Bago ako pumasok napansin kong sinamaan ako ng tingin ni Julia.

Selosa.


Pumasok ako at nakita ko naman ang mga bata na busy sa kanilang ginagawa. Nilapitan ko naman agad ang mga ito.


"Bakit sobrang pawis na pawis kayo? Saan ba kayo galing? Kanina nasa tabi lang kayo ni Direk ngayon sobrang pawisan na kayo" tanong ko. 


Dali-dali akong kumuha ng towel sa bag ko at pinahid sa likod nilang dalawa.


"Mommy, si Tito Gwapo is so makulit" sumbong ni Sab sabay tulak ng mahina kay Quen na katabi niya.

"Oh ako naman ang dinadamay nyo! Wala akong ginawa! Kapag ako natalo rito ma--Aiss--- Talo na ako! Ayshet- " 

Sarap talaga upakan to eh. Dinadamay pa ang nga bata sa kalokohan.


"Tigil tigilan mo yang kadramahan mo Quen. At yang bibig mo, alam mo naman may kasama tayong bata tapos salita ka pa ng salita ng mga masasamang salita" sabi ko. Tumawa si Quen kaya hinampas ko. Agad namang nag peace sign ang mokong.


 "Sab and Sky, gusto nyo bang kumain? Maraming foods doon sa kabila baka nagugutom kayo and also sad to say we cant go to your favorite restaurant. Sabi ni Direk malayo ito dito at baka hindi matapos ang taping"

"Okay mommy, I understand. And I already ate something a while ago. It is okay if we will just eat  here" sabi ni Sab



Nang dumating kami doon sa kabilang tent at nakita ko na andoon rin si Direk kaya pinaiwan ko muna ang dalawa doon sa kabila kay Direk. 

Bumalik naman ako sa tent, may kukunin lang sana. Nang makuha ko na ang kailangan ko, hindi ko inakalang ganito ito kabigat.


"Ako na Kath. Tulungan na kita" 


si Daniel. 

Ikalawang tulong niya na ito ngayong araw.

Pero bakit ko ba pino-problema baka naman gusto niya lang tumulong hindi ba?

Pagkarating ko sa kabila. Nagpasalamat na ulit ako.


Pinagtinginan nga kami ng mga tao. Nakakahiya.

"Sa-salamat ulit." sabi ko sabay yuko.


Pagkatapos ko sabihin iyon, ngumiti ito at pumasok na sa tent nasaan sina Direk.


Papasok  na sana ako, "Masaya ka na bang nilalandi mo na ang boyfriend, slut?" 

Lumingon ako sa nagsalita.


Masaya? 

Siya kaya yung tatanungin kong 'Masaya ba siya na nilandi niya ang ama ng mga anak ko?'


Hindi ko na sya pinansin. Ano ba mapapala ko diyan sa babaeng yan, wala naman. Naghahanap ito siguro ng away para makabawi sa sinabi ko kahapon. Nakakasayang lang ng oras pagpinatulan pa.

Tumalikod ako at pumasok pero nahila nya agad ako.


"Huwag mo akong tinatalikuran dahil kinakausap kita!" sabi nito


Humarap ako "Anong kailangan mo Julia?" kalma kong tanong. 


"Walanghiya kang babae! Isang kang mang-aagaw!"

Sasampalin na niya sana ako kaso, "Julia! Ano ba?!" rinig kong sigaw ng isang lalaki.



"Uhm. Okay ka lang ba?"

"Oo naman Daniel. Salamat " sabi ko sabay iwas ng tingin.


Hindi ko na alam ang nangyari basta tahimik lang ako habang sinasabihan ni Daniel si Julia at parang pinapagalitan.

Hindi ko alam ang nangyayari at ang pinag-uusapan nila. Pero napansin kong tumakbo si Julia habang umiiyak.

Pumasok sa isipan ko ang mga bata. Pwede bang umalis na ako dahil baka nagugutom na ang mga bata.


Hindi ko namalayan nasa harapan ko na pala siya.

Ang lapit naman masyado yung mukha niya sa mukha ko.

Awkward


"Sorry nga pala sa ginawa ni Julia.  Ito na pala ang pagkain mo, kinunan na kita. Akala ko iniwan mo na ako kaya hindi ka na pumasok " 

Sino ba sa atin ang unang nang-iwan?


"Salamat" Iyan lang ang nasabi ko.

Pumasok ako at nasa likod ko si Daniel. Napansin naman iyon ni Quen kaya ayun nagtataka ang itsura. Andito pala siya pero hindi ko na lang ito medyo pinansin at agad kong tinawag ang mga bata.


"Sky and Sab, hali na kayo at maraming andito na ang foods oh" agad naman silang pumunta sa direksiyon ko. Tinabi ko muna ang pagkaing binigay ni DJ at kumuha ng makakain ng mga bata.


Kaya ayun, pinakain ko na ang mga bata. Tumingin naman ako kay Daniel na katabi lang kanina ni Quen, na ngayon ay papunta sa akin.


"Kath okay ka na ba talaga? Gusto mo tawagin ko ang doctor? May masakit ba sa iyo? Pasensya na talaga kay Julia ha. O baka naman gusto mo ako na lang muna magpakain sa mga bata mo?"

"Ang OA mo. Huwaag kang mag-aalala, okay lang talaga ako. Baka may gagawin ka pa ha, naabala ka pa namin" sabi ko.


Syempre kapag good mood, good mood.

Bakit nung simula nung araw kanina ay napansin kong kanina pa siya concern sa akin. Mas malala pa siguro kay mama mag-aalala. 

Bakit ba ang concern niya sa akin?

Simula ng umaga tinutulungan niya ako.
Tinulungan niya ako kanina noong taping na naka-heels ako, tinulungan akong buhatin ang mga gamit, kinunan ako ng pagkain tapos kanina yung kay Julia.

Parang ang bait niya sakin?


Siguro akala niya mahuhulog ako sa mga patibong niya? 

Baka ginagawa niya lang ito para maging mabawasan ang guilt na nararamdaman niya?

Baka iba ang intensyon nya. 

Hindi Kath, kahit anong mangyari huwag kang magpapaloko. Nasaktan ka na noon huwag mong hintayin na saktan ka rin ngayon.


I can feel that

He just cared for me today.

Showbiz Parents (KathNiel) EditingDär berättelser lever. Upptäck nu