CHAPTER 44 - FINALE

46.9K 847 212
                                    

Chapter 44 - FINALE

Natulog na nga si Shane at dumeretso na rin sa kwarto ang mag asawa..

Niyakap ni Shaun si Joy..

Naglalambing si Shaun at pinaghahalikan si Joy..

"anong ginagawa mo honey?"

"sundan natin si Shane.."

"what?? 17years old na si shane saka pa natin susundan?"

"eh kung di ka kasi nagkaphobia edi sana may kapatid si Shane.."

"eh paano kasi, nakunan ako,natakot na ko mabuntis uli dahil dinibdib ko talaga nung namatay ang pangalawang anak natin..."

"kaya nga humabol pa tayo ng isa.."

"sorry honeyshaun ko, but I have red alert today..."

"what? Ang malas ko naman.. di nga? Akala ko makakaisa tayo ngayong gabi.."

"wait ka na lang after 5days hehehe.."

"buti pa sila Jake and Mhyles, tatlo ang anak, naunahan ka pa nga ni Mhyles mabuntis nun eh.."

"anong tatlo, apat na kaya.. di mo ba alam? Buntis kaya ngayon si Mhyles 3months na tiyan niya.."

"what? Humahabol pa ah.. hahaha!! Sipag ng dalawang iyon..hehehe.."

At humiga na nga ang dalawa sa kama't nagkwentuhan.. magkayakap silang nagmuni muni ng nakaraan...

"naalala mo ba nung nabuntis si Mhyles sa panganay niya.. nakakatawa yung nangyari ano.." ang sabi ni Joy

"oo yung ipinanganak nila si Jacko, ang lusog lusog at ang cute cute..Pero ngayon ang guwapong bata .. hehehe" ang sabi ni Shaun..


At nagkwento na nga si Shaun...

Nasa Office kasi si Mhyles nun, pumasok pa siya kahit halos due date niya na pano kasi masyado ring dedicated nagmana ata kay Leah, nahawa sa pagiging dedicated sa work..

"Mhyles bakit ka pa pumasok? Di ba sabi ng doctor dapat nagpapahinga ka na.. " ang sabi ni Leah,

"opo ma'am, ipapasa ko lang to kay Sir Shaun, di nio po kasi maintindihan tong report ko eh, kaya aayusin ko lang po ito't ipapasa na sa kanya pagkatapos uuwi na rin po ako.." ang sabi ni Mhyles..

"ok sige, bilisan mo ng tapusin yan and then magpahinga ka na.."

Pagkatapos gawin ni Mhyles, pumunta na rin siya kay Shaun para ipasa ang report niya..

"oh mhyles, dapat naka leave ka diba?" ang sabi ni Shaun..

"sorry Sir, inaalala ko lang kasi tong report ko di po ako mapakali, paano kasi ako lng nakakaintindi ng sulat ko't baka di maitype ng maayos ni Ma'am leah kaya ako na po ang gumawa, maipasa ko lang poi to at uuwi na po ako.."

"ok.. sige akin na't magpahinga ka na.."

Iaabot na sana ni Mhyles ang papers nang biglang sumakit ang tiyan niya..

"Sir, sumasakit na po nap o ang tiyan ko.. shett!!! Ahhhhhh" ang sigaw ni Mhyles

Sa taranta ni Shaun bigla niya itong binitbit..

Wala pa naman si Joy that time dahil siya ang nag asikaso ng mga items na oorderin nila sa supplier sa ibang bansa, habang si Jake naman kasma ni Sean sa ibang branch nila dahil meron itong meeting at kelangang ayusin ang mga projectors doon..

Nagmadali itong lumabas at isinakay si Mhyles at itinakbo sa Ospital..

Habang dinadala ng mga nurses si Mhyles sa emergency room..

"Mister, dito lang po kayo't kami na bahala sa Misis nio."

"huh..uhmmm ok po.." ang tanging tugon ni Shaun

Di mapakali at palakad lakad si Shaun at saka niya naisipang tawagan si Jake..

"Jake you have to come here, yung misis mo nanganak na.."

At dali dali naman ding pumunta si Jake, sumama na rin si Sean na katatapos lang din naman ng meeting..

Sa loob ng emergency room..

"Doc, kung andyan po mister ko sa labas, please papayagan nio naman po siyang pumasok, first baby namin kasi to kinakabahan po kasi ako.." ang sabi ni Mhyles

"ok no problem.."

