Chapter 2: He is Cheating

4 0 0
                                    

[Sabrina's POV]

Ngayong umaga, matapos ang pag uusap namin kahapon ni Zack nag desisyon parin ako na iwasan sya kahit di ko alam kung paano dahil alam ko sa huli mahihirapan ako na kalimutan sya... Napatingin ako sa lamesa at nakita ko ang sulat nya.

Binasa ko yun, He said that I have to stay with him pag nakabalik na sya, pero pano? Pano kung hindi na sya ang mahal ko pagbalik nya, paano kung di ko kayanin ang pag babaago nya? Zack, My Love, Kaya ko ba?

Unti unti namang pumatak ang luha ko.

"Zack, I love you.. Why?" sabi ko nalang.
----

[Zeni's POV]

"Nanang Sela, nasan ang baby boy kong si Zack?" Tanong ko habang naglalakad sa mansion.

"Ahm.. Maam, sa totoo lang ayaw nya po magkaroon ng Bisita ngayon, mahigpit po nyang Bilin sakin yun." Sagot ni Nanang Sela.

Ngumiti naman ako.. "Ahh ganun ba? Bakit? Anong drama nya?" patuloy parin akong nag lakad at binuksan ang kwarto nya.

"Ahh Maam!" Sabi pa ni Nanang Sela nung nabuksan ko na ang kwarto ni Zack, naabutan ko syang naka topless habang natutulog.

"Maari nyo na kaming iwan." utos ko sa kanila.

Tinitigan kong mabuti si Zack habang naka cross arm.

"Hoy! Ano? Buhay ka pa?" Tanong ko tas Sinipa ko yung binti nya.

"Hmmm...." Pag ungot nya pa tas nag kumot sya, kaya tinanggal ko yun.

"Tss.. Ganyan mo ba sasalubungin ang ate mo?" Tanong ko sa kanya sabay palo sa Pwet nya.

"Aray!! Ano ba?!" inis na sabi nya sabay bangon nya pero naka pikit parin.

"Hahaha Bumangon ka na nga jan!" sabi ko tas Piningot ko sya.

"Ahhhh!!! Aray!!" Reklamo nya kaya nagising na sya ng Tuluyan.

"Ate naman eh!!" sigaw nya sakin, tas nanlaki ang mata nya at tumingin ulit sakin

"Ate???!" Sabi nyang masaya tas bumangon sya at niyakap ako.

"Ateee!!!! muah muah muah! Nandito ka na! Muah! Miss you ate!!!" Sabi nya na tuwang tuwa kaya naman niyakap ko sya at pinisil ang pwet nya 🤣

"Ehhhh! Si Ate naman yung pwet ko lagi eh!!" sabay kalas nya sa pag kakayakap sakin.

"Magbihis ka may lakad tayo." sabi ko tas lumabas na ko ng kwarto.
---

[Zack's POV]

Masaya ako na nakabalik na ulit si Ate Zeni dito sa Pilipinas, sa wakas may kakampi na ulit ako 😊

Nagbihis na ko dahil sinabi nyang may pupuntahan kami, yiihhh nangangamoy new shoes nanaman to 😍😍

*Phone ringing*
/Jacob is Calling../

"Oh Pre bakit?" Tanong ko.

"Pre Tara Sama ka samin sa Gimikan natin!" pag aaya Nya.

"Kelan?" tanong ko.

"Mamayang gabi alas Sais game?" Tanong nya.

"Game!" sagot ko.

"Ge Pre Asahan ka namin ha? Bye." sabay patay nya ng Phone.

"Zack!!! Come on!! Tagal mo jan!" tawag ni Ate kaya nag madali na ko at tumakbo palabas ng kwarto.
---

Sa Kotse...

Hays... Di nya ko nirereplyan ahh.. Sabay baba ko ng phone ko at tumingin nalang sa Bintana.

"O bakit ang lungkot mo?" tanong ni Ate.

To the Person that I Used to Know🖤Where stories live. Discover now