PB13: Official

4.4K 148 11
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

Chapter 13

JONATHAN POV

'Helloo Boracayyyyyy!!!!" Sigaw ko ng makarating kami sa Boracay. Grabe sobrang ganda nga talaga dito. Though hindi na bago sa akin ang lugar na ito hindi naman sa nakapunta na ako dito nuon kundi dahil palagi ko itong nakikita sa mga blog at pictures. Ibang iba ang ganda ng boracay pagnandito ka na talaga para siyang paraiso. Kaso marami nang mga gusali dito taliwas sa mga larawan na nakikita ko pero sobrang ganda pa rin nito.

"Oh buti nakarating kayo!!" Sigaw ni couch sa malayo. Nauna kasi siya dito.

"Syempre naman couch last na nating bonding to di ba? At isa pa chance ko na makasama si athan magbonding" nakangiting tugon ni Jande sabay akbay sa akin syempre kinilig ako crush ko kaya ito. Ng tumingin ako sa kaliwa ko nanduon si Coop nakashade at summer na summer ang attire. Napapansin ko rin na sobrang seryoso niya lately at palaging naiirita lalo na kanina sa airport. Hindi ko na nga siya pinapansin eh para Hindi lumala ang saltik sa utak pero parang mas lumuwag pa yata ang tornelyo sa utak nito ng hindi kami magkatabi dahil si jande ang katabi ko.

Paglingon ko sa kanan ay nandoon naman si Michael na ganun din ang pakikitungo sa akin at hindi namamansin. Hayst ewan ko talaga sa mga lalaking ito parang may saltik sa utak.

"Oh ok ka lang?" Tanong ni Jande sa akin.

"Syempre ok pa sa alright" sagot ko.

"Ano kain muna tayo?" Tanong niya ulit.

"Hay buti inalok mo ako kanina pa ako gutom eh hindi katulad ng mga tsonggo sa tabi tabi parang timang hindi namamansin"pagpaparinig ko at tumingin Kay tsonggo. Tsk tinanggal pa talaga yung salamin para Lang makita ko kung gaano siya kagalit.

"Halika na nga! Ano oorderin mo? Ano nga ba favorite mo?" Sunod sunod na tanong ni jande.

"Favorite niya ang mango float pareho kami." Biglang sabat ni Coop sa likuran kaya napalingon kami ni jande. Anong problema nito?

"Ahh masarap yun. Isa rin yun sa mga paborito ko" nakangiting tugon ni jande.

COOP POV

Argggggggg!!!! Kanina pa nangbubwesit yan Jande na yan ahh. Baka gusto niyang umapakan ko siya sa mukha para malaman niya. Pinagbigyan ko na nga siya kanina sa eroplano tapos ngayon halos ayaw umalis sa tabi ni athan abay kinacareer niya ata ang pagiging bodyguard. Buti nalang talaga magkasama kami ni athan sa kwarto.

Habang kumakain ay patuloy na nangbubwesit yung jande gusto ko na ngang basagin yung mukha niya eh kung wala Lang talaga si athan.

"Try mo to athan sobrang sarap!" Tugon ni jande sabay pasubo Kay athan ng shrimp.

"Ahh alergic ako jan eh" tugon naman ni athan

"Eto nalang crab mas masarap to" tugon na naman ni jande.

"Ahmm alergic din ako jan" nahihiyang tugon ni athan.

"Tsk kitang alergic sa seafood papakainin". Bulong ko pero medyo malakas kaya tumingin ako Kay athan na nanggagalaiti ganun din yung jande na masama ang tingin.

"Ahmm siguro hindi ka na alergic sa stake?" Nakangiting tugon ni jande at tumango naman si athan na nagpapahiwatig na hindi siya alergic doon. Agad na sinubuan ni jande si athan ng stake. Bwesit talaga tong jande na to!!

Prize Boy [COMPLETE]Where stories live. Discover now