At lumabas naman ang doctor..

"Mister, pinapapasok po kayo ng misis nio, please po wala ng oras kelangan nio ng pumasok" ang sabi nig Doctor at di pa man din nakakapagsalita si Shaun eh pumasok na rin ito ..

(Shaun's POV)
Ano ba to nangyayari! Di ako ang mister niya.. naku Jake asan ka na.. kelangan ka ng asawa mo..
Papasok ba ko? Shet asan ka na ba Jake..

At wala na ngang nagawa si Shaun kundi pumasok na rin ito para suportahan na lamang si Mhyles..

Pinapawisan ng buo buo si Shaun dahil pakiramdam niya si Joy ang manganganak..

Pagpasok niya, nagulat si Mhyles bakit si Shaun ang pumasok..

"Sir, bakit ikaw asan si Jake?"

"wala pa, on the way pa lang.. ako ang natetense sa iyo Mhyles, pakiramdam ko si Joy ang nanganganak.. hawakan mo muna ang kamay ko habang inaantay natin si Jake.."

"pero naiilang ako sayo Sir Shaun.. "

"ano ka ba? Pag nasa labas tayo, hindi na ko ang boss mo, I am your friend ok?"

At tumango na lamang si Mhyles saka hinawakan ang kamay ni Shaun para umiri..

Makailang saglit dumating na rin si Jake..

"uhmm ako po iyong asawa ni Mhyles asan po siya?" ang madaling sinabi ni Jake sa counter..

"po?? Eh paano nangyari iyon, andun na po ang asawa niya sa loob ng emergency room.." ang sabi ng nurse..

"ha? Hindi.. ako talaga ang asawa niya.. " ang sabi ni Jake

Maya maya lamang sumulpot na si Sean dahil sinamahan niya si Jake, nagpark lang ito kaya nauna konti si Jake...

"ano na balita Jake?" ang bungad ni Sean na kararating lang..

"siya!! Siya ho iyong nagkiclaim na asawa ng misis niyo.." ang sabi ng nurse

"ako? Eh kararating ko lang.. hindi ako.." ang gulat at pagtanggi ni Sean..

"naku nurse nagkakamali kayo.. hindi siya.. kasama ko ho sia pagpunta dito.." ang sabi ni Jake

"haist, ano ba nangyayari sa akin? Pero di ako nagkakamali siya yung kasama ng misis nio pumunta dito.."

"ah, oo yung kakambal niya iyon.."

"tama, kapatid koi yon.. asan sila?"

"haist, naloloka na ko, naguguluhan na ko... haist, punta na nga kayo don sa emergency room..!" ang naguguluhang sambit ng nurse..

At dali dali namang tumakbo ang dalawa sa emergency room..
Pagdating sa emergency room.. palabas na ang doctor..

"Doc! Doc! Kamusta po misis ko? Nanganak na poba?"

"iho baka nagkakamali ka ng room.. "

"hindi doc, si mhyles po, nanganak na po ba? Ako ang asawa niya.."

Medyo naguluhan ang doctor, at nang napalingon siya sa kasama ni Jake..

Biglang nagsalita muli ang doctor.. " ang bilis mo namang lumabas, naghugas lang ako ng kamay ko, andito ka na..kanina nasa loob ka lang.. siya iyong asawa ng babae sa loob.." angsambit ng doctor..

"hindi doc, kakambal ko lang iyon.."

Sakto namang palabas na si Shaun..

"Jake! Malusog ang baby.. lalake!" ang sambit ni Shaun..

Sabay sabay namang napa yes si Jake at Sean sa sobrang tuwa..

Umalis na ang doctor na naguguluhan bakit tatlo ang lalakeng andun at di nia malaman kung sino talaga ang ama..

...

"hahaha! Nakakatawa naman pala ang nangyari sa inyong tatlo nung nanganak si Mhyles.." ang sabi ni Joy sa kwentuhan nilang mag asawa..

"sinabi mo pa.. haist, namuo ang pawis ko sa kaba, feeling ko ikaw ang nanganganak, di ko pa kasi naexperience sa iyo nun eh dahil nga nauna pa si Mhyles sa iyo mabuntis kaya ganun na lang kaba ko.. honey , tama na kwentuhan, maaga pa ikaw papasok, at ako'y may meeting pa.. goodnight! I love you my Stupid girl.." ang sabi ni Shaun

"teka, last muna.. since nagreminisce na rin tau. .. sa tagal na natin di ko pala naitanong sau ung about sa mug? Why there's a dots in each letter?"

