Chapter 17

3 1 0
                                    

Gleshiere's POV

"Oh baby baby baby.. my baby baby.. shishashushinishi.." 🎤

Nakasimangot na tinignan niya si Ynigo habang kumakanta ito. Nanunuksong tumingin din ito sa kanya nang di tumitigil sa pagkanta. Inirapan niya lang ito.

"Oh ano'ng problema niyong dalawa?"

Napabaling siya ng tingin kay Tiara dahil sa tanong nito. Nagtataka namang tumingin sa kanila si Asha na nakikikopya ng notes ni Tiara.

"Itanong mo sa baklang yan!" suplada niyang tinuro si Ynigo na nakataas lamang ang kilay na nakatingin sa kanya.

"Oy excuse me? I'm just singing here. Ano'ng problema dun?", maarte nitong sabi saka kumanta ulit, "My baby baby.. 🎶"

"Eh tinutukso mo ako eh!" nanggigigil na siya sa kakakanta nito.

Binaling nalang niya ang tingin sa mga naglalaro ng soccer sa gitna ng open field. Wala na silang klase ngayon dahil naka leave ang teacher nila para sa last subject nila sa araw na ito.

Alam niyang may laman yung kanta nito at para yun sa kanya. Kumabog ang dibdib niya nang naalala na naman niya yung nangyare sa clinic last week.. at ang lalaking iyon.

Linden..

It really makes her feel something giddy everytime she thinks of him. Noon, kahit pangalan lang nito nanggagalaiti na siya sa galit. Naiirita siya makita lang ang mukha nito. Nagagalit siya dito dahil sa lahat ng ginawa nito sa kanya. Pero bakit.. ngayon? She noticed something change whenever Linden makes fun of her, o kahit anong ginagawa nito. She's supposed to be irritated but now. She's not dumb to know what it is, lalo niya pa yung napatunayan sa pagdaan ng araw at tumindi pagkatapos ng nangyare sa clinic.

Linden's treatment towards her recently is very confusing. Para bang may something.. parang ang sweet nito o assuming lang siya talaga.

And then, he called her "baby", the reason why Ynigo's teasing her nonstop since last week. At sa aminin man niya o hindi, kinilig siya.

Sumagi din sa isip niya ang conclusion ni Ynigo. Di siya halos makatulog dahil dun. Parang imposible naman kasi.. pero paano kung totoo? Nagpapapansin ba ito sa kanya dahil.. gusto siya ni Linden? Lumakas ang tibok ng dibdib niya dahil sa naisip. Pilit winawaglit sa isipan, ayaw niyang mag assume.

Basta ang alam niya, galit siya dito. She need to convince herself that it is still the same at di yun unti unting napapalitan ng ibang pakiramdam.

"No I don't!", pagdedeny ni Ynigo, "Tinawag kalang na 'baby' eh." saka ngumisi ng malaki.

"Sinong tinawag na baby?!" nagtatakang tanong ni Asha habang binabalik kay Tiara ang notes nito.

Nakatingin din si Tiara sa kanila. Nakaangat ang sulok ng labi nito na para bang alam na nito kung ano ang nangyari.

Pinamulahan naman siya ng pisngi sabay kabog ng dibdib niya. Pinandilatan niya ng mata si Ynigo na humagikhik na.

"Gleshiere, bes, sino nga yung tumawag sayo ng 'baby'?" baling sa kanya ni Ynigo na nagpalaki ng mata niya.

Lintek na bakla to!

"Oh my gosh! Don't tell me its.. waaahh!" parang kiti kiti na umiirit si Asha sabay harap kay Ynigo na humahalakhak at nagtatatalon.

Si Tia naman ay napapailing lang pero nanunuksong nakangiti sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Warning: Love Virus Detected (ON GOING)Where stories live. Discover now