"Of course." Sabi nya kaya napangiti ako.


Sana palagi nalang ganito yung walang problemang iisipin. Pero alam ko naman na pag balik sa hiera puro stress nanaman haha.


"Ang ganda." Nasabi ko nalang habang nakatingin sa araw na papalubog.


"Sobrang ganda." sabi ni Brent kaya napatingin ako sa kanya nakita ko namang nakatingin sya sakin, ako ba yung maganda? Hehe sorry na echosera lang.


"Tara na balik na tayo sa mansion nakakapagod." Anyaya samin ni bryan kaya umayo na kami ni brent at nag lakad na pabalik sa cottage para kunin ang mga gamit namin.


Sa mansion nalang daw kame mag banlaw dahil dumidilim na dito sa Island kaya pumayag na kame at bumalik na sa mansion nila Brent.


Ako ang unang naligo samin ni Brent nag suot naman ako ng komportableng damit at tsaka umupo sa kama para antayin si Brent dahil kakain pa kame sa baba. Ng matapos na si Brent sabay na kaming bumaba at naabutan naman namin doon ang apat.


"Grabe napagod ako." Sabi ni Lucas.


"Sakit nga ng katawan ko." sabi ko.


Kumain na kame dahil halata naman sa kanila na gusto na nilang mag pahinga dahil narin sa pagod.


"Saan ang masakit sayo?" Tanong ni Brent.


"My back." Nasabi ko.


"Hilutin kita." abi nya kaya napangiti ako at dumapa sa kama.


Nasa gilid naman sya habang minamasahe ang likod ko grabe ang sarap nyang mag masahe nakaka antok lalo kaya napa pikit nalang ako dahil nilalamon na ako ng antok .


Nagising naman ako dahil sa ramdam kong yakap sakin ni Brent napangiti ako ng makitang ang himbing pa ng tulog nya akala mo kung sinong mabait pag tulog eh. Kinissan ko naman sya sa pisnge bago dumiretso sa cr para maligo pag labas ko naman sa cr nakita kong gising na sya.


"Goodmorning." Bati ko


"Goodmorning din." sabi nya bago pumasok sa cr para maligo.


Nag ayus naman na ako ng mukha ng makalabas sya sa cr eh nag tanong naman na ako kung ano oras kame uuwi pabalik sa hera.


"This afternoon." sagot nya kaya tumango at lumabas na kame para kumain.


"Ano oras tayo uuwi?" Tanong nila.


"Tanghali daw." Sagot ko kaya tumango na sila at kumain na ulit.


Pag tapos kumain umakyat na kame para mag ayos na ulit ng mga gamit


"Gusto mong ma meet ang family ko right?" Biglang tanong ni Brent kaya napatingin ako sa kanya.


"Oo naman." Sagot ko.


"Okay tommorrow my sister also want to meet you too" sabi nya kaya napangiti ako.


Ano naya itsura ng kapatid nya siguro sobrang ganda rin nun kasi ang pogi pogi ni brent eh hahaha.


"Let's go." Sabi ni Brent at inabot sakin ang kamay nya.


Kaya napangiti ako at humawak na sa kamay nya sumakay na kame sa mini bus at tsaka umandar naman na iyon nakaramdam naman ako ng antok kaya pinatong ko ang ulo ko sa balikat ni brent at natulog.


"Love andito na tayo." Nagising ako ng marinig ko ang boses ni Brent kaya gumising na ako.


Andito na kame sa tapat ng bahay kaya tumayo na ako humalik ako kay Brent at nag paalam na.


"Bye guys salamat." Paalam ko at bumaba na sa mini bus

Nakita ko naman agad doon si Rosh kaya tinulongan nya akong mag bitbit ng gamit.


"How's your trip?" Tanong nya.


"Okaylang naman masaya at nakakapagod." Sabi ko habang papasok sa bahay.


"Sige na mag pahinga kana." Sabi nya.


"Okay salamat." Sabi ko at umakyat na sa kwarto ko.


Nag bihis muna ako bago mag pahinga grabe pagod. Nag vibrate ang phone ko kaya napatingin ako doon napangiti ako ng makitang nag text si Brent.


From: Brent
Just got home, rest mylove I know you are tired.


To: Brent
Yes love pahinga kana din I love you.

From: Brent
I love you too.

The Goddess In The Sky Where stories live. Discover now