. Ako na ang nangahas na sumagot. Baka naman kasi sabihin ni Kuya Willie, e, napaka sungit ko naman. Baka hindi pa sa akin ibigay ang tumatagingting na kalahating milyon. Tango-Tango.

"Hello po?" sabi ko. Syempre, magalang dapat, para ibigay agad.

"Hello, Ms. Aine Santos. You miss me?" nawala namana ng saya na kanina kong nararamdaman, napalitan ito ng galit.

"Ano ang kailangan mo? May utang ba ako sa'yo? Sige babayaran kita, kapag nakuha ko na yung napalanunan ko kay Kuya Willie. Sige, bye." ibaba ko na sana ang cellphone ko ng magsakita siya.

"Hawak ko ngayon ang kontrata na pinirmahan mo at resume mo. Kanina inabot sa akin ni Estes ang resignation na binigay mo, pero hindi ko tinanggap. So, kapag hindi ka tumupad sa kontrata, sapilitan kitang kakasuhan. H'wag mo naman sayangin ang pagkakataon na makulong ang magandang kagaya mo." at tumawa naman siya ng mala demonyo. May pinirmahan ba akong kontrata? Wala akong maalala.

"Saka, kung gugustuhin kong alisin sa trabaho si Estes, magagawa ko, Ms. Santos." nanginig naman ang kamay ko na nakahawak sa cellphone. Napaka unprofessional naman ng tao na ito. Pati si Estes, dinadamay niya!

"Napaka—"

"Hep! Hep! 20 minutes dapat nandito ka na sa opisina. Babye~." magsasalita na sana ako sa cellphone, nang babaan na niya ako ng tawag. Grrrr... Kumukulo ang dugo ko.

"O, Twin Sister, bakit parang galit ka?" inosenteng sabi ni Kyla.

"Naka usap ko kasi ang demonyo." umalis na ako sa upuan.

"Ano naman ang sabi sayo?" tanong ni Kyla.

"Magkita daw kami." tipid kong sabi.

"Hehehehe. Sasama sana ako. Hige, ikaw na lang. Paghihiwalayin ko na lang ang kape, asukal, gatas sa 3 in 1 na kape. Babye, Twin Sister!" naglakad na nga ako palayo. Hindi na nga sa akin sumama si Kyla.

Nagngitngit naman ang mga ngipin ko sa galit. Parang gusto ko siyang ihulog talaga sa roof top noong building nung Lolo niyang matapobre. Bagay silang magsamang mag Lolo. Grrr....

-----------

Matry nga yung ideya ni Kyla. Try ninyo din, aking mga readers.💕🤣

Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Completed Na Ito!!!!]Where stories live. Discover now