"Hey there, princess." nagulat ako kay papa nang saluhan niya ako dito sa balcony. Kasi naman ako lang ang nandito sa taas dahil lahat sila nasa baba at nagkakainan. Pati mga pinsan ni Elmo nandito eh. Iniwan nila mag-isa si Elmo dun sa kabilang bahay.

"Hi, pa." sambit ko. Umupo si papa sa tabi ko dito sa couch at sumandal naman ako sa balikat niya.

"The day before your mom and I got married, I was also like this. Yung nangangating puntahan siya pero hindi pwede because of the old people's superstitions. Inip na inip ako nun kahit pa yung mga tito at tita mo nililibang ako. Sabi ko sa kanila, 'I want to spend time with Judith.' Pero they never wanted me to go over your mom's house. I will just spoil the big surprise sabi nila. So I waited. Kahit na feeling ko ang bagal ng oras." kwento niya. Tumingin siya sa akin at hinagod niya ang buhok ko. "I never thought na this day would come this fast. Parang dati kinakarga lang kita. Na dati, ako pa lang ang lalaki sa buhay mo. But look at you now. You've grown into a fine young lady with all the achievements at a very young age. You're one of the youngest architects registered both in London and the Philippines, and you're getting married tomorrow. I want you to know that I am the happiest father in this planet. You and your brother never disappointed us and we are very happy of what you both have become. And kahit pa ayaw kong ibigay ka muna kay Elmo, wala naman akong magagawa dahil mahal niyo ang isa't isa and I will have to deal with it soon if not now diba?"

"Papa naman eh... You're making me cry." sabi ko saka nagpunas ng luha at yumakap sa kanya. "Ikaw pa din naman ang first love ko ah."

"Hahaha. Alam ko naman yun, anak. And always remember na ikaw pa din ang baby namin ng mama mo." aniya. "I'm happy na si Elmo ang mapapangasawa mo. Panatag ang loob ko na hindi ka niya kayang saktan."

"And he can't hurt me papa. Alam mo namang under sa akin yun eh. Hahahaha."

Ginulo niya ang buhok ko saka ako niyakap ng mahigpit.

"Hay. Ang bunso ko mag-aasawa na." bulong niya sabay halik sa buhok ko. "Halika nga. Practice tayo ng lakad mo."

Nang matapos ang kainan sa baba ay nagpaalam na ako sa kanila na matutulog na. Sila Maqui ay sa guest room magsstay samantalang sina Will ay sa bahay nila Elmo. Bago ako matulog ay kinuha ko ang isang card at saka nagsimulang magsulat. Pagtapos ay nahiga na ako at natulog. Bukas, Mrs. Magalona na ako.

*****

Pagmulat na pagmulat ng mata ko ay agad akong napalingon sa digital clock na nasa bedside table ko. May 7, 2019 9:00.

"Ikakasal na ko." sambit ko saka na bumangon. Lumabas ako ng kwarto at naabutang nagbbreakfast na sila mom sa dining.

"There's our groom! Good morning!" bati sa akin ni mom.

"Good morning." sagot ko naman. Umupo ako sa tabi ni Will at dumalo na sa kanila sa pagkain.

"Excited?" tanong sa akin ni Will.

"Sobra." sabi ko naman.

"You should be." ani mom. "I know that Julie is the most beautiful bride in the world. And I know that you're itching to see her."

"Yeah. Pwede bang magkita na kami ngayon?" tanong ko sa kanila.

"Hindi pa pwede apo. The only time you'll meet is when she walks down the aisle already." sagot naman ni lola.

"Una na po kami." sabi ni Bonna.

"San kayo pupunta?" tanong ko.

"Kanila Ate Julie. Magpprepare kami and parating na yung videographers niyo." sagot ni PeeWee.

"Wait." sabi ko saka nagpunta sa kwarto.

"Elmo, you're not yet allowed to see her!" sabi naman ni Tito Wilfred. "God these kids. Napakaclingy."

Dear BestfriendWhere stories live. Discover now