Epilogue. [1.]

807 40 11
                                    

Yvonne's

Hays. Bukas na yung laban namin para sa event na festival, kailangan namin manalo kahit nilalagnat ako ngayon, napansin na nila Kryzha na matamlay raw ako pero ang sinasabi ko lang sa kanila na wala ako sa mood kaya ako ganito at hindi ko narin sinasabi sa kanila na may lagnat ako, kaya ko pa naman eh.

Andito ako ngayon sa classroom nagbabasa ng english book, advance reading lang para may masagot ako mamaya kaso dinadaldal naman ako ng magaling kong kaibigan na si Gon

"Sigurado ka bang tatanggapin mo parin si Joyce pagkatapos lahat ng ginawa niya lalo na yung step mom mo?!"

Ang totoo nan kinausap kasi ulit ako ni Joyce na ayun nga nanghihingi ng sorry sa mga ginawa niya, at gusto niya ulit na mag simula ulit kami sa umpisa at mag turingan na raw kami na magkapatid. Mukhang sincere naman siya nung sinabi niya yun so bakit hindi ko siya bibigyan ng chance diba?

At tsaka yung about sa father ko at sa step mom ko, simula nung lumipat ako wala na talaga ako balita sa kanila basta ang mahalaga masaya na ako ngayon.

"Bestfriend, alam mo mas maganda kung hindi mo na sila tanggapin baka kasi mamaya may gawin na naman silang masama sayo"

"Alam mo Yvonne, kapag nalaman yan si Doyoung-"

"Alam na ni Doyoung, sinabi ko sa kanya at tsaka bestfriend nagbabasa pa ako oh" sabi ko at napatingin naman ako sa kanan sa may bintana kung saan nakaupo si Doyoung kasi naman tambay siya dito sa classroom namin nakipag daldalan lang naman siya kay Midam.

"Uy bestfriend! Tulala o tulele?" Tngina nito kung ano ano na sinasabi nito.

"Sapak you want huh?! At tsaka masama bang tumulala" sabi ko sa bestfriend ko, ang bait ko diba? at tsaka loko pala nito akala niya nakatulala ako eh kay doyoung lang naman ako nakatingin. At nagsidatingan naman si Kryzha, Junkyu, at Kyra.

"Hi Yvonne" bati nila sa akin nagulat naman ako. Di nga? Nag hello sila sa akin? Sa totoo lang ngayon lang nila ginawa yan dahil lagi nalang sila na-"hoy" ganun. Weird, eh?

"Hello guys anong nakain niyo at nag hello kayo sa akin?" Tanong ko sa kanilang tatlo, baka naman may pinaplano sila kaya sila ganyan sa akin pero imposible?! baka nagbabago lang talaga sila. Bagong taon, bagong buhay...ganun.

"Nagbabago na kasi sila Yvonne at tsaka gusto mo ba ng ice cream at stick-o?" Alok sa akin ni Gon. Ngayon ko lang napansin na may binili siya ngayon bakit hindi ko naramdaman na nawala siya sa tabi ko?

Pero oh my god! Share ko lang, favorite ko kaya yung stick-o at ice cream pero...nilalagnat ako ngayon hays tatanggi muna ako. Napaka-wrong timing.

"Sorry Gon, ayoko eh kainin niyo nalang yan lahat" hays malas ko talaga, hindi na nga ako makakakain ng ice cream at ng stick-o, mukhang hindi pa ako makakasayaw ng ayos bukas.

——

Doyoung's

Time check: 5:12 PM

Kalalabas ko lang galing library, simula nung naging kami ni Yvonne mas lalo ako sinisipag mag aral. Miss ko na si Yvonne gusto ko na agad siya yakapin kaso kailangan ko mag practice kasi bukas na yung laban namin, hindi kasi ako nakasabay kanina sa kanila gawa ng may quiz kami at hindi ako pwede mag excuse kapag sa ganun bagay, pero ayos lang yun dahil kumpleto na yung steps namin.

Nag bihis muna ako sa CR, alangan naman naka uniform parin ako kapag nag papractice diba? Joke hehe. Pagkatapos ko mag bihis dumeretso na ako sa dance practice room. Pag punta ko doon naabutan ko si Yvonne na nagpapractice nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya agad ako napansin pero parang ang hina niya...binaba ko muna yung bag ko sa gilid

"Yvonne" tawag ko kay Yvonne lumingon naman siya sa akin tapos tumaas naman yung isa niyang kilay. Pansin ko na medyo giniginaw siya kaya agad ko naman kinuha yung jacket sa bag ko at napansin ko nang naka upo na siya at nanginginig, kaya sinuotan ko siya ng jacket. Hinawakan ko yung noo niya, ang taas ng lagnat niya.

Kaya binuhat ko siya na parang bagong kasal alangan naman gawin kong sako si Yvonne.

"Bakit ka pa kasi nagpapractice eh nilalagnat ka pala" nakita ko naman na nakatingin lang siya sa akin. Madumi ba mukha ko?

"Yvon—"

"Ayoko matalo tayo bukas sa laban natin at tsaka kung matatalo tayo bukas ako ang may kasalanan"

"Ayos lang naman sa akin kung matalo tayo at tsaka dapat kasi nagpahinga ka nalang paano kung bukas nilalagnat ka parin diba ayaw mong hindi sumayaw bukas?" Tumango siya. Nasa corridor na kami at nakasalubong ko naman si Joyce. Tinatawag niya pangalan ko pero hindi ko nalang siya pinansin kaya derederetso lang ako mag lakad.

"Tinatawag ka ni Joyce oh, ibaba mo na ako kaya ko naman mag lakad mag isa"  hindi ko lang siya pinansin, ayoko nga siya ibaba gusto ko nga siya binubuhat parang iniimagine ko narin na bagong kasal na talaga kami.

Sinakay ko na siya sa kotse ko tapos sumakay na ako sa driver seat at nagsimula na magmaneho

(A/N; KUNWARI MAY KOTSE SIYA JK HAHAHAHAHAHAHA )

a/n; wait lang kayo mga pre

Thoughts | Kim DoyoungOnde histórias criam vida. Descubra agora