Chapter 11 - Being his.. Alalay. (Part 1)

79 3 0
                                    

Gleciere's POV

"Hoy alalay. Ito pa. Dali."

"Nak ng! Wag mong ibato! Kita mo nang natatamaan ako sa mukha eh!"

He just smirked saka ibinalik ang atensyon sa pagpili ng mga damit. Yes, pumayag akong maging alalay niya. No choice eh. Kahit man labag sa loob ko kailangan kong sundin ang kapritso ng unggoy na'to. Dahil kung hindi eh di ko makukuha ang libro na yun. 

Napatigil ako sa pag iimagine nang inilapit niya ang pagmumukha niya sa akin. Pinagpawisan ako ng malapot. My G-gosh! Ang lapit lapit ng mukha niya. Naaamoy ko pa ang mabangong hininga niya. Nakakahiya mang aminin pero ang gwapo talaga niya. Kasabay ng paglunok ko ang pagkabog bigla ng dibdib ko. 

*Dug*



*Dug*



*Gulp*



"A-ano b-ba!" nauutal kong tanong. He smirked as he saw my expression.



"Bakit nauutal ka? Ganyan kaba ka affected sa paglapit ng mukha ko sa'yo? Kunsabay, gwapo nga pala ako." tuloy tuloy nyang sabi habang nakatingin siya parin sa akin.




Natauhan naman ako bigla saka itinulak siya sa dibdib. Sa pagdampi ng kamay ko sa kanya, naramdaman ko kung gaano kafirm ang muscle niya sa dibdib. Ano nga tawag dun? Biceps or triceps? Ah basta. Yung sa dibdib. Hahaha.



"Uy. Tsansing yun ah. Sabi ko na nga ba may hidden desire ka sa akin eh! Hahaha." nakakaloko niyang sabi saka tumawa.




Pinamulahan naman ako ng mukha dahil sa sinabi niya.


"H-heh. A-asa ka." nauutal kong sabi.

"Sus. Deny kapa. Eh halata naman. Hahaha." he said chuckling saka lumakad na.



"Wengya ka talagang lalaki ka! Argh!"





Naiwan naman akong nagdadabog sa inis dahil sa kanya. After a while, napagdesisyonan kong sumunod sa kanya.



3 MINUTES LATER..


"Hey. You like that?" Nakangising tanong niya sa akin habang nakaturo doon sa manikin.

"Huh? Ang alin? Yung manikin? Sigurado ka bibilhin mo?" Pamimilosopo ko sa kanya.


Nangunot ang noo niya saka nagsalita.


"Not the manikin but the dress, stupid."


Ngumisi habang tinignan uli ang dress. Kulay blue iyon. Simple yet elegant. Ang ganda!


"By the look on your face, I believe na gusto mo nga iyon." Napatingin ako sa kanya. He is smirking. Tinaasan ko lang siya ng kilay. So.. he's really going to buy it? Ohmy!

"Pero.. Asa ka namang bibilhin ko yun!" He laugh so hard.

Nag iinit ang mukha ko dahil sa dalawang bagay. Una, dahil sa pagkapahiya at pangalawa, dahil sa sa galit ko sa tarantadong ito. Ugh. Ang lakas mantrip. Ayun nga. Sinuntok ko siya. 


"W-whoah! The f*ck! What was that for?!" galit niyang sigaw sa akin habang sapo sapo nito ang kaliwang panga. Pinagtitinginan na kami ng mga tao at mga sales lady dito sa boutique kaya I smiled sweetly at them. Saka ko ulit binalingan ng tingin si Linden na matalim ang titig sa akin. Kaya naman bumulong ako sa tainga niya.



"That was for pissing me, assh*le!" paangil kong bulong sa kanya saka tumingin sa mga taong nakatingin parin sa amin. Again, I smiled sweetly at them.




Warning: Love Virus Detected (ON GOING)Where stories live. Discover now