"ah iyon ba? Kasi S stands for Smart, matalino ka, di mo lang nakikita, nasosolve mo ang problem mo kahit na pumapalpak ka, nalulusutan mo agad.. and T stands for Talented napa inlove mo ko sa galing mong magluto.. U&P stands for Unique Person, very charming ka kasi, nakukuha mo agad ang loob ng mga nasa paligid mo, magaan ang personalidad and kahit na pumapalpak ka, kwela ka naman at di nakakainis... I & D stands for In Demand, dahil in demand ka sa kapalpakan.. hahaha! Pero maraming nagmamahal.. I loveyou.." ang sabi ni Shaun at hinalikan si Joy

"iyon pala iyon.. hehe.. sweet naman honeyshaun ko.. I love you too and Good night.. mwah!" angsabi rin ni Joy at hinalikan si Shaun..
...
Kinabukasan sa office ni Joy..

"mhyles, bakit ganto lasa ng kape ko.. ang tagal tagal mo ng gumagawa ng kape ko bakit pumalpak ka ta ngayon.."ang sabi ni Joy kay mhyles nang pinatawag nia ito para pumunta sa room niya..

"Joy, di mo pa ba alam? Im not your secretary na ngayon noh.. HR Manager na ko.. di ba sinabi ng asawa mo? May bago ka ng secretary, kakakuha ko lang sa kanya.." ang sinabi ni Mhyles

At ipinapasok nga ni Mhyles ang bagong secretary ni Joy..

"siya ang bago mong secretary, si Karylle... Karylle, iba daw ang lasa ng kape ng boss mo" ang pagpapakilala ni Mhyles

"Karylle, bakit ganto lasa, di siya matamis, may kakaibang lasa na di ko mawari.. anong nilagay mo?"

"kape po saka asukal, yung kulay red po na lalagyanan.." ang sabi ni Karylle

"ah iyon ba? Di naman asukal iyon Karylle, diba tinuro ko na sau.. iyong orange iyon ang asukal.. kaya maliit yung red na lalagyanan dahil iyon ang betsin.." ang sambit ni Myles..

"ay ganun po ba ? sige po ulitin ko na lang po" ang sabi ni Karylle at kinuha ang kape ni Joy para ulitin ang pagtimpla..

At pag alis ni Karylle..

Napangiti si Joy...


"Myles, ano tong ginagawa mong klase ng paghahire ng secretary.." ang sambit ni Joy

"Joy, parang di ka dumaan sa ganyan.. I know nakakarelate ka sa kanya.. carry mo na yan... magkakasundo kayo.." ang sambit ni Myles at ngumiti kay Joy saka tumalikod na ito't bumalik sa kanyang trabaho...

................... THE END........................



AUTHOR'S NOTE:

MARAMING SALAMAT PO SA PAGTANGKILIK NG STUPID, DI KO PO AKALAING MAGIGING GANTO SIYA KA IN DEMAND..

NAGING INSPIRASYON KO ANG BOSS KO KASI GWAPO SIYA KASO KAKAKASAL LANG LAST WEEK, HEHEHE.. KAYA NAKAISIP AKO NA GUMAWA NG NOVEL ABOUT BOSS AT STAFF, AT SINCE LAGI NGA RIN AKO PUMAPALPAK, PERO HINDI GANUN KATANGA LIKE NUNG NASA STORY, PERO HONESTLY, UNG SA CHAPTER 1 ABOUT SA BURGER AT NAGCOMPLAIN ANG CLIENT, HAHAHA, NAKAKATAWA MANG AMININ PERO YUN TALAGA NIRASON KO SA BOSS KO, HEHEHE..

SANA PO TANGKILIKIN NIO PA ANG MGA SUSUNOD KONG GAGAWIN AT WAG PO SANA KAYONG MAGSASAWA..

MARAMING SALAMAT
ATHENA ADAMAS

🎉 Tapos mo nang basahin ang S.T.U.P.I.D. (Comedy-Romance) by: Athena Adamas [COMPLETED] 🎉
S.T.U.P.I.D. (Comedy-Romance) by: Athena Adamas [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon