"Akala ko ba galit ka kay Stacey at sa pamilya niyo." nagtatakang tanong ko.

"Dahil kahit galit ako sakanila. Alam kong may rason kung bakit di nila ako nailigtas at matagal ko na silang pinatawad. At eto na ang pagkakataon ko para kami naman ng kapatid ko ang mamuno sa Zaynadarks. At gusto ko rin gumanti sa hayop na Israel na yun pinatay niya ang mga magulang namin." umiiyak na sambit niya.

Patay na mga magulang ni Stacey? At si Israel ang may gawa.

Ang sasama nila.

Inagawan na nga nila ng kaharian pinatay pa nila.

Agad ko siyang niyakap at bumulong.

"Hayaan mo tutulungan kita."

At pagkatapos nun ay pareha na kaming bumalik sa kwarto na inilaan samin ni Israel.

Di ko talaga alam ang totoong plano ni Israel samin.

Kaya dun ako lubos na natatakot.

Kaya gusto kong kumilos na.

At ayun nga ang tulungang tumakas si  Criszette sa kulungan.

"Lalaban tayo hanggang sa huli." rinig kong bulong ni Cheena.

Oo lalaban tayo! Duh magpapakasal pa kaya kami ni Christian.

Pagdating namin sa kwarto ay nakaabang si Drake.

"At saan kayong galing dalawa." salubong na tanong niya samin.

"Kailangan ba oras-oras irereport namin sa iyo kung saan kami pumupunta aba daig mo pa Body Guard namin nan." badtrip na sabi ko sakanya.

"Baka nakakalimutan mong prinsepe ang kausap mo." mayabang na sambit niya. "Na anumang oras ay pwede kitang paslangin ng walang pasabi dahil sa tabas ng dila mo." sarkastikong dugtong niya pa.

"Prinsepe? Prinsepeng nang-agaw ng kaharian ng iba." natatawang sambit ko.

Naramdaman ko ang pagsiko ni Cheena pero di ko siya pinansin.

Dahil pikon na pikon na ko sa Drake na to.

"Di mo alam ang sinasabi mo. Wala kang alam sa mundo namin." galit na sigaw niya sakin.

Kala mo naman natatakot ako sayo.

"Oo nga madami akong di alam sa mundo niyo pero isa lang ang alam ko. Na ikaw at ang iyong Ama at maging si Bathalang Eumee ay pawang masasama." nakangising sabi ko sakanya.

"Tama na Gab." bulong ni Cheena sakin.

Nakita ko na ang pagpupuyos ng galit na bumabalot kay Drake.

"Di kami masama." nakakuyom na kamao na singhal niya sakin.

"Hindi masama? Sa paanong paraan?" sabi ko tsaka nagpanggap na nag-iisip ng paraan. "Hindi ba masama yung nang-aagaw ng kaharian ng iba. At hindi rin ba masama ang pagpaslang sa mga taong tahimik na namumuhay sa mundong to at hindi rin ba masama ang pagbihag mo samin ng kaibigan. Siguro nga hindi kayo masama." sabi ko tsaka hinila si Cheena tsaka tumalikod. Kusa namang nagsarado ang pinto.

"Hindi mo dapat ginawa yun." sermon ni Cheena sakin.

"Pero yun yung tama Cheena." maikling tugon ko sakanya.

"Baka mapahamakan lang tayo parehas sa ginawa mo." ani niya pa sakin.

"Mapahamakan na kung mapahamakan ang mahalaga dun ay nasabi natin sakanya lahat ng dapat niyang malaman." pangangatwiran ko kay Cheena.

"Hys. wag mo na uulitin yun bes. Natatakot ako na mawala ka sakin." malungkot na sambit niya.

"Di ko naman hahayaang mangyari yun." depensa ko sakanya.

"Ayts ang drama drama na natin." natatawang sabi niya.

"Ikaw nagsimula ih." natatawang paninisi ko sakanya.

"So tara tulog na tayo." yaya niya sakin.

"Tara inaantok na din ako." sabi ko tsaka nauna ng humiga sa kama."Btw bes gusto mo bang sumama bukas dadalawin ko si Criszette." tanong ko sakanya.

"Si Criszette? Anong ginagawa ni Criszette dito." pabulong na tanong niya sakin tsaka humiga na din.

"Ikinulong siya nila Israel dun sa piitan." inaantok na sagot ko sakanya.

"Paano mo nalaman yan." ani niya pa.

"Di na mahalaga kung paano. Ang mahalaga ay alam kong nandito si Criszette at kailangan natin siyang tulungan." sabi ko tsaka pumikit na sa pagod.

Di ko na narinig ang pagsagot ni Cheena kaya tuluyan na din akong natulog.



The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now