AKIRA P.O.V
Umaga nanaman at panibagong paghihirap nanaman ang mararanasan ko.
Ako si Akira Magpantay at ito ang istorya namin ni Hiro Dejesus ang boyfriend ko.
Matagal na kami ni hiro almost three years and five months maraming conflict pero sabay naming hinaharap ng hindi bumibitaw sa pagkakapit sa isat isa. Si Hiro yung tipo ng boyfriend na hindi perfect person mamahalin mo dahil sa pagiging caring kahit minsan masungit, Kasi alam ko mahal ko siya , Mahal niya ko Mahal namin ang isat Isa kahit maraming hadlang saaming dalawa.
Pero ang pinaka nagustuhan ko sakanya ay yung pag iwas niya sa mga babae para lang hindi ako magalit sakanya, Alam niya kung paano ako lambingin at paamuhin.
"Aki nakikita mo ba yung buwan?"
"Oo naman"
"Isipin mo ako yan susundan ka at babantayan ka."
"Ang sweet naman pala ng boyfriend kong masungit hahaha"
"Aishh... Minsan na nga lang maging sweet panira ka pa. Tsss..."
"Hahaha sorry na po. Nakikita mo ba yung mga stars?"
"Syempre may mata ako"
"Ako yang mga stars na yan, kaya kapag namimiss mo ko tumingin ka lang sa langit andyan lang ako nakatingin sayo."
"I love you Akira Magpantay"
"I love you more Hiro Dejesus"
Pero minsan hindi maiiwasan magkatampuhan dahil sa maliliit na bagay pero hindi rin naman natatapos ang isang araw na hindi kami nagkakaayos ni Hiro.
" Kahit anong mangyari lagi mong tatandaan na Mahal na Mahal kita"
"Mas mahal kita hiro "
"I always wish your happiness Akira "
"Haha ayoko ng gantong usapan Hiro ang creepy para kang nagpapaalam"
"Haha sorry"
"Hiro I will always hold on to your promises , we promised to each other na hindi natin iiwan ang isat isa at panghahawakan ko yun"
"I love you Akira"
"I love you more Hiro"
Hanggang sa dumating yung araw at hindi na siya nagparamdam sakin at yun na ang huli naming pagkikita .
Hindi ko maiwasang umiyak ang tanga ko ramdam ko na, ramdam ko na sa mga oras na yun nagpapaalam na siya.
Pumunta ako sa bahay nila pero sabi ng mama niya umalis daw si Hiro at may kasamang babae pero hindi ako naniwala.
Si Hiro may kasamang babae? Impossible! Hindi siya dumidikit sa mga babae dahil ayaw niyang magselos ako ayaw niyang masaktan ako.
Ilang linggo na ang nakalipas hindi pa din siya nagpaparamdam sakin tinanong ko na ang mama niya bakit hindi nagpaparamdam sakin si Hiro,
Pero hindi niya din alam kung bakit.
Hindi ko maiwasan mag isip may sakit ba siya na ayaw niyang ipaalam dahil baka masaktan ako.
May taning na ba ang buhay niya kaya lumalayo siya kagaya ng mga bida sa teleserye kagaya ng mga character sa libro pero , Hindi, Mali!
Kasi wala kami sa libro ! Wala kami sa isang teleserye!
Hindi ako nawalan ng pag asa bumalik ulit ako sa bahay nila sa panahong yun wala ang mama niya at si manang Lourdes ang kumausap sakin sabi niya nasa loob si Hiro at may bisitang babae , pinapasok niya ako at tinuro ang kinaroroonan nila.
Sumunod naman ako sa tinuro niya pero habang papalapit ako rinig ko na agad ang masasayang tawanan nila.
Hindi ko maiwasang mainggit Hindi ko pa narinig tumawa ng ganyan si hiro sa tuwing kasama niya at naiinis ako hindi sakanila kundi sa sarili ko kasi pakiramdam ko hindi ko siya kayang pasayahin kagaya ng saya niya ngayon.
Nasasaktan ako na masaya siya kahit wala ako samantalang ako para ng baliw sa kakaisip kung bakit hindi siya nagparamdam, Maya nagawa ba akong Mali,
Nasaktan ko ba siya.
KAMU SEDANG MEMBACA
SACRIFICING FOR LOVE [ONE SHOT STORY]
Cerita PendekThis is a one shot story i hope you all like it
![SACRIFICING FOR LOVE [ONE SHOT STORY]](https://img.wattpad.com/cover/186389357-64-k421539.jpg)