17. | Yvonne's

835 45 27
                                    

Nag cecellphone lang ako habang kumakain ako ng burger ngayon na binili ko sa mcdo, susubo ko na sana nang kunin agad sa akin ni Doyoung yung burger ko tapos inubos niya.

"BAKIT MO INUBOS?!" tanong ko sa kanya argh ano bang problema nito pati ba naman dito Kim Doyoung.

"Magpapractice na" Sagot niya at umalis na siya sa harap ko...hays uminom muna ako ng gamot at tsaka ako pumunta sa pwesto sa tabi ni Yoshinori kung saan yung una kong pwesto sa sayaw.

"Yvonne, kung magpahinga ka muna kaya?" Nag aalalang tanong ni Yoshi sa akin, alam niya kasi na hindi pa talaga ako okay. Nag-okay sign lang ako sa kanya at tumango nalang siya sa akin sanay ngiti (A/N: imagine niyo ngiti ni Yoshinori yieeeeee inlove na yan jk )

"Okay guys, from the top" Sabi ni Doyoung alam kong mas matanda ako sa kanya ng 8 months pero...okay aminin na natin na mas magaling siya sa akin kaya nga rin siya naging president ng dance club. Kaya rin na sinuwerte kami na ginagamit namin itong Dance Practice room.

Kanina pa kami nagpapractice at malapit narin maggabi. Kaya pakiramdam ko nabibinat na naman ako kasi sa totoo lang hindi pa talaga ako okay, pinilit ko lang umattend ng practice. Kaya ko ito!!!! Sa pananakit palang sa akin ng step mom ko kinaya ko eto pa kaya. Sisiw na ito!!!

Nag simula na kami magpractice pero sa hindi sinasadya bigla ako nauna sa kanila...

"Yvonne naman?! Bakit ka nauuna?! Okay guys, from the top ulit" Sabi niya at nag simula ulit kami mag practice pero this time nagkamali naman ako ng steps.

"Focus Yvonne!!!! Gusto mo ba maperfect ito o hindi? Umayos ka member ka rin ng Dance Club kaya dapat inaayos mo" This time ramdam ko na parang galit na galit ni Doyoung sa akin kaya naman napayuko nalang ako. Nakakainis ka Yvonne oo nga naman member ka ng Dance Club bakit hindi mo maayos?

"From the top" sabi niya at pagka-play ng music ay ginawa ko na lahat ng makakaya ko para makafocus sa steps namin pero bigla ako nanlambot.

"Yvonne kanina ka pa ah, may problema ba? Kung meron pwede bang wag mo naman dalhin dito dahil sinisira mo yung practice. Alam kong napapagod ka, kayo dahil paulit ulit tayo sa simula pero pareparehas tayo napapagod dito, napapagod rin ako sa kakaisip kung paano itong pagandahin itong performance natin" pansin ko na pinagtitinginan na ako ng mga kasama namin, yumuko nalang ulit ako dahil pakiramdan ko anytime maiiyak na ako. Bakit kasi hindi ko magawa ito?

"Pero doyoung nilalagnat parin si Yvonne. Huwag ka naman masyadong harsh" Mahinang sabi ni Yoshinori, nung sinabi ni Yoshinori iyan nanlaki yung mga mata niya na parang nagulat? Hindi ko rin maintindihan lalaking ito.

"Nilalagnat parin?" Tanong ni Doyoung tapos tumango si Yoshinori nagulat nalang ako nang bigla niya kunin yung bag ko tapos  bigla ako hilahin ni Doyoung palabas ng Dance Practice Room.

"Ikaw...Bakit umattend ka parin ng practice kahit nilalagnat ka parin? Sumagot ka ng maayos dahil nagigil na naman ako sayo"

"Kasi yung chat mo sa akin na umattend na ako tapos...ayoko rin maging pabigat—" hindi na niya tinuloy yung explanation ko-bastos na bata.

"Kung ayaw mo maging pabigat edi dapat nagpapagaling ka muna talaga bago magpractice ulit at tsaka kahit nagigil ako sayo Yvonne ha may pake ako sayo pati sa mga kasama natin kaya ikaw magpahinga ka muna. Tuturuan naman kita dahil gusto ko manalo tayo" Inabot na niya sa akin yung bag ko.

"Magpahinga ka muna...tsaka ano..."

"Ano?" Tanong ko sa kanya.

"Sorry" Pagkasabi niya nun agad siya pumasok sa loob. Luh? Pero...

tEKA TOTOO BA YUNG NARINIG KO?! NAG SORRY SIYA SA AKIN?!

Thoughts | Kim DoyoungWhere stories live. Discover now